Claudine, di pa ginagamit ang apelyido ni Raymart
July 15, 2006 | 12:00am
Ang magkapatid na EJ at Brendon Banares na tubong Dumaguete City ang magulang at nag-migrate sa Los Angeles, USA more than 20 years ago ay muling umuwi ng Pilipinas para i-promote ang kanilang debut album na may titulong "Pusong Pinoy USA" na ang carrier song ay "Aking Inay" na dedicated nila sa kanilang inang si Mrs. Nanette Banares.
Pangarap talaga ng dalawang kabataan na maging singers kaya pinagbigyan niya ang hilig at sa awa ng Diyos ay hindi naman siya napapahiya kapag naiimbitahang kumanta ang mga anak niya sa Filipino Community sa Los Angeles, California lalo na kung front act sila ng mga sikat na Filipino singers na nagko-concert doon.
Bago naman naging professional singers sina Edilberto James (EJ) at Brendon Anthony (Brendon) ay dumaan muna sila kina Terry at Laly (Aldeguer Sisters Performing Arts Center) for their voice, acting and dance workshops sa West Covina, California para mas lalong ma-enhance ang kanilang talent.
At ang main reason kung bakit gumawa ng album ang Banares brothers ay dahil part ng sales ng album ay mapupunta sa Pusong Pinoy USA Foundation para makatulong sa mga kabataang naghihikahos dito sa Pilipinas. Hindi malilimutan ng magkapatid yung experience nila nung magcelebrate ng birthday si Brendon sa bahay ng grandparents niya sa Dumaguete City, habang nagpa-party sila ay may mga batang nakadungaw sa kanila at halatang mga gutom.
"We were so shocked because these kids were so hungry, so we let them in to eat and join the fun," kwento ni EJ.
By September ay balik Amerika na uli ang magkapatid dahil pasukan na pero bago sila umalis ay may benefit show sila sa August 18 with Rico J. Puno.
Inamin ni Claudine Barretto-Santiago na hanggang ngayon ay hindi pa siya pumipirma sa mga papeles bilang Mrs. Santiago, nanatiling Claudine Barretto pa rin daw ang mga nasa papeles niya, maging sa pasaporte at ilang bank accounts.
"Marami pa kasi akong papeles na aayusin at medyo matagal pa, kaya for the meantime, Barretto pa rin ang ginagamit kong surname. But in time, Santiago na ang gagamitin ko," paliwanag ng aktres nang tanungin kung nagpalit na siya ng apelyido sa mga papeles niya.
Pero feel na feel na ng co-star ni Kris Aquino sa pelikulang Sukob ang maging maybahay ni Raymart dahil siya mismo ang nagbe-beg off kapag binigyan siya ng trabaho sa araw ng Linggo.
"Thats the only thing that I requested na kung pwede, akin ang araw ng Linggo because its my family day, maliban siguro kung big promo ng project, but as much as possible, ayokong magtrabaho ng Linggo dahil para sa pamilya ko ito, para kina Raymart at Sabina," esplika ng aktres.
Pinadalhan kami ng Viva Video ng vcd ng Masahista (The Masseur) ni Coco Martin na nanalo sa 58th Locarno Film Festival sa Switzerland mula sa first directorial job ni Brillante Mendoza.
Pinanood kaagad namin ang nabanggit na pelikula at bilang baguhang actor ay okey naman si Coco bilang si Iliac na paboritong masahista ng baklang manunulat na si Allan Paule at the same time ay may jowang babae si Coco na si Katherine Luna na ina ng anak niya.
Naalala namin bigla si Daniel Fernando nung kabataan niya dahil hindi nalalayo ang itsura niya kay Coco nung gawin ng una ang Scorpio Nights. Halos iisa ang aura ng mukha ng dalawang actor, parehong maamo at inonsente.
Tulad ng Scorpio Nights na nagkamit din ng magagandang papuri ay halos ganito rin ang kuwento ng Masahista ni Coco na nag-umpisa siyang magpa-sexy bago tuluyang nakilala.
May K ang Masahista kaya hindi kataka-takang maimbitahan itong ipalabas sa Toronto at Vancouver International Film Festival, naipalabas na rin sa Chicago, Belgium, Austria, Brazil, Argentina, France, Estoria, Lithuania, at Germany. Reggee Bonoan
Pangarap talaga ng dalawang kabataan na maging singers kaya pinagbigyan niya ang hilig at sa awa ng Diyos ay hindi naman siya napapahiya kapag naiimbitahang kumanta ang mga anak niya sa Filipino Community sa Los Angeles, California lalo na kung front act sila ng mga sikat na Filipino singers na nagko-concert doon.
Bago naman naging professional singers sina Edilberto James (EJ) at Brendon Anthony (Brendon) ay dumaan muna sila kina Terry at Laly (Aldeguer Sisters Performing Arts Center) for their voice, acting and dance workshops sa West Covina, California para mas lalong ma-enhance ang kanilang talent.
At ang main reason kung bakit gumawa ng album ang Banares brothers ay dahil part ng sales ng album ay mapupunta sa Pusong Pinoy USA Foundation para makatulong sa mga kabataang naghihikahos dito sa Pilipinas. Hindi malilimutan ng magkapatid yung experience nila nung magcelebrate ng birthday si Brendon sa bahay ng grandparents niya sa Dumaguete City, habang nagpa-party sila ay may mga batang nakadungaw sa kanila at halatang mga gutom.
"We were so shocked because these kids were so hungry, so we let them in to eat and join the fun," kwento ni EJ.
By September ay balik Amerika na uli ang magkapatid dahil pasukan na pero bago sila umalis ay may benefit show sila sa August 18 with Rico J. Puno.
"Marami pa kasi akong papeles na aayusin at medyo matagal pa, kaya for the meantime, Barretto pa rin ang ginagamit kong surname. But in time, Santiago na ang gagamitin ko," paliwanag ng aktres nang tanungin kung nagpalit na siya ng apelyido sa mga papeles niya.
Pero feel na feel na ng co-star ni Kris Aquino sa pelikulang Sukob ang maging maybahay ni Raymart dahil siya mismo ang nagbe-beg off kapag binigyan siya ng trabaho sa araw ng Linggo.
"Thats the only thing that I requested na kung pwede, akin ang araw ng Linggo because its my family day, maliban siguro kung big promo ng project, but as much as possible, ayokong magtrabaho ng Linggo dahil para sa pamilya ko ito, para kina Raymart at Sabina," esplika ng aktres.
Pinanood kaagad namin ang nabanggit na pelikula at bilang baguhang actor ay okey naman si Coco bilang si Iliac na paboritong masahista ng baklang manunulat na si Allan Paule at the same time ay may jowang babae si Coco na si Katherine Luna na ina ng anak niya.
Naalala namin bigla si Daniel Fernando nung kabataan niya dahil hindi nalalayo ang itsura niya kay Coco nung gawin ng una ang Scorpio Nights. Halos iisa ang aura ng mukha ng dalawang actor, parehong maamo at inonsente.
Tulad ng Scorpio Nights na nagkamit din ng magagandang papuri ay halos ganito rin ang kuwento ng Masahista ni Coco na nag-umpisa siyang magpa-sexy bago tuluyang nakilala.
May K ang Masahista kaya hindi kataka-takang maimbitahan itong ipalabas sa Toronto at Vancouver International Film Festival, naipalabas na rin sa Chicago, Belgium, Austria, Brazil, Argentina, France, Estoria, Lithuania, at Germany. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended