Ayaw ng blower at gel!
July 5, 2006 | 12:00am
Halos lahat ng proyekto sa Regal ay kasama si Jennylyn Mercado, paborito kasi ang aktres ni Mother Lily.
Sa palikulang Eternity ay sila ni Mark Herras ang magpapatuloy sa makabagong panahon ng isang love story na magsisimula noong 1897 kina Iza Calzado at Dingdong Dantes.
Bagay ang dalawa dahil klasiko ang mukha nila. Komportable si Iza sa mga period clothes na gagamitin niya.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Dingdong na hindi siya mahilig mag-blower ng buhok at gumamit ng gel. Kuntento na siya kahit bagsak ang buhok niya at may hati pa.
Kinukumbinse rin pala ang magandang si Katarina Perez na mag- pose ng sexy pictorial sa isang magasin pero hindi pa ito handa kahit 18 years old na siya. Kahit may ilang nagpalipad hangin sa kanyang mga aktor ay hindi niya kinagat. Mas gusto kasi nitong maging non-showbiz ang makarelasyon para malayo sa intriga.
Magaling na artista si Katarina kaya nalulungkot siyang hindi na nasundan ang kanyang TV sitcom na Idol Ko Si Kap. Umaasa ito na sanay bukod sa White Lady ay magkaroon pa siya ng mga proyekto gayundin sa telebisyon.
Maswerte sa pagiging negosyante si Mon Confiado. Nagseselebrayt ng 10th anniversary ang kanyang 22nd St.
Noong July 1 ay naimbitahan kami dito at aliw na aliw kami sa mga pakwela ni K Brosas at The Boxers. Gayang-gaya ni K ang boses ni Sharon Cuneta, Zsazsa Padilla, Elizabeth Ramsey, Jaya at Malou Barry at ang galing niyang umawit. Tuwing Huwebes sila mapapanood sa comedy bar.
Tawa kami nang tawa habang nagkukwento ang TV staff tungkol sa isang sikat na aktres panay ang deny na nagparetoke siya ng boobs.
"Lagi nitong sinasabi na tunay ang kanyang dibdib at never niyang ipinaayos ito pero, hindi kami naniniwala sa kanya dahil one time (shooting break) ay nakatulog ito sa matinding pagod sa kanyang upuan. Nakalupaypay ito sa matinding pagod at nakatungo pa kaya hindi naramdaman na naalis na ang tuwalyang itinakip nito sa kanyang negligee. Kitang-kita nila na kahit nakalungayngay ito ay tayung-tayo pa rin ang kanyang boobs. Isang sexy movie kasi ang sinu-shooting at ang bida ay ang nakatulog na seksing aktres.
Sa palikulang Eternity ay sila ni Mark Herras ang magpapatuloy sa makabagong panahon ng isang love story na magsisimula noong 1897 kina Iza Calzado at Dingdong Dantes.
Bagay ang dalawa dahil klasiko ang mukha nila. Komportable si Iza sa mga period clothes na gagamitin niya.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Dingdong na hindi siya mahilig mag-blower ng buhok at gumamit ng gel. Kuntento na siya kahit bagsak ang buhok niya at may hati pa.
Magaling na artista si Katarina kaya nalulungkot siyang hindi na nasundan ang kanyang TV sitcom na Idol Ko Si Kap. Umaasa ito na sanay bukod sa White Lady ay magkaroon pa siya ng mga proyekto gayundin sa telebisyon.
Noong July 1 ay naimbitahan kami dito at aliw na aliw kami sa mga pakwela ni K Brosas at The Boxers. Gayang-gaya ni K ang boses ni Sharon Cuneta, Zsazsa Padilla, Elizabeth Ramsey, Jaya at Malou Barry at ang galing niyang umawit. Tuwing Huwebes sila mapapanood sa comedy bar.
"Lagi nitong sinasabi na tunay ang kanyang dibdib at never niyang ipinaayos ito pero, hindi kami naniniwala sa kanya dahil one time (shooting break) ay nakatulog ito sa matinding pagod sa kanyang upuan. Nakalupaypay ito sa matinding pagod at nakatungo pa kaya hindi naramdaman na naalis na ang tuwalyang itinakip nito sa kanyang negligee. Kitang-kita nila na kahit nakalungayngay ito ay tayung-tayo pa rin ang kanyang boobs. Isang sexy movie kasi ang sinu-shooting at ang bida ay ang nakatulog na seksing aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended