Rustom, di pa nagkakaroon ng relasyon sa kapwa niya lalaki since ma-realize niya na gay siya!
June 25, 2006 | 12:00am
Iba na nga si Rustom Padilla ngayon, simula nang aminin niya sa mundo kung ano siya, at simula nang tanggapin niya sa sarili niya na isa siyang gay.
Masaya at maganda na ang aura niya, di tulad nung bago siya sumali sa Pinoy Big Brother na animoy nagdo-droga siya. Nanlalaki ang mga mata niya, humpak ang pisngi at wari moy may dinadalang problema sa dibdib.
"Meron talaga, malaking malaking problema. May gusto akong gawin at di ko alam kung tama yung gagawin ko," pag-amin ni Rustom na happy at excited na pinagkatiwalaan siya ng isang mahalagang role sa Zsa Zsa Zaturnnah bilang alter ego ni Zsazsa Padilla. Kung di niya nilululon ang bato ay isa siyang baklang parlorista, isang mabait na tao na nagkataong isang binabae.
"Wala akong paglagyan ng pasasalamat kay Mother Lily, kay Direk Joel sa ibinigay nilang tiwala sa akin."
Nang may magtanong kung mag-o-all out siya bilang bading sa movie, sinabi ni Rustom na "Definitely, I am an actor. I will do whatever is required of me. Pero di si Rustom ang makikita nyo sa pelikula kundi si Ada, yung character na gagampanan ko," dagdag pa ng aktor na umaming wala pa siyang nakakarelasyon na kapwa niya lalaki simula nang malaman niya na gay siya.
Ang Zsa Zsa Zaturnnah ay isang graphic novel ni Carlo Vergara na gagawan ng script ng kapatid sa hanapbuhay na si Dinno Erece. Ginawa na rin itong isang musical na naging matagumpay din tulad ng libro at ngayon naman ay isasalin sa pelikula. Hindi mangingiming gumastos ng P100M ang Regal para maging isang magandang musical fantasy ang pelikula na magtatampok din kina Pops Fernandez, Chocoleit, Glaiza de Castro, Alwyn Uytingco, Giselle Sanchez, Kitkat, Say Alonzo at Pauleen Luna.
Excited akong mapanood ang Pacquiao the Movie dahil lahat ng nakapanood nito ay nagsasabing napaka-ganda raw ng pagkakaganap ni Jericho Rosales. Nagawa nitong itago sa pelikula ang tunay niyang katauhan at sa halip ay makikita ng manonood ang kampeon na boksingero na si Manny Pacquiao, mula sa kanyang puntong Bisaya hanggang sa pinaka-maliit niyang mannerism. Tinatayang ito na ang pinaka-mahusay na pagganap ng kabataang aktor.
Wala rin daw itinago sa pelikula tungkol sa naging buhay ng boksingero. Maging nung sumubok itong maag-droga kaya lang di ito nalulong.
Katulad ng mga laban ni Pacquiao na inaabangan ng lahat ng Pilipino, at maging ng mga dayuhan, ang pelikula tungkol sa buhay nito ay di rin dapat palampasin.
Simula na ngayong 7NG ang Pinoy Meets World na nagtatampok sa tandem sa TV nina Paolo Bediones at Miriam Quiambao.
Tampok ang isang Pinoy fanatic ng Jewel in the Palace, ang l9 yrs old na si Paula Piligrino, na dinala pa ng dalawang host sa Korea para personal na mabisita ang mga lugar na pinagkunan ng Koreanovela at ang Everland Theme Park, ang Disneyland ng Korea.
Sa bagong palabas tutuklasin ng dalawang host ang makulay na kultura, kasaysayan at pagkain ng Korea.
Tulad ng pinalitan nitong Pinoy Abroad, tampok din si Cathy Garcia, Isang Pinay na may magandang trabaho sa Korea, sa culture section ng The Korea Times, isa sa tatlong English publications sa Korea.
Masaya at maganda na ang aura niya, di tulad nung bago siya sumali sa Pinoy Big Brother na animoy nagdo-droga siya. Nanlalaki ang mga mata niya, humpak ang pisngi at wari moy may dinadalang problema sa dibdib.
"Meron talaga, malaking malaking problema. May gusto akong gawin at di ko alam kung tama yung gagawin ko," pag-amin ni Rustom na happy at excited na pinagkatiwalaan siya ng isang mahalagang role sa Zsa Zsa Zaturnnah bilang alter ego ni Zsazsa Padilla. Kung di niya nilululon ang bato ay isa siyang baklang parlorista, isang mabait na tao na nagkataong isang binabae.
"Wala akong paglagyan ng pasasalamat kay Mother Lily, kay Direk Joel sa ibinigay nilang tiwala sa akin."
Nang may magtanong kung mag-o-all out siya bilang bading sa movie, sinabi ni Rustom na "Definitely, I am an actor. I will do whatever is required of me. Pero di si Rustom ang makikita nyo sa pelikula kundi si Ada, yung character na gagampanan ko," dagdag pa ng aktor na umaming wala pa siyang nakakarelasyon na kapwa niya lalaki simula nang malaman niya na gay siya.
Ang Zsa Zsa Zaturnnah ay isang graphic novel ni Carlo Vergara na gagawan ng script ng kapatid sa hanapbuhay na si Dinno Erece. Ginawa na rin itong isang musical na naging matagumpay din tulad ng libro at ngayon naman ay isasalin sa pelikula. Hindi mangingiming gumastos ng P100M ang Regal para maging isang magandang musical fantasy ang pelikula na magtatampok din kina Pops Fernandez, Chocoleit, Glaiza de Castro, Alwyn Uytingco, Giselle Sanchez, Kitkat, Say Alonzo at Pauleen Luna.
Wala rin daw itinago sa pelikula tungkol sa naging buhay ng boksingero. Maging nung sumubok itong maag-droga kaya lang di ito nalulong.
Katulad ng mga laban ni Pacquiao na inaabangan ng lahat ng Pilipino, at maging ng mga dayuhan, ang pelikula tungkol sa buhay nito ay di rin dapat palampasin.
Tampok ang isang Pinoy fanatic ng Jewel in the Palace, ang l9 yrs old na si Paula Piligrino, na dinala pa ng dalawang host sa Korea para personal na mabisita ang mga lugar na pinagkunan ng Koreanovela at ang Everland Theme Park, ang Disneyland ng Korea.
Sa bagong palabas tutuklasin ng dalawang host ang makulay na kultura, kasaysayan at pagkain ng Korea.
Tulad ng pinalitan nitong Pinoy Abroad, tampok din si Cathy Garcia, Isang Pinay na may magandang trabaho sa Korea, sa culture section ng The Korea Times, isa sa tatlong English publications sa Korea.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended