Isabel, napikon nang buhusan ng pulbos sa set ng TV sitcom!
July 19, 2006 | 12:00am
Sa ginanap na contract signing ni Judy Ann Santos last July 14 ay present ang ABS-CBN top honcho na si Mr. Gabby Lopez at iba pang top executives tulad nina Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Malou Santos at Ms. Cory Vidanes na pawang projects nila ng future husband niyang si Ryan Agoncillo ang nakasaad sa kontrata.
Makakasama ni Juday si Ryan sa next soap drama niya na magti-taping na sa September. At halos lahat ng naging leading men ni Juday sa fantaseryeng Krystala ay kasama sa bagong soap niya maliban kay Sid Lucero. Ang mga bagong mukha ay sina Derek Ramsey at Jason Abalos.
Kasama sa one-year contract ng aktres ang pelikula nila ni Ryan na Kasal, Kasali, Kasalo directed by Joey Javier Reyes na filmfest entry ng Star Cinema sa MMFFP 2006.
Sa ginanap na contract signing ni Budaday sa Dos ay nagkaroon sila ng one-on-one interview ni Papa Gabby (tawag ng lahat sa pinaka-bossing ng network) na ikinagulat ng mga nakarinig dahil marunong din palang mang-intriga ang Chairman at CEO ng ABS-CBN.
"Nagli-live in na ba kayo ni Ryan?" unang intriga ni Boss Gabby sa aktres na kaagad namang sinagot ng dalaga, "Sa amin pa rin po ako umuuwi." At sinundan pa ng, "Malapit na ba ang kasal?"
Pormal namang sinagot ng bunso ni Mommy Carol Santos ang tanong sa kanya ng, "Marami pa po kaming plano sa buhay. Marami pa kaming binabayaran. Nag-iipon pa po."
"Big wedding ba?" muling hirit ni Boss Gabby at "Simple lang po. Baka sa harap lang ng Kafe Karabanna ang reception," ganting biro naman ni Juday at nagkatawanan na ang lahat.
Kaloka si Boss Gabby, huh, pwede pala siyang maging talk show host? Anyway, ang Sa Piling Mo na ang huling soap drama nina Piolo Pascual at Juday kaya naman nagbitaw daw ng salita ang die-hard fans ng dalawa na bibitaw na sila kapag hindi na sila pinagtambal muli sa mga next project.
Pagdating talaga sa singers, isa si Sharon Cuneta sa may pinakamalaking naibabahagi sa mga gustong maging singer din, tulad ng Fil-Am Pop Superstar na si AmbeAlejo Rowley o mas kilala bilang si Amber.
Sa Meza, Arizona USA ipinanganak si Amber ng kanyang Pinay na ina at Amerikanong ama, after five years of living in the US ay dinala siya sa Pilipinas ng kanyang magulang, sa Malolos, Bulacan at Angeles, Pampanga sila nanirahan for 14 years.
"Ever since I was a kid, pangarap ko nang maging singer at sa US po, parating mga tape ni Sharon Cuneta ang pinapatugtog ko at siya ang big influence ko kaya naging persistent ako sa dream ko to become a singer and now, Im here," bahagyang kwento ni Amber nang makausap ko sa album launching niyang "Feel Good Music" under Viva Records sa Hard Rock Café last Saturday night.
At base sa napanood naming performance at boses ng Am-Girl na ito ay marami siyang mapapahanga dahil multi talented siya, at may charm siya sa tao, hindi tulad ng ibang singers na walang appeal sa entablado.
Ang carrier song sa "Feel Good Music" album ay ang original song na "Manila" at kasalukuyang naririnig na ngayon sa airwaves lalo na sa Magic 89.9.
Sa nakaraang guesting ni Isabel Oli sa sitcom na Hokus-Pokus na ipinalabas last Saturday ay napikon pala ito nung buhusan siya ng powder sa mukha para maging white lady.
Kwento mismo ng mga talent at staff ng naturang sitcom ay special guest si Isabel sa birthday episode ni K Brosas at nang patapos na ang programa ay nagkabiruan at sinabuyan nga ng powder ang girlfriend ni Paolo Contis.
Bagamat nakangiti si Isabel pero, halatang nagalit na ito sa nagbiro sa kanya na okey lang daw sana kung isa sa cast ang gumawa non sa kanya, ang kaso ay hindi. Kaya naman nagsumbong ito kaagad sa boyfriend niyang si Paolo at pinayuhan naman siyang huwag ng intindihin dahil part daw talagayun ng eksena.
Pero tila hindi pa rin matahimik ang aktres dahil iritable pa rin ito sa ginawa sa kanya.
Say mismo ng mga staff ng GMA-7 na nakaalam sa istorya, "Kaya pala mabagal ang usad ng career niya, hindi siya marunong makisama, mahilig na nga mag-deny, pikon pa. Bumalik na lang siya sa Cebu no?" Hayan, mas napikon pala ang mga staff kay Isabel. REGGEE BONOAN
Makakasama ni Juday si Ryan sa next soap drama niya na magti-taping na sa September. At halos lahat ng naging leading men ni Juday sa fantaseryeng Krystala ay kasama sa bagong soap niya maliban kay Sid Lucero. Ang mga bagong mukha ay sina Derek Ramsey at Jason Abalos.
Kasama sa one-year contract ng aktres ang pelikula nila ni Ryan na Kasal, Kasali, Kasalo directed by Joey Javier Reyes na filmfest entry ng Star Cinema sa MMFFP 2006.
Sa ginanap na contract signing ni Budaday sa Dos ay nagkaroon sila ng one-on-one interview ni Papa Gabby (tawag ng lahat sa pinaka-bossing ng network) na ikinagulat ng mga nakarinig dahil marunong din palang mang-intriga ang Chairman at CEO ng ABS-CBN.
"Nagli-live in na ba kayo ni Ryan?" unang intriga ni Boss Gabby sa aktres na kaagad namang sinagot ng dalaga, "Sa amin pa rin po ako umuuwi." At sinundan pa ng, "Malapit na ba ang kasal?"
Pormal namang sinagot ng bunso ni Mommy Carol Santos ang tanong sa kanya ng, "Marami pa po kaming plano sa buhay. Marami pa kaming binabayaran. Nag-iipon pa po."
"Big wedding ba?" muling hirit ni Boss Gabby at "Simple lang po. Baka sa harap lang ng Kafe Karabanna ang reception," ganting biro naman ni Juday at nagkatawanan na ang lahat.
Kaloka si Boss Gabby, huh, pwede pala siyang maging talk show host? Anyway, ang Sa Piling Mo na ang huling soap drama nina Piolo Pascual at Juday kaya naman nagbitaw daw ng salita ang die-hard fans ng dalawa na bibitaw na sila kapag hindi na sila pinagtambal muli sa mga next project.
Sa Meza, Arizona USA ipinanganak si Amber ng kanyang Pinay na ina at Amerikanong ama, after five years of living in the US ay dinala siya sa Pilipinas ng kanyang magulang, sa Malolos, Bulacan at Angeles, Pampanga sila nanirahan for 14 years.
"Ever since I was a kid, pangarap ko nang maging singer at sa US po, parating mga tape ni Sharon Cuneta ang pinapatugtog ko at siya ang big influence ko kaya naging persistent ako sa dream ko to become a singer and now, Im here," bahagyang kwento ni Amber nang makausap ko sa album launching niyang "Feel Good Music" under Viva Records sa Hard Rock Café last Saturday night.
At base sa napanood naming performance at boses ng Am-Girl na ito ay marami siyang mapapahanga dahil multi talented siya, at may charm siya sa tao, hindi tulad ng ibang singers na walang appeal sa entablado.
Ang carrier song sa "Feel Good Music" album ay ang original song na "Manila" at kasalukuyang naririnig na ngayon sa airwaves lalo na sa Magic 89.9.
Kwento mismo ng mga talent at staff ng naturang sitcom ay special guest si Isabel sa birthday episode ni K Brosas at nang patapos na ang programa ay nagkabiruan at sinabuyan nga ng powder ang girlfriend ni Paolo Contis.
Bagamat nakangiti si Isabel pero, halatang nagalit na ito sa nagbiro sa kanya na okey lang daw sana kung isa sa cast ang gumawa non sa kanya, ang kaso ay hindi. Kaya naman nagsumbong ito kaagad sa boyfriend niyang si Paolo at pinayuhan naman siyang huwag ng intindihin dahil part daw talagayun ng eksena.
Pero tila hindi pa rin matahimik ang aktres dahil iritable pa rin ito sa ginawa sa kanya.
Say mismo ng mga staff ng GMA-7 na nakaalam sa istorya, "Kaya pala mabagal ang usad ng career niya, hindi siya marunong makisama, mahilig na nga mag-deny, pikon pa. Bumalik na lang siya sa Cebu no?" Hayan, mas napikon pala ang mga staff kay Isabel. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended