Young stars, 20 ulit naghalikan!
June 30, 2006 | 12:00am
Unang na-impress si Roselle Monteverde-Theo sa kanyang bagong director na si Jeff Tan nang mapanood niya ang mga music video nito nina Gary V at Jay-R. Kaya kinuha niya ito para mag-direct ng White Lady, isang love triangle na nakabalot sa isang horror film.
Para maging maayos at mabilis ang takbo ng pelikula, ginawan ni Direk Jeff ng isang storyboard ang script nina Don Michael Perez at Joel Rufino Nunez na nagtataglay ng 500 pahina!
"Ginagawan lamang ng direktor ng storyboard ang mga eksenang nangangailangan ng special effects. First time na inilagay sa papel o ginawan ng biswal ng isang direktor ang mga gusto niyang mangyari sa lahat niyang eksena," ani Roselle.
Naging matapat naman ang Direk Jeff sa kanyang mga eksena pero, ni minsan ay di nawala sa isip nito ang anggulo ng love story sa kabila ng nakapaninindig balahibong mga eksena.
Tampok sa pelikula si Angelica Panganiban bilang White Lady. Isang patay na bumalik para maghiganti sa mga taong umapi sa kanya. Isa siyang outcast sa isang iskwelahan na naging bahagi ng love triangle nina Pauleen Luna at JC de Vera nung nabubuhay pa siya.
"Iniutos ni Direk na maghalikan kami ni JC ng more than 20 times dahil isa itong huge turning point ng movie. Gusto pa niyang passionate ito kaya inabot ng ganito karaming takes, yung first 19 takes kasi ay di siya nagandahan," pagku-kwento ni Pauleen.
Magbubukas ang Celebrity Golf Invitational, isang fundraiser ng Mowelfund ngayong 8:30 NU sa Club Intramuros sa pangunguna ni Mowelfund Exec. Dir Boots Anson Roa at ang Chairman ng palaro na si Sen. Tito Sotto. Maglalaro ang grupo ng showbiz (Francis M, Michael V, Anjo Yllana, Maru Sotto, Joey Marquez, Johnny Delgado, APOs Danny Javier and Buboy Garovillo, Edgar Mortiz, Raymond Bagatsing, Robert Arevalo, Cirio Santiago, Bearwin Meily, CEB chairman Christine Dayrit, Lally Laurel-Trinidad, Paulina Sotto, Nadia Montenegro at Maritoni Fernandez), broadcast stalwarts & media delegation (KBPs Jun Nicdao, Rey Langit, Rino Basilio, Ricky Alegre, Manny Luzon at Diego Cagahastian), legislators (Sen. Ralph Recto, Cong Chiz Escudero), media delegation at movie stars in public service (Sens. Bong Revilla, Lito Lapid, Jinggoy Estrada), former Pres. Fidel Ramos, Press USEC Robert Rivera, PTA Gen. Mgr. Robert Dean Barbers, at marami pang iba.
Hindi na nag-iisang soloista ng bandang Freestyle si Jinky Vidal, may dalawa na siyang bagong kasama, sina Joshua Desiderio at Mike Luis. May bago ring basista ang grupong pinanggalingan ni Top Suzara na nagsosolo na ngayon, si Rommel dela Cruz, galing sa Barbies Cradle.
May bagong album ang Freestyle mula sa Viva Records. Pinamagatang Freestyle Live@19 East, unang recording ito ng grupo kasama ang mga bagong myembro.
Lahat ng kantang kasama ay kinanta nila sa kanilang gig sa 19 East. Carrier single ang "Half Crazy" na inawit ni Joshua. Magkakaron ng grand launch ang album sa Hulyo 21, 8:30 NG sa Music Hall ng SM Mall of Asia.
veronica@ philstar.net.ph
Para maging maayos at mabilis ang takbo ng pelikula, ginawan ni Direk Jeff ng isang storyboard ang script nina Don Michael Perez at Joel Rufino Nunez na nagtataglay ng 500 pahina!
"Ginagawan lamang ng direktor ng storyboard ang mga eksenang nangangailangan ng special effects. First time na inilagay sa papel o ginawan ng biswal ng isang direktor ang mga gusto niyang mangyari sa lahat niyang eksena," ani Roselle.
Naging matapat naman ang Direk Jeff sa kanyang mga eksena pero, ni minsan ay di nawala sa isip nito ang anggulo ng love story sa kabila ng nakapaninindig balahibong mga eksena.
Tampok sa pelikula si Angelica Panganiban bilang White Lady. Isang patay na bumalik para maghiganti sa mga taong umapi sa kanya. Isa siyang outcast sa isang iskwelahan na naging bahagi ng love triangle nina Pauleen Luna at JC de Vera nung nabubuhay pa siya.
"Iniutos ni Direk na maghalikan kami ni JC ng more than 20 times dahil isa itong huge turning point ng movie. Gusto pa niyang passionate ito kaya inabot ng ganito karaming takes, yung first 19 takes kasi ay di siya nagandahan," pagku-kwento ni Pauleen.
May bagong album ang Freestyle mula sa Viva Records. Pinamagatang Freestyle Live@19 East, unang recording ito ng grupo kasama ang mga bagong myembro.
Lahat ng kantang kasama ay kinanta nila sa kanilang gig sa 19 East. Carrier single ang "Half Crazy" na inawit ni Joshua. Magkakaron ng grand launch ang album sa Hulyo 21, 8:30 NG sa Music Hall ng SM Mall of Asia.
veronica@ philstar.net.ph
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended