^

PSN Showbiz

Vina, lalahok sa pulitika!

-
Hindi sinipot ni Angel Locsin ang ginanap na FHM Presents 100 Sexiest Women in the World 2006 na ginanap sa World Trade Center last Thursday night dahil may taping daw ito ng Majika, say mismo ng mga taga-FHM.

Si Angel ang nasa number 3 slot bilang sexiest woman in the world sa taong 2006 at number 2 naman sa Pilipinas kaya’t maraming nag-aabang sa kanya at nang malamang hindi siya makakadalo ay naghiyawan ang mahigit na dalawang libong tao na nasa loob ng World Trade Center.

At nang rumampa na si Katrina Halili na siyang pinaka-seksing babae sa taong 2006 sa Pilipinas ay nakarinig kami ng "boo" sa audience at yung ibang nasa likod ay sumisigaw ng "luto" at yung iba naman ay nagustuhan si Katrina.

Anyway, most applauded din sina Jamilla (ex housemate ng PBBTE), Regine Tolentino, Showgirls na binubuo nina Cherry Lou, Gem Ramos, Apreal Tolentino, Valerie Concepcion (ang lakas ng appeal sa stage), pinagtawanan ang Jaboom Twins, nagustuhan ang pagiging simple nina LJ Reyes, Camille Prats, Bianca King at iba pang hindi na namin knows ang name.

Sayang at hindi namin nakita si Yasmien Kurdi para alamin kung bakit niya itinangging nagpa-lipo siya kay Dra. Vicki Belo kamakailan dahil nakita siyang may mga bandage sa magkabilang braso, at leeg na ang rason niya ay pinapak daw siya ng lamok sa bagong pagawang bahay.
* * *
And speaking of Dra. Vicki Belo ay sobrang pasalamat sa kanya ang actor na si John Estrada dahil sa magandang hydrogel butt na ginawa sa kanya bago siya rumampa sa Bench Fever sa Araneta Coliseum kamakailan.

Inamin ng actor na nakadagdag sa personalidad niya ang pagpapadagdag ng butt dahil dati raw kung titingnan mo siya ng diretso ay padapa ang tumba niya, ngayon daw ay diretso na dahil balanse na ang katawan niya.

"Medyo flat kasi ang butt ko, kaya nagpa-enhance ako, it’s 95% water, hindi siya inplant ha kaya walang side effects," esplika ni John nang maka-tsikahan namin.

At ang biro niya, "I’m sure Vanessa (del Bianco) will love it," sabay tawa ng actor.

Nabanggit na rin lang ni John si Vanessa ay hindi naiwasang hindi siya tanungin kung ang babaing ito na ba ang huling babae sa buhay niya at kung kailan ang kasal nila?

"Yes, si Vanessa na ang gusto kong pakasalan, pero hindi pa namin pinag-uusapan dahil as of now, she’s busy with her studies, ako naman busy sa work so, time will come at darating kami sa ganun," magandang esplika ni John.

Samantala, halos lahat ng nanood ng  Bench Fever sa Big Dome ay si John daw ang pinaka-sexy among the male models sa suot nitong boxer brief lang.
* * *
Sa recent interview namin kay Vina Morales ay inamin niyang hindi lang sa showbiz at singing career niya siya naka-focus, kino-consider na rin daw niya ang pagpasok sa pulitika kung kinakailangan.

"Noong bata-bata pa ako, ha, ha, ha natanong na ako kung may plano akong pasukin ang politics, sabi ko, wala at saka at that time, iba pa ang focus ko, so hindi ko siya talaga iniisip.

"But now that I’m getting mature at hindi ko rin naman dinidinay na magti-31 na ako sa October, naiba na ang outlook ko sa buhay, more on a business side na and I’m thinking of entering politics, why not?

"But before I enter politics, mag-aaral muna ako kasi baka tanungin ko, e, wala akong maisagot. At plano ko, sa mababa ako mag-umpisa bago pataas.

"Sa business naman, okey naman, doing good naman yung Ystilo Salons and others," kuwento pa ni Vina.

Kaya siguro walang makitang boyfriend si Vina dahil hindi maintindihan ang work niya na masyadong busy. — REGGEE BONOAN

AKO

ANGEL LOCSIN

APREAL TOLENTINO

BENCH FEVER

NIYA

SIYA

VICKI BELO

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with