Harold Snakeman Montano, ginamit, dinenggoy!
July 18, 2006 | 12:00am
Nalulungkot naman ako para sa baguhang aktor na si Harold "Snakeman" Montano. Asang-asa ito na maipapadala sila ng partner niyang si Thea Aquino sa Austria para sa World Body Painting Contest. Katunayan, gumastos pa ito ng sarili niyang pera para makatulong sa promosyon ng nasabing paligsahan na internasyonal pero, yun pala, matapos silang magpakahirap ay iba pala ang mga modelong ipinadala rito.
Hindi bale si Thea dahil mayrong problema sa kanyang mga papeles pero malinis ang papeles ni Harold. Anytime ay pwede siyang umalis, yun nga lamang may iba palang plano ang samahang nasa likod ng nasabing paligsahan, ang Great Wings Production, na diumano ay nag-solicit ng pera sa mga ahensya ng gobyerno na gamit ang logo nila na kung saan ay nakalagay ang larawan nina Harold at Thea, yun pala wala silang balak na isama ang dalawa sa Austria. Ang mga nalikom na pondo ay gamit sanang pamasahe ng mga kasama sa Austria.
"Dapat umalis kami nung mga petsang July 17, 18 o 19 pero di na kami tinawagan pa ng producer. Nang tawagan naman namin sila, wala nang sumasagot sa telepono nila," ani Harold na nakita ko sa shoot ng Twilight Dancers na kung saan ay kasama siya sa cast.
Napag-uusapan na rin lamang ang unang pelikulang ito ng CenterStage Production na idinidirihe ni Mel Chionglo, natyempuhan ko ang second to the last day shoot nito sa isang gay bar at talaga namang pagkagu-gwapo ng mga nakita ko nagma-macho dancing.
Kaya pala hindi sila mga macho dancer kundi mga kilalang modelo at artista sa pelikula, gaya nina Harold, Terence Baylon, Tyron Perez at Kris Martinez. Alas-9NU yon pero, bago pa lamang magtanghali ay dumami na ng husto ang mga nanonood. Nakita ko ang maraming may pangalang bading na tutok ang pagtingin sa mga nagsasayaw.
Kakatuwa itong mabilis na sumisikat na singer ng Viva Records na si Amber. Tisay na tisay ang itsura pero, ang tatas-tatas mag-Tagalog. Hindi nakapagtataka dahil kahit isinilang ito sa US, mula 5 years hanggang 14 yrs. old ay tumira ito ng Maynila kasama ang mga magulang.
Katunayan, isa sa mga kapatid niya, si Misty Blue ay naging member pa ng Thats Entertainment ni Kuya Germs. Pinay ang mom niya, at American naman ang dad. Si Amber ang nasa likod ng matagumpay na awiting "Manila". Unang single ito na inilabas mula sa kanyang album na "Feel Good Music".
Sa LA ay nag-background vocals ito kay Hilary Duff. Nung 2004, na-assign siya sa WAR Entertainment, record label ni NBA player Dale Davis. Nag-record siya rito ng dalawang singles para sa soundtrack ng pelikulang Playa Ball. Naging lead vocals din siya ng popular rock/hip hop show sa Japan na Enwhy. Sa Japan siya nanggaling nang pumunta siya ng Pinas.
Maraming recording companies ang nagpakita ng interes kay Amber pero sa Viva siya nag-decide na gumawa ng recording.
Nakalabas na sa pelikula si Perry Escano, kundi man kaibigan ng bida ay biktima sa isang horror film o kayay sidekick ng kontrabida pero ang legitimate stage ang itinuturing na tahanan ng senior apprentice na ito ng Gantimpala.
Pagkaraan ng marami-rami ring maliliit na roles, tumanggap si Perry ng isang magandang break sa pelikulang Compound bilang Boyong, isang hardinero at over all helper ng pamilya na pinamumunuan ni John Arcilla. Kapareha niya si Liza Dino pero sexmate din niya si Jake Macapagal.
Ang Compound ay isang full-length film na nasa direksyon ni Will Fredo, isa itong 2006 Cleveland International Film Festival Certified Box Office Film. May Manila premiere ito ngayong 6:15 NG, Dream Theater at Hulyo 23, 12:45 NH sa Silangan Hall ng CCP.
E-mail: veronica@ philstar.ph.net
Hindi bale si Thea dahil mayrong problema sa kanyang mga papeles pero malinis ang papeles ni Harold. Anytime ay pwede siyang umalis, yun nga lamang may iba palang plano ang samahang nasa likod ng nasabing paligsahan, ang Great Wings Production, na diumano ay nag-solicit ng pera sa mga ahensya ng gobyerno na gamit ang logo nila na kung saan ay nakalagay ang larawan nina Harold at Thea, yun pala wala silang balak na isama ang dalawa sa Austria. Ang mga nalikom na pondo ay gamit sanang pamasahe ng mga kasama sa Austria.
"Dapat umalis kami nung mga petsang July 17, 18 o 19 pero di na kami tinawagan pa ng producer. Nang tawagan naman namin sila, wala nang sumasagot sa telepono nila," ani Harold na nakita ko sa shoot ng Twilight Dancers na kung saan ay kasama siya sa cast.
Napag-uusapan na rin lamang ang unang pelikulang ito ng CenterStage Production na idinidirihe ni Mel Chionglo, natyempuhan ko ang second to the last day shoot nito sa isang gay bar at talaga namang pagkagu-gwapo ng mga nakita ko nagma-macho dancing.
Kaya pala hindi sila mga macho dancer kundi mga kilalang modelo at artista sa pelikula, gaya nina Harold, Terence Baylon, Tyron Perez at Kris Martinez. Alas-9NU yon pero, bago pa lamang magtanghali ay dumami na ng husto ang mga nanonood. Nakita ko ang maraming may pangalang bading na tutok ang pagtingin sa mga nagsasayaw.
Katunayan, isa sa mga kapatid niya, si Misty Blue ay naging member pa ng Thats Entertainment ni Kuya Germs. Pinay ang mom niya, at American naman ang dad. Si Amber ang nasa likod ng matagumpay na awiting "Manila". Unang single ito na inilabas mula sa kanyang album na "Feel Good Music".
Sa LA ay nag-background vocals ito kay Hilary Duff. Nung 2004, na-assign siya sa WAR Entertainment, record label ni NBA player Dale Davis. Nag-record siya rito ng dalawang singles para sa soundtrack ng pelikulang Playa Ball. Naging lead vocals din siya ng popular rock/hip hop show sa Japan na Enwhy. Sa Japan siya nanggaling nang pumunta siya ng Pinas.
Maraming recording companies ang nagpakita ng interes kay Amber pero sa Viva siya nag-decide na gumawa ng recording.
Pagkaraan ng marami-rami ring maliliit na roles, tumanggap si Perry ng isang magandang break sa pelikulang Compound bilang Boyong, isang hardinero at over all helper ng pamilya na pinamumunuan ni John Arcilla. Kapareha niya si Liza Dino pero sexmate din niya si Jake Macapagal.
Ang Compound ay isang full-length film na nasa direksyon ni Will Fredo, isa itong 2006 Cleveland International Film Festival Certified Box Office Film. May Manila premiere ito ngayong 6:15 NG, Dream Theater at Hulyo 23, 12:45 NH sa Silangan Hall ng CCP.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended