Rochelle, iiwan na ang Sexbomb!
June 28, 2006 | 12:00am
Pinadalhan kami ng kopya ng staff ng seryeng Sa Piling Mo nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos ng sangkaterbang hate-mails ng fans na hindi pabor sa naganap na kasalan kina Adrian (Piolo Pascual) at Nicole (Rica Peralejo). Tumanggap din nito ang producer at staff ng SPM at ganundin sa radio program ni Tito Alfie, manager ni Juday sa DZMM.
Iisa ang mensahe halos ng messages: FOUL! UNFAIR! , ang ginagawa ng ABS-CBN people sa mga loyal fans nina Piolo at Judy Ann.
"Di ba soap opera ng idols namin ang Sa Piling Mo? Bakit ikinasal si Piolo kay Rica? Ang sama ng loob ko? Nagpatay ako ng TV sa sobrang depression," sabi ni Benjo sa kanyang text.
"Magra-rally kami sa harap ng ABS-CBN para ipakita ang disgusto namin," threat pa ng isang die-hard fan na presidente ng isang local chapter ng Juday-Piolo fans club.
At sa nakaraang cast party ng SPM ay binasa raw lahat ni tito Alfie ang mga text messages kay Maam Malou Santos at sa sobrang dami ng mga binabasa ni tito Alfie kay Mam Malou ay di nito namalayan na nag-French leave na ang executive.
Well-taken naman daw ang mga reklamo ng fans sabi ng EP ng serye na si Des Tanwangco.
"Maraming-maraming salamat sa mga loyal fans nina Juday at Piolo sa pagsuporta kaya lang, yon talaga ang tagpo ng istorya. Abangan nila at konti na lang ang heartbreaks nila, may magaganap na malaking twists sa takbo ng mga kwento," paliwanag nito.
Bisi-bisihan ang character actor na si Mon Confiado, kasama ang kapatid niyang si Kay Confiado na kasosyo niya sa 22nd Street Comedy Bar sa Marcos Highway, Cainta sa paghahanda sa nalalapit na 10th year anniversary ng bar sa Biyernes (June 30) at Sabado (July 1) at nangakong mag-iimbita ng entertainment press with free bus service.
Nahihilo ang character actor dahil marami na raw customers ang nagpa-reserve para sa dalawang gabing selebrasyon dahil sa special guests nilang sina Frenchie Dy, Overload, PBB ex housemate Say Alonzo, Toni Gonzaga at ang humakot ng awards sa nakaraang Awit Awards na si Bamboo para sa June 30.
For July 1 naman ay ang mahusay na tv host/manager na si Boy Abunda ang magka-cut ng ribbon kasama ang Pinoy Big Brother Celebrity edition big winner na sina Keanna Reeves, Sam Milby, Rustom Padilla at K Brosas and the Boxers naman ang makiki-jam ng live sa audience.
Ang nabanggit na comedy bar ang dahilan kaya yumaman ang magkapatid na Confiado kaya maski na walang offers sa pelikulat telebisyon si Mon ay okey lang dahil barya lang pala ang kinikita niya sa pagiging artista kumpara sa kinikita nila sa 22nd Street Comedy Bar na may branches pa sa Las Piñas, Cebu at Davao.
Ngayong araw, Miyerkules ang pa-presscon ng Focus Entertainment para sa Season 12 ng Daisy Siete at dito na rin liliwanagin ng producer ng teleseryeng si Joy Concio kung bakit mapapaaga ang pagtatapos ng Season 11 ngayong Biyernes, June 30.
Malalaman din kung totoong last episode na ng DS ang Season 12 tulad ng nababalita dahil mismong ang producers ng Focus ang magsasalita tungkol dito at alamin din kung totoong iiwan na ni Rochelle Pangilinan ang Sexbomb dahil gusto na raw nitong maging seryosong aktres. REGGEE BONOAN
Iisa ang mensahe halos ng messages: FOUL! UNFAIR! , ang ginagawa ng ABS-CBN people sa mga loyal fans nina Piolo at Judy Ann.
"Di ba soap opera ng idols namin ang Sa Piling Mo? Bakit ikinasal si Piolo kay Rica? Ang sama ng loob ko? Nagpatay ako ng TV sa sobrang depression," sabi ni Benjo sa kanyang text.
"Magra-rally kami sa harap ng ABS-CBN para ipakita ang disgusto namin," threat pa ng isang die-hard fan na presidente ng isang local chapter ng Juday-Piolo fans club.
At sa nakaraang cast party ng SPM ay binasa raw lahat ni tito Alfie ang mga text messages kay Maam Malou Santos at sa sobrang dami ng mga binabasa ni tito Alfie kay Mam Malou ay di nito namalayan na nag-French leave na ang executive.
Well-taken naman daw ang mga reklamo ng fans sabi ng EP ng serye na si Des Tanwangco.
"Maraming-maraming salamat sa mga loyal fans nina Juday at Piolo sa pagsuporta kaya lang, yon talaga ang tagpo ng istorya. Abangan nila at konti na lang ang heartbreaks nila, may magaganap na malaking twists sa takbo ng mga kwento," paliwanag nito.
Nahihilo ang character actor dahil marami na raw customers ang nagpa-reserve para sa dalawang gabing selebrasyon dahil sa special guests nilang sina Frenchie Dy, Overload, PBB ex housemate Say Alonzo, Toni Gonzaga at ang humakot ng awards sa nakaraang Awit Awards na si Bamboo para sa June 30.
For July 1 naman ay ang mahusay na tv host/manager na si Boy Abunda ang magka-cut ng ribbon kasama ang Pinoy Big Brother Celebrity edition big winner na sina Keanna Reeves, Sam Milby, Rustom Padilla at K Brosas and the Boxers naman ang makiki-jam ng live sa audience.
Ang nabanggit na comedy bar ang dahilan kaya yumaman ang magkapatid na Confiado kaya maski na walang offers sa pelikulat telebisyon si Mon ay okey lang dahil barya lang pala ang kinikita niya sa pagiging artista kumpara sa kinikita nila sa 22nd Street Comedy Bar na may branches pa sa Las Piñas, Cebu at Davao.
Malalaman din kung totoong last episode na ng DS ang Season 12 tulad ng nababalita dahil mismong ang producers ng Focus ang magsasalita tungkol dito at alamin din kung totoong iiwan na ni Rochelle Pangilinan ang Sexbomb dahil gusto na raw nitong maging seryosong aktres. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended