Joey, si Jeannette, naman ang puntirya?
July 14, 2006 | 12:00am
Natawa kaming bigla sa sinabi ni Gob. Mark Lapid. Yon daw kanyang pelikulang Batas Militar ay inilalabas sa mga sinehan sa buong bansa, maliban sa Makati. Kasi ayaw daw silang bigyan ng sinehan dito.
May isa raw may-ari ng sinehan na ang katwiran ay iilan lamang ang sine sa kanilang maliit na mall, at may booking na ang mga yon na kasabay ng pelikula ni Mark.
Yon naman daw may-ari ng mas malaking theater chain, yong Ayala Group, ang gusto ay ma-review muna nila ang pelikula bago nila bigyan ito ng playdate sa kanilang sinehan.
Nagtataka naman si Gob. Mark kung bakit kailangang mag-review pa ulit ang mga may-ari ng sinehan ganoong pasado naman sila sa MTRCB, at ang paniwala niya, wala nang dapat mag-review pa sa kanyang pelikula maliban sa ahensiya ng gobyerno.
Ang resulta, wala siyang nakuhang sinehan sa kanila. Pero hindi raw naman sa Makati lang yon, sabi ng isa pa naming source. Kahit na raw sa Cebu, hindi nakakuha ng playdate sa Ayala group ang pelikula ni Gob. Mark, kaya ang inaasahan nila ay ang SM chain lamang.
May mga nagsasabi na baka raw kaya ganoon ay dahil nagsabi na ang tatay niyang si Sen. Lito Lapid na kakandidatong mayor ng Makati, at baka nga si Mayor Jojo Binay ay may kinalaman sa paghihigpit sa pelikula ni Mark, pero sinabi naman ng gobernador na ayaw niyang maniwala sa ganoong tsismis.
Sa panahong ito na naghihingalo ang pelikulang Pilipino, hindi namin maintindihan kung bakit nagkakaroon pa ng ganyang paghihigpit sa mga pelikula natin.
Nakita namin ang sexy star na si Jeannette Joaquin nang ang kanyang grupong Baywalk Bodies ay nagkaroon ng concert noong isang araw sa Cubao, bilang bahagi rin ng promo ng kanilang album na "Bombera."
Nang tanungin siya ng isa naming kasamahan tungkol sa tsismis na nagli-link sa kanya kay Joey Marquez, nagtawa lang ng malakas si Jeannette sabay sabing wala raw yon. Magkaibigan lang sila at hindi raw nanliligaw sa kanya ang komedyante.
Pero yong mga nakakarinig ay parang ayaw maniwala sa denial ni Jeannette dahil kakaiba ang kanyang pagtatawa eh, at saka iba ang dating ng kanyang mukha habang nagdi-deny siya sa kumakalat na tsismis. Sanay na kasi ang mga tao sa panay pagdi-deny kung minsan ng mga artista, tapos yon pala naman ay totoo. Ed De Leon
May isa raw may-ari ng sinehan na ang katwiran ay iilan lamang ang sine sa kanilang maliit na mall, at may booking na ang mga yon na kasabay ng pelikula ni Mark.
Yon naman daw may-ari ng mas malaking theater chain, yong Ayala Group, ang gusto ay ma-review muna nila ang pelikula bago nila bigyan ito ng playdate sa kanilang sinehan.
Nagtataka naman si Gob. Mark kung bakit kailangang mag-review pa ulit ang mga may-ari ng sinehan ganoong pasado naman sila sa MTRCB, at ang paniwala niya, wala nang dapat mag-review pa sa kanyang pelikula maliban sa ahensiya ng gobyerno.
Ang resulta, wala siyang nakuhang sinehan sa kanila. Pero hindi raw naman sa Makati lang yon, sabi ng isa pa naming source. Kahit na raw sa Cebu, hindi nakakuha ng playdate sa Ayala group ang pelikula ni Gob. Mark, kaya ang inaasahan nila ay ang SM chain lamang.
May mga nagsasabi na baka raw kaya ganoon ay dahil nagsabi na ang tatay niyang si Sen. Lito Lapid na kakandidatong mayor ng Makati, at baka nga si Mayor Jojo Binay ay may kinalaman sa paghihigpit sa pelikula ni Mark, pero sinabi naman ng gobernador na ayaw niyang maniwala sa ganoong tsismis.
Sa panahong ito na naghihingalo ang pelikulang Pilipino, hindi namin maintindihan kung bakit nagkakaroon pa ng ganyang paghihigpit sa mga pelikula natin.
Nang tanungin siya ng isa naming kasamahan tungkol sa tsismis na nagli-link sa kanya kay Joey Marquez, nagtawa lang ng malakas si Jeannette sabay sabing wala raw yon. Magkaibigan lang sila at hindi raw nanliligaw sa kanya ang komedyante.
Pero yong mga nakakarinig ay parang ayaw maniwala sa denial ni Jeannette dahil kakaiba ang kanyang pagtatawa eh, at saka iba ang dating ng kanyang mukha habang nagdi-deny siya sa kumakalat na tsismis. Sanay na kasi ang mga tao sa panay pagdi-deny kung minsan ng mga artista, tapos yon pala naman ay totoo. Ed De Leon
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended