Susan Roces, ka-join sa John En Shirley!
July 11, 2006 | 12:00am
Masaya ang FAMAS at pati na rin ako dahil ayon sa isa sa mga opisyales nito na si Jun Quintana, matutuloy na ang paggawad nila ng karangalan sa mga mahuhusay na artista at pinaka-magaling na taga-gawa ng pelikula sa Sabado, July 15 sa UP Theater, 6NG.
Ang FAMAS ay ang orihinal na awards giving body, natatandaan ko na nung buhay ang ama ko ay opisyal siya nito at palagi niya kaming kasama ng aking ina tuwing awards night. Sayang at di na niya makikita na tatanggap ako ng awards sa gabi nito para sa Dr. Jose R. Perez Memorial Award na ipinagkakaloob ng pamilya ng nasirang producer ng Sampaguita Pictures na si Dr. Jose R. Perez sa mga natatanging entertainment press practitioner.
Biruin mo, muntik ko pang di matanggap ang award ko kung pinayagan ang hiniling na TRO ng mga breakaway group ng FAMAS na hindi pinahintulutan ng korte.
Kasama ko palang gagawaran ng award ang Manila Bulletin (Grand Award), Chairman Bayani Fernando (Presidential Award), Eddie Garcia (FPJ Memorial Award), Armida Siguion Reyna (Lifetime Achievement Award), Manny Pacquiao (Idolo ng Pilipino Award), Regine Velasquez (Golden Artist Award), Jennylyn Mercado at Mark Herras (German Moreno Youth Achievement Awards), Jed Madela (Special Citation for Music Excellence), Col. Apolonio Reyes (Flavio Macaso Memorial Award).
Si Bert de Leon, direktor ng mga palabas sa GMA7 na Eat Bulaga at Daddy Di Do Du, ang napisil para magdirek ng bagong sitcom ng ABS-CBN na John En Shirley.
Sinabi ng direktor na bagaman at may mga programa siya sa Siete ay wala siyang kontrata sa Network, isa siyang freelance director na ang karamihan sa mga dinidirek ay mga programa ng TAPE tulad ng 2 nabanggit na palabas. Bago ito ay naging direktor siya ng mga matatagumpay na programa sa TV na Nida Lita Show, Iskul Bukol, TODAS, Okay Ka Fairy Ko, Hapi House, 1-4-3, VIP at marami pang iba.
Ang John En Shirley na ididirek niya para sa Dos ay line produced ng KB (Kitchie Benedicto) Entertainment.
Bukod kina Dolphy at Maricel Soriano, kasama rin at topbilled sa sitcom si Susan Roces. At bago kayo magtanong kung paano nila napapayag ang dating Reyna ng Pelikula na lumabas sa sitcom nang di siya kasama sa titulo ng programa, eh siya yung En dahil Encarnacion ang pangalan ng character niya sa sitcom at siya naman ang biyenan ni Maricel (Shirley), anak ni John Puruntong (Dolphy) at ng nasirang si Marsha.
Si Vandolph ang isa pa sa natitirang original na character ng John En Marsha na hiwalay nang namumuhay sa kanyang ama. Ang kanyang kuya na si Rolly (Quizon), ang asawa nito (Madel de Leon) at anak ay nasa US na. Sa pag-alis ng pamilyang ito magsisimula ang kasaysayan ng John En Shirley.
Ang iba pang characters maliban sa fav anak ni Susan na gagampanan ng PBB Celebrity Housemate na si Mich Dulce at ng husband ni Susan na si Noel Trinidad, ay gagampanan ng mga baguhan.
Late July ang target ng ABS-CBN para masimulan ang airing ng John En Shirley. VERONICA R. SAMIO

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended