Viva Records, may bagong pasisikatin
July 4, 2006 | 12:00am
Mukhang may bago na namang pasisikatin ang Viva Records, ang bago nilang artist na si Amber. Naririnig na ang kanyang kantang "Manila" na catchy ang melody at maganda ang pagkakaareglo. At in fairness, impressive din ang MTV ng nasabing kanta.
Si Amber ay 20 yrs old na ipinanganak sa Arizona USA na Amber Marie Rowley sa tunay na buhay. Isang Pinay ang mother niya at American naman ang kanyang ama. Five years old siya nang bumalik ang kanyang pamilya ng Pilipinas kung saan tubong Bulacan ang kanyang ina.
Sa pagbalik ng bansa, hindi lang natutunan ni Amber ang makulay na heritage ng kanyang ina, kundi na-discover din niya ang kanyang hilig sa pagkanta kung kaya nagsimula siyang sumali sa ibat ibang amateur singing contest. Nagkaroon din siya ng commercial at naging part din ng Pen Pen de Sarapen.
Walo silang magkakapatid. Lima ang lalaki at nagsisimula ang mga pangalan sa letter "J". Samantalang silang tatlong babae ay after sa name of colors kung kaya ang Amber na ang ibig sabihin ay kulay apoy. At ang dalawa niyang kapatid na babae ay sina Misty Blue at Hershey Lyn.
After high school, bumalik si Amber ng Los Angeles, California para tuparin ang kanyang pangarap na maging singer kung saan nag-aral din siya ng music doon. Nagsimula siyang maging back-up singers nila Hillary Duff, Kashiff at iba pang artists.
Taong 2004 nang pumirma siya sa record label ng W.A.R Entertainment na pag-aari ni Dale Davis, isang sikat na NBA basketball player na kung saan nakapag-record siya ng dalawang singles sa movie soundtrack ng Players Ball. Pagkatapos ay pumunta naman siya sa Osaka, Japan at naging lead vocalist ng popular rock hip-hop stage show ng Enwhy ng Universal Studios kung saan siya naispatan ni Mr. Vincent Del Rosario.
Last January ay nagpunta siya ng bansa at nag-submit ng demo tape sa Viva at ngayon ay may sarili na siyang album na pinamagatang "Amber Feel Good Music" na puro mga original songs na concept mismo ni Amber. Ang album ay naglalaman ng 12 tracks na may carrier single na "Manila" na isang up beat track na base mismo sa karanasan ni Amber na kahit saan siya mapadpad, babalik at babalik pa rin siya sa Manila na kanyang pinagmulan.
Pagkatapos ng 14 yrs na pagsusulat at pagbibigay ng magagandang music kasama ang The Company, nagdesisyon na rin si Reuben Laurente na mag-solo. Si Reuben ang kumanta ng "Pakisabi Na Lang," "Sana Nga Ikaw" at "Hindi Na!"
Si Reuben ay graduate ng interior designer sa UP at naging Papuri member, isang gospel recording label.
Sa kalibre ni Reuben sa paghagod ng mga kantang pang love song, pop, ballad hindi na nakakatakang paborito siyang pakantahin sa club na pag-aari ni Jose Mari Chan.
May album siya na pinamagatang "Langit," isang gospel pop na produced ng award winning na si Arnel Depano, composer din ng kanta ni Basil Valdez na "Lead Me Lord," at may sinulat ding kanta si Ryan Cayabyab. Busy din siya sa pagri-record ng kanyang pop album na ilalabas sa buwan ng October.
Subukan nyo siyang bisitahin sa kanyang mga gigs, promise mari-relax kayo - Zirkoh QC, (July 20), 22nd St. (July 27), guest siya ni Roselle Nava sa Library Lipa (July 15), ganun din sa sa show ni Sheryn Regis sa Casino Filipino airport(July 8) at Calesa Bar sa Hyatt Regency Hotel tuwing Martes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended