^

PSN Showbiz

Nagiging unprofessional sa trabaho

RATED A - Aster Amoyo -
Ang veteran at award-winning actress na si Gloria Romero ay nagsi-celebrate ng kanyang ika-56 taon sa showbiz sa taong ito. Taong 1950 nang siya’y unang pumasok sa showbiz at nauna lamang sa kanya ng isang taon si Eddie Garcia na 57 years naman na sa industriya.  Pareho rin silang naging contract stars ng Sampaguita.  Nagkakasama man sila sa pelikula, never silang magka-love interest dahil parating kontrabida ang papel ni Eddie. Pero pagkaraan ng 34 na taon, si Eddie ang nagdirek kay Gloria sa pelikulang Saan Nagtatago Ang Pag-ibig na siyang nakapagbigay kay Gloria ng best supporting actress trophy mula sa Star Awards for Movies ng PMPC.  Muli siyang tinanghal na best supporting actress para sa pelikulang Nagbabagang Luha na dinirek naman ng yumaong si Ishmael Bernal.  Pagkaraan ng ilang taon ay tatlong best actress award naman ang kanyang nakuha para sa pelikulang Tanging Yaman mula sa FAMAS, FAP at MFF.  Two years ago ay nasungkit  naman niya ang best supporting actress trophy para sa pelikulang Magnifico na dinirek ni Maryo J. de los Reyes.   Unang nakakuha ng best actress award si Gloria mula sa FAMAS para sa pelikulang Dalagang Ilokana.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng mahigit limang dekada ay magtakambal nina Gloria at Eddie sa pelikulang I Wanna Be Happy mula sa panulat at direksiyon ni Joey Javier Reyes sa ilalim ng Seiko Films.  Palibhasa’y matagal na silang magkatrabaho sa pelikula, kabisado na nila ang isa’t isa. Puring-puri din ni Eddie si Gloria sa pagiging professional sa trabaho at mahusay na aktres.

Ikinuwento sa amin ni Gloria na enjoy umano sila habang ginagawa nila ang pelikula.  Hindi umano sila nagkaroon ng problema at lahat ng bumubuo ng cast ay professional sa kanilang trabaho. 
* * *
I Wanna Be Happy ang kauna-unahang film project ng ex-PBB-Celebrity Edition big winner na si Keanna Reeves na nasa pangangalaga ngayon ni Boy Abunda ng Backroom, Inc.  May flair sa pagiging isang natural na komedyana si Keanna nang mapanood namin ang pelikula sa MY Cinema sa Greenbelt.

Kung noon ay napakababa ng tingin ng tao kay Keanna matapos nitong aminin in public ang kanyang pagiging isang ‘escort girl,’ nabago naman ang lahat matapos siyang grumadweyt sa Pinoy Big Brother (Celebrity Edition) kung saan nakuha niya ang paghanga at simpatiya ng publiko kaya siya ang nanalong Big Winner sa nasabing reality-based program.

Kung nabigyan ng panibagong chance sa kanyang career si Keanna dapat na ito’y kanyang pangalagaan at mahalin dahil malayong mangyari pa itong muli.  Napabalita kasi na nagiging unprofessional umano si Keanna sa kanyang trabaho.

vuukle comment

BIG WINNER

BOY ABUNDA

CELEBRITY EDITION

DALAGANG ILOKANA

EDDIE

EDDIE GARCIA

I WANNA BE HAPPY

KEANNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with