Miriam, dumugo ang mata!
June 25, 2006 | 12:00am
Hindi gawang biro ang mga ginawa ni Miriam Quiambao sa Pinoy Meets World dahil gumawa din siya ng dangerous stunts para sa show. Tumalon siya mula sa isang mataas na bulubundukin sa Korea. Dahil dito ay pumutok ang blood vessels niya sa mata at mabuti na lang at naagapan agad. Sobrang takot ang naranasan niya sa naturang challenge pero para sa kanya ay exciting ito kahit nagpupunta sila sa mga bansang may danger zone.
Malaki ang naitulong ng pagiging abala niya sa trabaho dahil ito ang nagsisilbing therapy para makalimutan ang nangyari sa kanila ng dating asawa.
Naikwento ni Paolo Bediones ang mga hirap na dinanas nila kapag nagpupunta sa ibang bansa gaya ng India pero, enjoy sila dahil nakapanood sila ng puppet show at nakaranas ng sandstorm sa New Delhi at talaga namang nagbabagsakan ang mga puno sa dinaraanan nila!
"Flexible din ang aming trabaho. Hindi lang ako nagsilbing host kundi tagabitbit pa ng tripod. Yong cameraman dala naman aniya ang kamera. Mahirap, pero enjoy," ani Paolo.
Bawat location na pinupuntahan nila ni Miriam ay para sa dalawang episodes. Simula na ang Pinoy Meets World ngayon.
Natuwa ako sa magandang kapalaran ni Rommel Luna ngayong alaga na siya ni Jacob Fernandez. Tutungo siya ng Hollywood para sa paglalaban-laban ng mga talento sa World Championship of Perfoming Arts. Aalis siya sa August 3 at babalik ng August 15. Ngayon pa lang ay naghahanda na si Rommel sa kanyang biyahe at pagbubutihan niya ang pag-arte (acting category) para may maiuwing karangalan.
Si Faith Cuneta at Juaquin ang kasama niya pero ang dalawa ay kasali sa singing competition. Mas pinili ni Rommel ang pag-arte dahil mas may laban siya rito.
Isang sikat na dancer na myembro ng isang sikat na grupo ang hindi naaprubahan ang visa.
Nang ininterbyu ito ay sinabi ng consul kung pwedeng magpakita ito ng sample ng sayaw. Sa halip na magsayaw dahil magaling naman siya itinuro ang mga kasamahan sa likod niya na iinterbyuhin din sabay dialogue ng "I only dance with my group."
Hindi yata na-impress sa sagot nito ang consul kaya di siya inaprubahan.
Ano ba naman yung sumayaw-sayaw ka dahil siguro gusto lang makita ng consul kung nagsasayaw nga siya pero hindi ginawa ng sikat na dancer.
Malaki ang naitulong ng pagiging abala niya sa trabaho dahil ito ang nagsisilbing therapy para makalimutan ang nangyari sa kanila ng dating asawa.
"Flexible din ang aming trabaho. Hindi lang ako nagsilbing host kundi tagabitbit pa ng tripod. Yong cameraman dala naman aniya ang kamera. Mahirap, pero enjoy," ani Paolo.
Bawat location na pinupuntahan nila ni Miriam ay para sa dalawang episodes. Simula na ang Pinoy Meets World ngayon.
Si Faith Cuneta at Juaquin ang kasama niya pero ang dalawa ay kasali sa singing competition. Mas pinili ni Rommel ang pag-arte dahil mas may laban siya rito.
Nang ininterbyu ito ay sinabi ng consul kung pwedeng magpakita ito ng sample ng sayaw. Sa halip na magsayaw dahil magaling naman siya itinuro ang mga kasamahan sa likod niya na iinterbyuhin din sabay dialogue ng "I only dance with my group."
Hindi yata na-impress sa sagot nito ang consul kaya di siya inaprubahan.
Ano ba naman yung sumayaw-sayaw ka dahil siguro gusto lang makita ng consul kung nagsasayaw nga siya pero hindi ginawa ng sikat na dancer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended