Village People, bukas live sa Araneta Coliseum
June 30, 2006 | 12:00am
Hindi pa tapos ang concert fever para sa ating mga oldies but goodies dahil nandito ang Village People at Sister Sledge para sariwain ang disco era para sa kanilang show na Retro Mania: Village People and Sister Sledge Live in Manila bukas Sabado (July 1) sa Araneta Coliseum, 8PM.
Kahit feeling bagets, nakaka-relate ako sa mga kanta ng Village People dahil ang mga kanta nila ang pinatutugtog nung bata pa ako, kaya go ako sa presscon ng Village People last Wednesday sa Discovery Suite.
Pagdating ko sa event, bungad sa akin ni tito Billy Balbastro (respetadong columnist) huwag ko raw kausapin ang isang puti dahil masungit at ayaw daw magsalita, sabay nguso sa isang Kano. Hindi alam ni Tito Billy na naka-on ang microphone sa tabi namin kaya nagtawanan ang mga nakarinig. Kaso nakasalang pa ang grupo sa TV interview kaya hintay muna ako. Hindi ko mapigilan na hindi kausapin ang Kano na sinasabing masungit dahil lumapit na ito sa tabi ko. Hindi naman pala intensyon ng Kano na magsuplado dahil gusto lang niyang to play safe. "The reason why I dont want to have interviews. Im carried away to say things about them," sambit ng Kano. Nadulas kasi siya sa pagsasabi ng "Some of them are divorced now," sabay tawa ng manager.
Samantala, energetic pa rin ang Village People sa kanilang pangalawang pagbisita sa bansa. Ang naiwan sa original members ng grupo ay sina Felipe Rose (The American Indian), Alexander Briley (The Sailor/Serviceman), at David Hodo (The Construction Worker). Karagdagan naman sa grupo sina Jeff Olson, Eric Anzalone at Ray Simpson. Ang isang dating original member na si Glenn Hughes, The Biker ng grupo ay namatay sa lung cancer noong 2001.
Samantalang si Eric (Anzalone) ay isang rock singer at guitarist na tipong mga heavy metal songs ang binabanatan bago siya nakasali sa VP. Isa rin siya sa gumanap sa Ninja Turtles na laging may punch line ng "Hi Dude". At sa sobrang excitement nito sa show ng Village People ay nawalan siya ng boses, kaya nag-lip sinc na lang ito noong first time na kumanta siya with the group.
"I myself is a fan of Village People since I was a kid. Now Im part of the group and its my life now. Its wonderful and great feeling to be a part of Village People," kwento ni Eric.
Pangako ng Village People na magkakaroon ng masayang party sa kanilang concert ngayong Sabado sa Araneta kung saan kakantahin nila ang kanilang mga hit songs tulad ng "YMCA," "In The Navy," "Macho Man," "You Cant Stop the Music." Ang "YMCA" ay bumenta ng 12M copies worldwide.
Magkakaroon sila ng appearance sa Bench show sa Araneta ngayong gabi.
Non-stop party ang Araneta ngayong Sabado dahil bukod sa Village People, magpi-perform din ang Sister Sledge na binubuo ng magkakapatid na Debra, Kim at Kathy Sledge na nagpasikat ng "We Are Family," "Hes The Greatest Dancer," "Lost In Music," "Pretty Baby," "Mama Never Told Me," "Frankie" at kanilang version ng "Le Freak," "Everybody Dance" at "Good Times."
Ang "We Are The Family" ay nagkamit din ng double platinum at ginamit ding theme song sa Mission Imposible, Sisters Act at iba pang TV show kaya hanggang ngayon ay nagugulat na lang si Kathy kapag nakakatanggap siya ng royalty cheque dahil siya ang kumanta nito.
"We Are Family" is a special for us and to those whove been touched by the song. And having a concert here and around the world is our way of giving back the blessings and the fun we experienced thru that song," sabi ni Kathy.
Kahit abutin ng madaling araw ay nakahanda ang Village People at Sister Sledge na magbigay ng magandang palabas. - Lanie M. Sapitanan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended