Kahit mag-asawa na Iza Calzado, ayaw mag-migrate sa US
July 3, 2006 | 12:00am
Tinanong namin si Iza Calzado sa syuting ng Eternity kung bakit nalilinya siya sa mga pelikula ng makalumang panahon na ang tema gaya ng Moments of Love at ito ngang Eternity ngayon.
"Tita, siguro bagay sa akin dahil sabi nila, classic ang beauty ko at bagay yung mga damit na isinusuot ko. Isa pa, maganda ang chemistry namin ni Dingdong Dantes, mataas ang tingin ko sa kanya as a person and leading man kaya maganda ang working relationship namin. Wala rin kaming malisya pagdating sa intimate scenes," aniya.
Nangyari ang pelikula noong 1897 at tungkol ito sa reincarnation kung saan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang lalabas sa makabagong panahon.
Sa kabilang banda, tinanong namin ang kanyang lovelife. Stable raw ang relasyon nila ng boyfriend na nagma-manage ng banda sa Amerika. Kahit 11 years ang tanda nito sa kanya ay magkasundo sila sa maraming bagay. Iza is 23 years old at 34 years old naman ang kanyang nobyo.
"My boyfriend is kind and persistent at mahal ako ng pamilya niya," dagdag pa nito.
Tinanong namin kung payag ba siyang manirahan sa Amerika sakaling kasal na sila dahil naka-base dun ang boyfriend nito.
"Di ko kayang mag-migrate sa Amerika. Mas masaya rito at narito ang trabaho ko," sey pa ng actress.
Muling babalikan ang masasaya, nakakakilig ng kwentot karanasan ng kinakiligang bagets ng naunang mga kabataan ng GMA. Makikiisa sa saya at chika habang binubuking ang mga di ma-forgets na lihim ng isat isa at dahil fantastic ang episode na ito, may sampung tickets sa studio audience para sa gaganaping Fantastic 56th Anniversary Celebration ng GMA sa World Trade Center.
Guests sina Angelu de Leon, Raven Villanueva, Ciara Sotto, Michael Flores, Maybelyn dela Cruz, Sherwin Ordoñez, Biboy Ramirez at Mark Herras.
Ang pangulo at CEO ng Solar Entertainment Corporation ay pinagkalooban ng Outstanding Manila Award para sa taong 2006. Ang award ay ipinagkaloob ni Manila Mayor Lito Atienza sa isang seremonya na idinaos sa Manila Hotel noong Hunyo 23 bilang bahagi ng 435th na selebrasyon ng Araw ng Maynila.
Pinarangalan ito dahil sa maraming naiambag sa larangan ng film and entertainment entrepreneurship. Kasama ang mga kapatid na sina William at Willy, itinatag nila ang Solar Entertainment Corporation kung saan naging matagumpay ang kompanya at nakapagtala ng formidable track record sa promosyon ng ibat ibang uri ng entertainment. Sila ang nagme-may-ari ng highly-rated cable tv stations gaya ng Solar Sports, Sports Plus, Crime and Suspense, Jack TV at ETC 2nd Avenue.
Nagdi-distribute din locally ang kompanya ng malalaking pelikula sa pamamagitan ng United International Pictures, distributors ng Paramount, Universal, Dreamworks at ibang studios sa US.Ang kompanya ay nangunguna rin sa home video distribution at sports promotions gaya ng billiards, boxing, badminton, wrestling at live entertainment gaya ng concert at awards night.
Tumutulong din si Wilson sa ikauunlad ng movie industry kung saan siya ang pangulo ng Independent Motion Pictures Distributors and Producers Association of the Philippines (MPDAP), Vice President for Internal Affairs ng Anti-film Piracy Council, Board Governor of the Film Academy of the Philippines, board member ng Cinemanila at Executive Committee ng Metro Manila Film Festival. Dumadalo rin ito sa film market events sa ibat ibang bansa.
Isinilang at lumaki sa Sto. Cristo, Binondo si Wilson at nag-aral sa St. Stephens High School sa Sta. Cruz at Mapua Institute of Technology sa Intramuros kaya masasabing isa itong true Manileña at pinatunayan na maging inspiring entrepreneur hindi lang sa Maynila kundi ng bawat Pilipino.
"Tita, siguro bagay sa akin dahil sabi nila, classic ang beauty ko at bagay yung mga damit na isinusuot ko. Isa pa, maganda ang chemistry namin ni Dingdong Dantes, mataas ang tingin ko sa kanya as a person and leading man kaya maganda ang working relationship namin. Wala rin kaming malisya pagdating sa intimate scenes," aniya.
Nangyari ang pelikula noong 1897 at tungkol ito sa reincarnation kung saan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang lalabas sa makabagong panahon.
Sa kabilang banda, tinanong namin ang kanyang lovelife. Stable raw ang relasyon nila ng boyfriend na nagma-manage ng banda sa Amerika. Kahit 11 years ang tanda nito sa kanya ay magkasundo sila sa maraming bagay. Iza is 23 years old at 34 years old naman ang kanyang nobyo.
"My boyfriend is kind and persistent at mahal ako ng pamilya niya," dagdag pa nito.
Tinanong namin kung payag ba siyang manirahan sa Amerika sakaling kasal na sila dahil naka-base dun ang boyfriend nito.
"Di ko kayang mag-migrate sa Amerika. Mas masaya rito at narito ang trabaho ko," sey pa ng actress.
Guests sina Angelu de Leon, Raven Villanueva, Ciara Sotto, Michael Flores, Maybelyn dela Cruz, Sherwin Ordoñez, Biboy Ramirez at Mark Herras.
Pinarangalan ito dahil sa maraming naiambag sa larangan ng film and entertainment entrepreneurship. Kasama ang mga kapatid na sina William at Willy, itinatag nila ang Solar Entertainment Corporation kung saan naging matagumpay ang kompanya at nakapagtala ng formidable track record sa promosyon ng ibat ibang uri ng entertainment. Sila ang nagme-may-ari ng highly-rated cable tv stations gaya ng Solar Sports, Sports Plus, Crime and Suspense, Jack TV at ETC 2nd Avenue.
Nagdi-distribute din locally ang kompanya ng malalaking pelikula sa pamamagitan ng United International Pictures, distributors ng Paramount, Universal, Dreamworks at ibang studios sa US.Ang kompanya ay nangunguna rin sa home video distribution at sports promotions gaya ng billiards, boxing, badminton, wrestling at live entertainment gaya ng concert at awards night.
Tumutulong din si Wilson sa ikauunlad ng movie industry kung saan siya ang pangulo ng Independent Motion Pictures Distributors and Producers Association of the Philippines (MPDAP), Vice President for Internal Affairs ng Anti-film Piracy Council, Board Governor of the Film Academy of the Philippines, board member ng Cinemanila at Executive Committee ng Metro Manila Film Festival. Dumadalo rin ito sa film market events sa ibat ibang bansa.
Isinilang at lumaki sa Sto. Cristo, Binondo si Wilson at nag-aral sa St. Stephens High School sa Sta. Cruz at Mapua Institute of Technology sa Intramuros kaya masasabing isa itong true Manileña at pinatunayan na maging inspiring entrepreneur hindi lang sa Maynila kundi ng bawat Pilipino.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended