^

PSN Showbiz

Concert with Regine ang birthday wish ni Sarah

-
Debut na ni Sarah Geronimo sa susunod na buwan.

Pwede nang maligawan pero, di pa pwedeng mag-bf. Kaya excited na siya dahil if ever, ngayon lamang niya mararanasan na maligawan. Ang kwestyon, sino naman kaya ang magkakaro’n ng lakas ng loob na ligawan siya at personal na gawin ito sa kanilang bahay? At it is, si Mark Bautista pa lamang ang libreng makapunta ng bahay nila dahil nakuha na nito ang tiwala ng kanyang mga magulang. Kaya lang di ito nanliligaw sa kanya.

Para sa kanyang birthday, wish ni Sarah ang makagawa ng isang concert sa isang malaking venue na kasama ang kanyang idolong si Regine Velasquez.

"Pangarap na pangarap ko ito. Ang sarap siguro ng feelings kapag natupad ito," sabi niya in an interview.

Magkakaro’n siya ng special episode sa Maalaala Mo Kaya opposite John Lloyd Cruz, kick off project ito para sa kanyang launching movie.

Maglilibot din siya sa US para sa Sarah, The Other Side US Tour.

Originally, repeat sa Araneta ang gagawin niya pero naging busy siya sa taping ng Bituing Walang Ningning na isa sa may pinaka-mataas na rating sa primetime bida.

Anytime now ay iri-release na ang new album niya na pinamagatang "Becoming".

ARANETA

BITUING WALANG NINGNING

JOHN LLOYD CRUZ

KAYA

MAALAALA MO KAYA

MAGKAKARO

MARK BAUTISTA

OTHER SIDE

REGINE VELASQUEZ

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with