Di kasal ang priority nina Aleck at Carlo
July 7, 2006 | 12:00am
Nasa Pilipinas na ang balikbayang singer-actress na dating kasintahan ni Dingdong Dantes na si Antoinette Taus for a month long vacation. Habang narito ay tatanggap siya ng trabaho sa tulong ng kanyang bagong manager na si Annabelle Rama. Since mas malapit ang mommy ng kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez sa Kapuso network, tiyak na pawang programa ng Siete ang kanyang lalabasan at hindi rin malayong mag-krus ang kanilang landas ng kanyang ex-boyfriend at current girlfriend nitong si Karylle. Magkaiwasan kaya ang tatlo? O magiging civil sa isat isa?
Sinasabi pareho nina Dingdong at Antoinette na pareho na silang nakapag-move on with their respective lives, pero, ito ang kanilang magiging unang pagkakataon na magkaharap after their break-up some two years ago.
Hindi ang pagpapakasal ang priority ngayon ng live-in lovers na Aleck Bovick at Carlo Maceda kundi ang magkaroon ng sarili nilang bahay. Although may wedding plans din sila lalupat magkakaroon na sila ng baby, mas gusto nila na unahin ang bahay na gusto nilang lipatan bago pa man lumabas ang una nilang supling sa buwan ng Enero.
Ayon kay Carlo, ready for occupancy na bahay ang gusto nilang bilhin dahil kung lupa lamang at sila pa ang magpapagawa ay matatagalan pa umano.
Kitang-kita kina Carlo at Aleck ang pagmamahal nila sa isat isa. Sana lamang ay hindi sila matulad sa ibang couples na pagkaraan ng ilang taong pagsasama ay nauuwi rin sa hiwalayan.
PERSONAL: Bon voyage to Tito Al (Alfonso Chu) and daughter Kimberly ng Anaheim, California, ganundin kay Mel Lago ng Los Angeles, California.
><[email protected]>
Sinasabi pareho nina Dingdong at Antoinette na pareho na silang nakapag-move on with their respective lives, pero, ito ang kanilang magiging unang pagkakataon na magkaharap after their break-up some two years ago.
![](./main/20060707/images/show2.jpg)
Ayon kay Carlo, ready for occupancy na bahay ang gusto nilang bilhin dahil kung lupa lamang at sila pa ang magpapagawa ay matatagalan pa umano.
Kitang-kita kina Carlo at Aleck ang pagmamahal nila sa isat isa. Sana lamang ay hindi sila matulad sa ibang couples na pagkaraan ng ilang taong pagsasama ay nauuwi rin sa hiwalayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended