Modeling, singing, pati writing at boxing ay pinasok na ni Lance Raymundo!
July 17, 2006 | 12:00am
Isang ramp model si Lance Raymundo nang makilala ko. Mas nauna kong na-meet ang older brother niya na si Rannie Raymundo. Bago silang dalawa, nakasama ko ang mommy nila na si Nina Zaldua-Raymundo nung sumasali pa ito bilang Miss Night Owl, isang programa sa Channel 11 na ginaganap pa sa Keg Room ng Jai-alai and hosted by Lito Gorospe.
Contestant din ako sa nasabing TV show, dancer at hindi beauty contestant na tulad ni Nina at ang mga kapanabayan niyang sina Imelda Ilanan (mom ni Maricel Laxa), Dulce Lucban (mom ni Pops Fernandez), at marami pang iba na sumikat bilang mga artista.
Nakita ko kung paano nag-switch si Lance from modeling to singing. Bagaman at magkaiba ang forte nila ni Rannie, pareho silang mahusay, lumamang lamang ang kuya niya dahil musikero rin ito.
For a while, nawala si Lance, yun pala nag-Amerika ito, nagbakasyon, tumingin-tingin ng posibilidad sa negosyo, modeling at pati sa singing.
Bumalik na siya, kumakanta pa rin, nagmo-model pa rin, nag-negosyo pa rin pero, nagpapaka-macho sa pamamagitan ng pagbu-boksing, tatlong oras kada araw nasa Elorde gym siya para mag-train sa boxing.
Pinasok na rin niya ang pagsusulat, kolumnista siya ng Style Magazine. Tuwing Biyernes, host siya ng isinasagawang theme party/model search na ginaganap sa Citrus Bar, 9NG. Siya rin ang host sa finals nito sa Hulyo 28 na gaganapin sa Podium na kunsaan ay magbibigay din siya ng isang mini-concert at preview ng kanyang bagong album.
Proyekto rin niya ang launching ng kauna-unahang fashion/music/entertainment industry online community, SDOLARA.COM na may 2,000 myembro (artista, musician, model, photogs, producers at media people) na nakatala. Naka-release ito sa Beta format.
Isa pang dancefloor heartthrob ang nagbabanta sa kasikatan at tagumpay ni Mark Herras. Ito si Gerald Anderson, PBBTeen finalist na ginawan ng dance album/compilation ng Universal Records na pinamagatang "Geralds Dance Picks". Ang pagsasayaw ang talent na ipinamalas ni Gerald sa PBB. Unang single na lalabas from the album ay pinamagatang "Dale Candela". May music video ito na nagtatampok kay Gerald kasama ang Pink Butterflies at Focus E. Dancers.
Nagsawa na marahil sa katu-tour sa mga campuses si King kaya concert naman ang inaatupag niya. Sa Agosto 5, matatagpuan siya sa Balayang Pag-asa Subd. Sports Complex sa Valenzuela City para sa kanyang konsyertong King By Request kasama sina JC Moya, Randell Panganiban at The Band Called Rush at ang kanyang soul at biological sister na si Nina. Kakatuwa naman ang Soul Siren dahil pagdating sa kapatid, palaging may panahon ito. Bilisan nyo na bago kayo maubusan ng tiket (9122015/09165217740).
Isa namang totoong prinsesa sa Kalinga, Apayao ang nag-aartistang si Jill Casabuena, 17 taong gulang at tumutugon din sa pangalang Lagunawa na ang ibig sabihin sa tribo nila ay Goddess of Beauty.
Mahaba ang listahan ng mga beauty titles ni Jill. Modelo siya ng Cinderella, Final Cut (reality TV show), John Robert Powers, Ms. Fort Ilokandia (3rd runner-up), Miss Pharmacy (CEU, 2005), Miss Tabuk, Miss Intrams, Miss Charity, Jubillee Princess at sangkatutak pang iba.
Napapahagikgik na lamang si Jill kapag tinatanong siya kung saan tribo siya nanggaling.
"Modern na po kami. Tourist attraction na rin po ang aming lugar. May Chico River kami, White River, Rafting, Tinglayan (Sleeping Beauty), Pasol, Pato River (shaped like a duck) and many others.
"Kung gusto nyo, ipapasyal ko kayo run, bubusugin ko pa kayo sa magagandang tanawin, fruits, vegetables, export quality na rin po ang kape namin," aniya.
Nag-audition siya kay direk Edgar Mortiz para sa Lets Go at iba pang shows ng ABS CBN. Magi-enrol din siya sa acting workshop, kaya lang tuwing summer lang pala yon.
"Nakahanda po akong gawin ang lahat para lang matuloy ang pagsu-showbiz ko, Huwag lang po ang maghubad," pahayag niya.
E-mail: [email protected]
Contestant din ako sa nasabing TV show, dancer at hindi beauty contestant na tulad ni Nina at ang mga kapanabayan niyang sina Imelda Ilanan (mom ni Maricel Laxa), Dulce Lucban (mom ni Pops Fernandez), at marami pang iba na sumikat bilang mga artista.
Nakita ko kung paano nag-switch si Lance from modeling to singing. Bagaman at magkaiba ang forte nila ni Rannie, pareho silang mahusay, lumamang lamang ang kuya niya dahil musikero rin ito.
For a while, nawala si Lance, yun pala nag-Amerika ito, nagbakasyon, tumingin-tingin ng posibilidad sa negosyo, modeling at pati sa singing.
Bumalik na siya, kumakanta pa rin, nagmo-model pa rin, nag-negosyo pa rin pero, nagpapaka-macho sa pamamagitan ng pagbu-boksing, tatlong oras kada araw nasa Elorde gym siya para mag-train sa boxing.
Pinasok na rin niya ang pagsusulat, kolumnista siya ng Style Magazine. Tuwing Biyernes, host siya ng isinasagawang theme party/model search na ginaganap sa Citrus Bar, 9NG. Siya rin ang host sa finals nito sa Hulyo 28 na gaganapin sa Podium na kunsaan ay magbibigay din siya ng isang mini-concert at preview ng kanyang bagong album.
Proyekto rin niya ang launching ng kauna-unahang fashion/music/entertainment industry online community, SDOLARA.COM na may 2,000 myembro (artista, musician, model, photogs, producers at media people) na nakatala. Naka-release ito sa Beta format.
Mahaba ang listahan ng mga beauty titles ni Jill. Modelo siya ng Cinderella, Final Cut (reality TV show), John Robert Powers, Ms. Fort Ilokandia (3rd runner-up), Miss Pharmacy (CEU, 2005), Miss Tabuk, Miss Intrams, Miss Charity, Jubillee Princess at sangkatutak pang iba.
Napapahagikgik na lamang si Jill kapag tinatanong siya kung saan tribo siya nanggaling.
"Modern na po kami. Tourist attraction na rin po ang aming lugar. May Chico River kami, White River, Rafting, Tinglayan (Sleeping Beauty), Pasol, Pato River (shaped like a duck) and many others.
"Kung gusto nyo, ipapasyal ko kayo run, bubusugin ko pa kayo sa magagandang tanawin, fruits, vegetables, export quality na rin po ang kape namin," aniya.
Nag-audition siya kay direk Edgar Mortiz para sa Lets Go at iba pang shows ng ABS CBN. Magi-enrol din siya sa acting workshop, kaya lang tuwing summer lang pala yon.
"Nakahanda po akong gawin ang lahat para lang matuloy ang pagsu-showbiz ko, Huwag lang po ang maghubad," pahayag niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended