^

PSN Showbiz

Premiere ng ‘Batas Militar,’ dinumog sa Pampanga!

-
Alas sais pa lang ng gabi ay puno na ng mga tao ang Cinema 4, 5 at 6 ng SM City Pampanga na kung saan idinaos ang red carpet premiere night ng Batas Militar.

Nakita ko kung gaano kamahal si Gov. Mark Lapid ng mga tao dahil sa todong suporta na ibinigay sa kanya.

Lahat ng artista ay dumalo pati na rin ang mga lumabas na kontrabida at ilang goons. Gandang-ganda kami kay Tanya Garcia at ang gwapo ngayon ni Mark Anthony Fernandez. Malakas ang dating ni Maynard Lapid at tinitilian siya ng mga bading.

Maganda ang response ng mga manonood at tatlong beses na pinalakpakan ang confrontation scenes nina Gov. at Mark, ang mga fight scenes at sa court scene nang pawalang sala si Mark at pabalikin sa serbisyo. Nang matapos ang Batas Militar ay napakalakas ng palakpakan na natanggap ni Gov. Mark dahil nagandahan sila sa movie. Maaksyon ang pelikula at may puso kung saan ibang klase ang pag-atakeng ginawa ni Direk Jess Lapid Jr.
Di Naging Marunong Sa Buhay
Mayayaman ang mga naging karelasyon ng magandang actress na ito na ilan pa ay mga madadatung na pulitiko.

Matapos makipaghiwalay sa mayamang asawa at karelasyon ay puso lang ang pinairal nito at hindi naging mautak para magpundar ng kabuhayan. Ngayong solo na siya ay karaniwan na lang ang kanyang pamumuhay. Wala siyang matatag na kabuhayan. – EMY ABUAN

BATAS MILITAR

CITY PAMPANGA

DI NAGING MARUNONG SA BUHAY

DIREK JESS LAPID JR.

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MARK LAPID

MAYNARD LAPID

TANYA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with