^

PSN Showbiz

Pia, papalitan ni Cindy sa Eat Bulaga?

-
Iritang-irita raw ang mga artista at reporters na dumalo sa nakaraang premiere night ng pelikulang I Wanna Be Happy ng Seiko Films dahil hindi man lang daw sila inasikaso ng producer na si Robbie Tan.

Kwento ng isang artistang bida mismo ng pelikula na pinagmadali raw silang pinapunta ni Robbie sa Megamall dahil on time daw ang umpisa ng screening.

Kaya’t maski raw gutom at ang artistang ito na gayun din pala ang ibang cast ay hindi muna sila kumain dahil may food naman daw sa nabanggit na premiere night.

Ending, natapos ang pelikula ay walang pagkaing dumating, maski raw popcorn o iced tea man lang na pamatid uhaw.

Isang beteranong actor ang dinig na dinig naman ng reporters na naghahanap nga ng food dahil gutom na ito at hinahanap din ang producer na si Robbie, pero hindi na raw ito makita pa.

Ang nangyari naman sa reporters na inimbita mismo ni Robbie ay hindi rin pinakain at hindi rin inistima ng mabuti.

Kaya imbes daw na maging I Wanna Be Happy ang naramdaman nila that night ay naging I Wanna Hate this Movie dahil bukod daw sa ginutom na sila, hindi pa raw pumasa sa criteria nila ang naturang pelikula.
* * *
Tatanggalin na ba si Pia Guanio as one of the hosts ng Eat Bulaga?

Kaya namin naitanong ay dahil ipinasok na raw si Cindy Kurleto at may ugong na kapalit siya ni Pia.

Nagulat kami sa isyung ito dahil wala naman kaming nakikitang dahilan para tanggalin si Pia, baka idinagdag lang si Cindy sa naturang programa dahil may request since maganda ang team-up nila ni Vic Sotto sa Daddy Di Do Du.

Pero ang say sa amin, "Baka hindi bibiglaing tsugihin si Pia, uunti-untiin kasi remember, lahat ng nali-link kay bossing Vic, tsinutsugi para hindi makasira sa image? E, di ba, hanggang ngayon hindi pa namamatay ang isyung Vic at Pia? Nakakapagduda, di ba?" esplika sa amin ng taga-GMA-7.

Sa ganang amin, parang sayang naman kung aalisin si Pia in favor of Cindy, sa totoo lang, mas okey panoorin si Pia kasi mahusay siyang host, kumpara kay Cindy na bulol at walang talent kundi maganda lang.
* * *
Hindi natuloy ang Famas Awards Night kagabi, Sabado dahil na TRO o Temporary Restraining Order ito ng tunay daw na presidente ng Famas.

Say mismo ni Mr. Art Padua, "Inspite of court decision by Judge Antonio Eugenio recognizing me as the legitimate Famas President, a temporary restraining order from another Judge arrived late this Friday afternoon, I’m conferring with lawyer to determine if TRO is genuine because it came late on the Famas awards which is all set, sounds like there is bad faith? If genuine, we might postpone Famas Awards for 72 hours."

May nakapagsabi rin sa amin na parang Enpress at Star Awards group daw ang nangyari sa Famas, ang pagkakaiba lang, walang demandahang nangyari sa Enpress at PMPC, kasi awayang bata lang daw, unlike itong Famas, away ng matatanda kaya mas nakakahiya.
* * *
Kinukuto pala ang magandang buhok ng sikat at magandang sexy star na paboritong i-guest ngayon ng mga talk show at variety show dahil may pagka-eng-eng daw sumagot at sintunadong kumanta.

In fairness, maganda nga si sexy star na dating miyembro ng isang grupo ng kababaihan, kaya lang napapakunot noo na kami kapag naririnig namin siyang kumanta at magsalita dahil mali-mali ang paggamit niya ng salitang Ingles.

Naloka ang make-up artist ng isang programa sa kilalang network dahil nung inaayusan daw niya ng buhok ang magandang sexy star ay nagulat siya dahil may nakita siyang itim na nakadikit sa anit ng sexy star.

Dinedma ng make-up artist nung una ang kulay itim, nagulat siya dahil gumapang ang kulay itim at nang kunin niya ay isa pala itong kuto.

"Naku, hindi na ako nakapagpigil sabi ko, Hindi ko puwedeng ipagamit sa iyo ang suklay ko at brush kasi may kuto ka!" kuwento sa amin ng staff ng show na napagkuwentuhan ng make-up artist na mataray. – Reggee Bonoan

vuukle comment

CINDY

DAHIL

DAW

FAMAS

I WANNA BE HAPPY

KAYA

LANG

ROBBIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with