^

PSN Showbiz

Heart, magpo-produce ng sariling album

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Marami palang kinikilig sa Koreanovelang My Girl. I wrote last week na napanood ko na ang buong DVD copy. Aba, ang daming nag-text para tanungin kung ano raw ang ending. ‘Yung iba ko namang friends, gustong manghingi ng copy.

Sa TV kasi, malayo pa sa ending ang kwento at parang parating bitin.

Basta ako, napanood ko na at to-the-max ang ganda ng kwento lalo na sa bandang ending.
* * *
Buti naman at nagsalita na si Heart Evangelista. Bugbog-sarado na siya sa mga negative issues tungkol sa kanila ni Jericho Rosales at whether she likes it or not, nagiging nega na ang image niya. Last Saturday, nagpatawag ng presscon ang Manila Genesis Entertainment and Management Inc.

No’ng una, narinig namin na hindi sasagot ng mga controversial issues, pero pag-upo naman ni Heart, aba sinagot naman niya. Although hindi siya nag-elaborate, pero at least hindi naman siya nag-no comment.

Mas open na nga siya tungkol sa relationship nila ni Jericho Rosales.

Interesado ang marami sa kanyang sasabihin tungkol kay John Estrada. Pero wa. Sinasabi lang ni Heart na gusto niyang mag-usap-usap silang tatlo sa harap ng kanilang pastor dahil sa iisang church lang pala sila naga-attend. Pare-pareho silang Christian.

Ayaw naman niyang i-detalye kung bakit sila kailangang mag-usap-usap although no’ng umalis pala kami, nagsabi siya na ‘wag sanang i-twist ang truth ni John.

Eh kumusta naman ang career niya ngayong wala siyang trabaho sa ABS-CBN after Panday? Okey naman daw at mas mauuna niyang gagawin ang movie with Dennis Trillo at ang album na gagawin niya na siya mismo ang co-producer. Wala pang formal negotiations na nangyayari kaya quiet muna siya sa details ng nasabing album.

May offer si Heart sa GMA pero mas feel daw niyang mag-stay bilang Kapamilya dahil dito naman talaga siya nagsimula, na totoo naman.

Maging si Jericho raw ay mananatiling Kapamilya. Magko-concentrate daw muna si Echo sa singing career nito.

In fact sa darating na September, magkakaroon sila ng 3-night concert sa Malaysia kung saan kilalang-kilala si Jericho dahil sa mga teleserye nila ni Kristine Hermosa sa ABS-CBN na napapanood sa local channel sa Malaysia.

At kahit parang serious na ang kanilang relasyon, wala pa naman pala sa plano nilang magpakasal.

You and me against the world kasi ang drama ng relasyon nila na kahit harangan ng sibat ay walang makakapigil. Marami pa raw silang dapat gawin at ma-achieve.
* * *
From My In Box
As of last week, Original Pilipino Music nationwide album sales

1. Sitti Navarro - Cafe Bossa

2. Kamikazee - Maharot

3. Sharon Cuneta - Isn’t It Romantic?

4. M.Y.M.P. (Make Your Momma Proud) - Versions & Beyond

5. Gary Valenciano - Relevance

6. Toni Gonzaga - You Complete Me

7. Cueshe - Half Empty Half Full

8. Nina - Nina Live

9. Sam Milby - Sam Milby

10. Shamrock - Are You Serious?

11. Kyla - Beautiful Days

12. Various Artists - Bituin Walang Ningning OST

13. Eraserheads - Anthology

14. Freestyle - Live @ 19 East

15. Hale - Hale (Repackaged)

16. Jed Madela - Songs Rediscovered (Repackaged)

17. Various Artists - Pinoy Ako Vol. 2

18. Jennylyn Mercado - Letting Go [/b]

19. Bamboo - Light Peace Love

20. Various Artists - Ultraelectromagneticjam - The Music of the Eraserheads
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]</I>

ARE YOU SERIOUS

BEAUTIFUL DAYS

BITUIN WALANG NINGNING

CAFE BOSSA

JERICHO ROSALES

NAMAN

SAM MILBY

SIYA

VARIOUS ARTISTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with