^

PSN Showbiz

Toni, binigyan ang sarili ng engagement ring!

- Veronica R. Samio -
Kamakailan ay ibinili ni Toni Gonzaga ang sarili niya ng singsing. "To remind myself that I have responsibilities to my work. Akala nga nila engagement ring ito at tinatanong ako kung sino ang may bigay. Totoo naman, engagement ring ito coz I’m engaged to my work. Ganito naman ako. Nireregaluhan ko ang sarili ko kapag gusto ko, lalo na kapag may nagawa akong maganda. Like one time, I bought myself a pair of earrings. I feel good kapag ginagawa ko ito," pagmamalaki niya.

Toni has been endorsing the Careline Cosmetics brand for two years now. She takes time from her busy sked para lang sabihin sa tao na may bagong labas na produkto ito, ang nail polish, cheek tint at oil control.
* * *
Tulad ng kanyang pag-aartista, excited si Dion Ignacio sa pagiging miyembro niya ng All Star Band na regular na napapanood sa SOP. "Even before I learned na nakakaarte ako ay tumutugtog na ako ng gitara, ito ang pinaka-special na talent ko. Sa All Star Band, I play the bass but I can also play the rhythm guitar," pagmamalaki ng apo nina Gloria Romero at Eddie Garcia sa pelikulang I Wanna Be Happy na palabas ngayon sa sinehan. Mga anak sila ni Jayson Abalos ni Joey Marquez.

At 20, walang gf si Dion. "Wala akong time, breadwinner ako ng pamilya. Andito na ang mother ko at pati ang four brothers ko, dito na nag-aaral, kailangang kumayod ng husto. If ever mag-girlfriend ako, gusto ko non-showbiz para walang gulo," sabi niya.
* * *
Napakababata pa ng 21 myembro ng Philippine Madrigal Singers pero, nakakapaglibot na sila sa mundo. Kararating lamang nila ng bansa mula sa kanilang matagumpay na kumpetisyon na sinalihan sa Florige Vocal de Tours na ginanap sa Tours, France. Isa ito sa anim na prestihiyosong European choral competition na kung saan naglalaban-laban ang mga winners sa Tours (France), Tolosa (Spain), Arezzo (Italy), Gorizia (Italy), Debrecen (Hungary) at Vamas (Bulgaria) sa Florige Vocal de Tours para sa titulong world champion.

Naging kinatawan sila ng Tolosa at nanalo ng 1st prize sa Mixed Vocal Ensemble Category, 1st prize din sa Free Program Category. Tinanggap din nila ang Prix Special Renaissance (separate categorty). Sila ang kauna-unahang grupong Pilipino na nakakuha ng ganitong karangalan.

Pagkarating na pagkarating ng grupo ng bansa ay agad silang sumabak sa isang homecoming concert na dinaluhan ng lahat ng mahilig sa magagandang musika at boses. Ito ang Chansons Du Champion na ginanap sa CCP’s Tanghalang Nicanor Abelardo.

Inilabas na rin ng Sony/BMG ang kanilang 6th album na pinamagatang "Acclamation" na naglalaman ng 14 na inspirational songs na ang lahat ay ginawan ng areglo ng mga myembro at alumni ng grupo, tulad ni Asst. Choirmaster Christopher Borela, ang resident arranger ng Madz, ang popular na taguri sa grupo.

Ni-record ng live ang mga awitin ng apat na tig-tatlong oras na session sa Philamlife Auditorium ("I Will Sing Forever", "You Raise Me Up", "Lupa", "Light of a Million Mornings", atbp.)

Nagsimula ang Madz ng may siyam na myembro lamang nung 1963. May 57 choral groups na ang na buo from the core group na founded and conducted by alumni and forming an umbrella group organizaton called the Madz Et Al. Current choirmaster si Mark Anthony Carpio na nagsabing hindi isang hanapbuhay ang pagiging isang Madz. "Walang kita. Pinaka-bonus namin yung mga biyahe namin. Marami sa grupo ay may trabaho bukod sa aming pagkanta," sabi niya.
* * *
E-mail: [email protected]

ALL STAR BAND

CARELINE COSMETICS

CHANSONS DU CHAMPION

CHOIRMASTER CHRISTOPHER BORELA

DION IGNACIO

EDDIE GARCIA

FLORIGE VOCAL

FREE PROGRAM CATEGORY

MADZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with