^

PSN Showbiz

Pampuno lang ng oras, ngayon nangunguna nang panoorin sa TV!

- Veronica R. Samio -
Sinimulan ng Mahiwagang Baul, Linggo, GMA7, ang kanilang pangalawang taon sa pamamagitan ng isang thanksgiving mass. Hindi akalain ng mga tao sa kabila ng matagumpay na palabas na aabot sila ng isang taon.

Unang intensyon kasi ay tumakbo lamang sila ng apat na episode. Pampuno lamang sila ng oras, habang ang network ay nag-iisip pa ng tamang programa para sa nasabing slot. Yun pala, di lamang mga kabataan ang naaaliw sa show kundi maging ang mga magulang nila at guro dahilan sa mga magagandang values na iniiwan nito sa mga manonood.

Buong buwan ng Hulyo ay magsisilbing selebrasyon ng 1st anniversary ng programa. Magsisimula ito sa Hulyo 2 sa pamamagitan ng episode na Sirena na tatampukan ni Nadine Samonte, kasama sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Masaya ang programa na pinangungunahan nina Lola Tasya (Carme Sanchez), Epoy (Eisen Bayubay), Jewel (Sandy Talag) at ang robot na si Rextor (John Feir) dahil bukod sa mayro’n na silang jingle na kinakanta ni Sandy, may isa pang character na karagdagan sa show, si Yaya (Patricia Ysmael).

Mapapanood sa mga darating na episode ang Alamat ng Bulkan, Magic Harmonica, Alamat ng Agila at ang history ng Mahiwagang Baul.
* * *
Kakatuwa naman itong si Chokoleit. Sa kabila ng pagkakaro’n niya ng pangalan, marami na rin naman ang nakakakilala sa kanya, di ba?, ay pumayag pa rin itong mag-audition para makuha niya ang kanyang role sa Zsa Zsa Zaturnnah, ang entry ng Regal sa darating na MMFF na nagtatampok kay Zsazsa Padilla bilang isang Pinoy heroine.

Bilib din naman ako dahil buo ang loob niya na makukuha niya ang role sa kabila ng pangyayaring magagaling din ang mga nakalaban niya pero, ayon kay direk Manny Valera ay namayani ang angkin niyang talento sa mga huling bahagi ng audition.

Malaki ang cast ng Zsa Zsa Zaturnnah na nagtatampok din kina Pops Fernandez, Rustom Padilla,Glaiza de Castro, Alwyn Uytingco, Giselle Sanchez, Say Alonzo
at marami pang iba, sa direksyon ni Joel Lamangan. Tungkol sa isang baklang parlorista (Rustom) na kapag nakakalulon ng isang bato ay nagiging isang Pinoy Superhero (Zsazsa).
* * *
Inihayag na ng Great Wings sa pamumuno ni Ms. Judith Arlyn V. Vergara ang magiging delegado ng bansa sa nalalapit na World Body Painting Festival na magaganap sa Seeboden, Austria – mga myembro ng Bulacan Artists Association sa pangunguna ni "Maestro" Jose Boy Tanghal Caoili, kasama sina Direk Lito Songco, Jeffrey H. Samonte, Vicente M. Martin, Jr., Fidel Manansala, Silvino E. Ventura, Wilfredo Offemaria, Jr., Gliff Victor, Marvin H. Samonte, Carol Malgapo, Jin Han Subagon. Sina Ian Valdez, Harold Montano at Thea Aquino ang mga official models, kasama ang alaga ni Robert Silverio na si Neil Anthony Sarmiento ng Iba. Zambales.

Aalis ang grupo sa July 17 hanggang 23 kasama ang staff ng Great Wings na sina Grace P. Yalung, Alex Vergara, Joel Darvin Santos, Aileen S. Camacho at Angelo Bordador.
* * *
Kakaaliw ang Ultimate Pinoy hosted by Benjie Paras at Maureen Larrazabal, ABC5, Martes, 8:30 NG. Bukod sa napaka-informative, entertaining pa.

Panoorin kung paanong ginagawa ang world’s largest buko pie, pahabaan ng kuko, paramihan ng pagkain ng walang solid sa anghang ng sili o basta kahit anong record breaking stunt.

Kung may alam kayong karapat dapat na matawag na Ultimate Pinoy Record Holder, tawag lang sa 9369416 o 9362551 local 322.
* * *
E-mail: [email protected]

AILEEN S

ALAMAT

ALEX VERGARA

CENTER

GREAT WINGS

MAHIWAGANG BAUL

ZSA ZSA ZATURNNAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with