^

PSN Showbiz

"Dapat masaya na si Gwen para sa amin ni Keanna"- Andrew Wolfe

-
Nagkakilala sina Andrew Wolfe at Keanna Reeves nang magkasama silang nag-fashion show sa Bench Fever.

Since then, lagi na silang nagtatawagan, naging textmate at madalas magkasama. Magkasama silang nanood ng Superman Returns at kung hindi busy si Wolfe ay sinasamahan niya si Reeves. Mula sa parlor hanggang sa pagge-guest ni Keanna ay nakabuntot sa kanya si lalaki.

"It’s too early to say kung saan papunta ito. Nine days pa lang kami. Tingnan na lang natin muna kung ano ang mangyayari," matatas na pananagalog ng sikat na modelo.

Kontrobersiyal si Wolfe. Naging ex-gf niya sina Gwen Garci at Ethel Booba at parehong may pangit na experiences ang dalawa sa pakikipagrelasyon sa kanya, bukod pa ru’n sa isyung binugbog niya ang dating manager dahil sa pera, pero ayaw nang pag-usapan ito ng binata.

"Wala na kami ni Gwen. Dapat mag-move-on na siya. Nakapag-move-on na ako at dapat ay masaya na siya para sa akin at para sa amin ni Keanna," sabi pa niya sa amin nang makausap namin siya sa Dos nung Linggo.

Hindi raw niya ginagamit si Keanna. Sinsero raw siya sa Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Alam daw niya na may anak na ito, but still nakipagkaibigan ito sa alaga ni Boy Abunda.

Doble ang pagitan ng edad nila ni Keanna, kaya marami ang nagsasabi na baka gagawin lang niyang sugar mommy si Reeves.

"Isa siyang (Keanna) magandang mom," nakangiting sabi niya sabay halik sa pisngi kay Keanna, na katabi nito habang kausap namin. — Boy Romero

vuukle comment

ANDREW WOLFE

BENCH FEVER

BIG WINNER

BOY ABUNDA

BOY ROMERO

ETHEL BOOBA

GWEN GARCI

KEANNA

KEANNA REEVES

NIYA

PINOY BIG BROTHER CELEBRITY EDITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with