Ruffa, pinayagan ni Yilmaz gumawa ng pelikula rito pero, one month lang!
June 30, 2006 | 12:00am
Nanghihinayang kami na nagkasabay ngayong gabi ang Star Awards ng PMPC at Bench fashion show. Sold-out umano ang Araneta Coliseum sa Bench show at karamihan ng malalaking stars ay naroon kaya hati ang mga stars sa Star Awards na isa ring mahalagang okasyon.
Ganunpaman, umaasa kami na magiging matagumpay din ang presentation ng PMPC sa kanilang taunang Star Awards for Movies lalupat unang taon ito bilang pangulo ng ating katotong si Fernan de Guzman.
Ang Star Awards ay gaganapin sa Luzon, Visayas at Mindanao Grand Ballroom ng Hotel Philippine Plaza.
Kung noong kaarawan ni Richard Gutierrez ay nagkabati ang nagkatampuhang sina Mother Lily Monteverde at ina ni Richard na si Annabelle Rama, sina Mother Lily at Wilson Tieng naman ang nagkaayos sa birthday party ni Ruffa Gutierrez.
Masayang-masaya si Ruffa sa kanyang party dahil dumating lahat ng kanyang mga inaasahang bisita, ang kanyang pamilya (liban sa kanyang mister na si Yilmaz Bektas) at ang kanyang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Naroon din ang kanyang matalik na kaibigan na si Donita Rose na siyang nagsilbing host kasama si Tim Yap. Si Pops Fernandez naman ang nanguna sa pagkanta ng happy birthday song kay Ruffa.
Katakut-takot naman na kantiyaw ang inabot namin kay Rudy Fernandez dahil hindi man lamang namin daw siya naalaalang dalawin habang nasa hospital siya kung saan siya namalagi ng isang buwan. Lalo pa kaming na-guilty dahil sa kagagatong ni Phillip Salvador.
Samantala, mai-extend ang three-week vacation ni Ruffa dahil gagawa ito ng pelikula sa Regal Films na pagsasamahan nila nina Gretchen, Pops at Dawn na ididirek ni Eric Quizon.
Nabuo ang proyektong ito nang magkita-kita sila sa birthday party ni Ruffa. Pinayagan si Ruffa ng kanyang mister na gumawa ng pelikula pero kinakailangan itong matapos sa loob lamang ng isang buwan.
Dahil extended ang stay ni Ruffa sa Pilipinas, hindi na niya itutuloy ang balak niyang bakasyon sa Los Angeles, California.
Gusto kong bigyang-daan ang e-mail na padala ni Noel Mandap nmmandap@ yahoo.com ng New Jersey, USA para kay Aiai delas Alas.
"Good day to you. Im one of your avid readers here in New Jersey, U.S.A. Lagi akong nagbabasa ng column mo through the internet. Nabasa ko `yung nangyari tungkol kay Miss Aiai delas Alas at sa ex-bf niya. Isa lang ang masasabi ko, its her bfs loss! Nakasama namin si Miss Aiai dito sa New Jersey prior sa concert nila nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Rico Puno at isa lang masasabi ko, napakabait ni Miss Aiai and to tell you honestly, mas maganda siya kay Regine V. Habang matagal mo siyang tinitingnan, lalo siyang gumaganda and everyday I watch her teleserye na Bituing Walang Ningning. Sana, sa tulong ninyo ay magkaroon kami ng chance na makapag-communicate kay Miss Aiai. Tatanawin naming malaking utang na loob ito sa inyo at sana mabasa niya ang letter kong ito. Marami siyang tagahanga rito.
"To Miss Aiai, cheer up! Maraming nagmamahal sa iyo.
"Thank you."
[email protected]
Ganunpaman, umaasa kami na magiging matagumpay din ang presentation ng PMPC sa kanilang taunang Star Awards for Movies lalupat unang taon ito bilang pangulo ng ating katotong si Fernan de Guzman.
Ang Star Awards ay gaganapin sa Luzon, Visayas at Mindanao Grand Ballroom ng Hotel Philippine Plaza.
Masayang-masaya si Ruffa sa kanyang party dahil dumating lahat ng kanyang mga inaasahang bisita, ang kanyang pamilya (liban sa kanyang mister na si Yilmaz Bektas) at ang kanyang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Naroon din ang kanyang matalik na kaibigan na si Donita Rose na siyang nagsilbing host kasama si Tim Yap. Si Pops Fernandez naman ang nanguna sa pagkanta ng happy birthday song kay Ruffa.
Katakut-takot naman na kantiyaw ang inabot namin kay Rudy Fernandez dahil hindi man lamang namin daw siya naalaalang dalawin habang nasa hospital siya kung saan siya namalagi ng isang buwan. Lalo pa kaming na-guilty dahil sa kagagatong ni Phillip Salvador.
Samantala, mai-extend ang three-week vacation ni Ruffa dahil gagawa ito ng pelikula sa Regal Films na pagsasamahan nila nina Gretchen, Pops at Dawn na ididirek ni Eric Quizon.
Nabuo ang proyektong ito nang magkita-kita sila sa birthday party ni Ruffa. Pinayagan si Ruffa ng kanyang mister na gumawa ng pelikula pero kinakailangan itong matapos sa loob lamang ng isang buwan.
Dahil extended ang stay ni Ruffa sa Pilipinas, hindi na niya itutuloy ang balak niyang bakasyon sa Los Angeles, California.
"Good day to you. Im one of your avid readers here in New Jersey, U.S.A. Lagi akong nagbabasa ng column mo through the internet. Nabasa ko `yung nangyari tungkol kay Miss Aiai delas Alas at sa ex-bf niya. Isa lang ang masasabi ko, its her bfs loss! Nakasama namin si Miss Aiai dito sa New Jersey prior sa concert nila nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Rico Puno at isa lang masasabi ko, napakabait ni Miss Aiai and to tell you honestly, mas maganda siya kay Regine V. Habang matagal mo siyang tinitingnan, lalo siyang gumaganda and everyday I watch her teleserye na Bituing Walang Ningning. Sana, sa tulong ninyo ay magkaroon kami ng chance na makapag-communicate kay Miss Aiai. Tatanawin naming malaking utang na loob ito sa inyo at sana mabasa niya ang letter kong ito. Marami siyang tagahanga rito.
"To Miss Aiai, cheer up! Maraming nagmamahal sa iyo.
"Thank you."
[email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended