Mahihirap na movie press, puntirya ni Imelda Papin!
July 19, 2006 | 12:00am
Kundi pa nauna ang Rotary Club na kunin ang serbisyo ni Imelda Papin para sa isang fundraising show, uunahin talaga ng dating Jukebox Queen ang paggawa ng isang musical concert na ang proceeds ay ibibigay niya o gagastusin niya sa maraming mahihirap na movie reporters na nangangailangan ng tulong sa gamot dahil may mga karamdaman o araw-araw na panggastos sa pagkain, o pamasahe man lamang papunta sa mga publications na pinagsusulatan nila.
Napokus ang atensyon ni Imelda sa maraming lumalapit sa kanya para humingi ng tulong. At dahil hindi maganda ang takbo ng local entertainment sa bansa, lalo na ang pelikula, alam niya ang hirap na pinagdaraanan nila.
Bago niya ito nagawa, lumapit sa kanya sina Atty. Emil Ong at Architect Nesty Isla para sa isang fundraising project ng Rotary Club International District 3780. Marami itong proyekto para rin sa mga mahihirap kaya hindi niya napahindian. Pero, isusunod agad niya ang proyekto niya para sa mga movie reporters.
Ang konsyerto ng Rotary Club International District 3780 ay nakatakdang ganapin sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel sa Agosto 1. Pinamagatan itong Dream Come True at magtatampok din sa dating DILG Secretary at senador na si Joey Lina, kasalukuyang namumuno ng Manila Hotel na kung saan ay gaganapin ang konsyerto. Nangako itong di lamang kakanta kundi sasabayan pa si Imelda sa mga dance number nito. Ang concert ay ididirek ni Angie Magbanua.
Nagkitat nagkasama na naman sa pagbubukas ng 9th branch ng Flawless sa SM Sta. Rosa, Laguna ang mga artista ng dalawang magkalabang mortal na TV networks. Kasama sa nag-sponsor sa blessing sina Lorna Tolentino at Butch Francisco ng Star Talk ng GMA7 samantalang naging ispesyal na bisita sina Sandara Park at Joseph Bitangcol ng ABS CBN at Tess Bomb ng SiS at Sugar Mercado ng Eat Bulaga, mga programa ng Siete.
Di naman nagdedmahan ang mga artista, civil sila sa isat isa pero, sina Sugar at Tess Bomb, walang pakialam, kain lang sila nang kain.
May birthday concert si Ogie Alcasid na magaganap sa August 5 sa Aliw theater, 8NG.
Pinamagatang Komikonsyerto, prodyus ito ng MLHuillier at magtatampok kay Ogie bilang performer, hitmaker at comedian.
Bukas, sa Studio 23, mapapanood si Ogie sa MYX Live kasama si Regine Velasquez. Kakantahin niya ang ilang cuts from his "Lumilipad" album mula sa Viva Records. May duet sila ni Regine sa album, ang "Di Ko Na Kayang Masaktan Pa" na kakantahin nila sa MYX.
Aapir sa Komikonsyerto ang mga barkada niya sa Bubble Gang (Michael V, Wendell Ramos, Francine Prieto at Rufa Mae Quinto) at gayundin si Lovi at ang Maneouvers.
Napokus ang atensyon ni Imelda sa maraming lumalapit sa kanya para humingi ng tulong. At dahil hindi maganda ang takbo ng local entertainment sa bansa, lalo na ang pelikula, alam niya ang hirap na pinagdaraanan nila.
Bago niya ito nagawa, lumapit sa kanya sina Atty. Emil Ong at Architect Nesty Isla para sa isang fundraising project ng Rotary Club International District 3780. Marami itong proyekto para rin sa mga mahihirap kaya hindi niya napahindian. Pero, isusunod agad niya ang proyekto niya para sa mga movie reporters.
Ang konsyerto ng Rotary Club International District 3780 ay nakatakdang ganapin sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel sa Agosto 1. Pinamagatan itong Dream Come True at magtatampok din sa dating DILG Secretary at senador na si Joey Lina, kasalukuyang namumuno ng Manila Hotel na kung saan ay gaganapin ang konsyerto. Nangako itong di lamang kakanta kundi sasabayan pa si Imelda sa mga dance number nito. Ang concert ay ididirek ni Angie Magbanua.
Di naman nagdedmahan ang mga artista, civil sila sa isat isa pero, sina Sugar at Tess Bomb, walang pakialam, kain lang sila nang kain.
Pinamagatang Komikonsyerto, prodyus ito ng MLHuillier at magtatampok kay Ogie bilang performer, hitmaker at comedian.
Bukas, sa Studio 23, mapapanood si Ogie sa MYX Live kasama si Regine Velasquez. Kakantahin niya ang ilang cuts from his "Lumilipad" album mula sa Viva Records. May duet sila ni Regine sa album, ang "Di Ko Na Kayang Masaktan Pa" na kakantahin nila sa MYX.
Aapir sa Komikonsyerto ang mga barkada niya sa Bubble Gang (Michael V, Wendell Ramos, Francine Prieto at Rufa Mae Quinto) at gayundin si Lovi at ang Maneouvers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended