^

PSN Showbiz

Dati foam lang ang pampatambok ng pwet ng aktor, ngayon gumagamit na siya ng collagen!

-
Tiyak na maraming magugulat sa July issue ng isang men’s magazine dahil ang cover girl nila ay ang teen mommy na si Valerie Concepcion na may titulong Valerie Reborn.

Tiyak na ikagugulat ng lahat dahil maski saang anggulo mo tingnan ay walang bakas na may 2 year old kid na ang cover girl.

Perfect ang body measurement ni Val (palayaw ng young mom) at take note, wala siyang stretch marks at mas lalong gumanda pa ngayon.

Sabi ng mga nakakita ng pictorial ay pupwedeng ihilera pa si Val sa sexiest women in Asia 2006 kung wala lang itong anak.

Pero ayon mismo sa dalagita, hindi niya pinagsisihan ang lahat ng nangyari sa buhay niya dahil maraming blessings ang dumarating sa kanya ngayon simula nung dumating sa buhay niya ang anak na si Heather Fiona.

Samantala, ka-join si Valerie sa Season 11 ng Love to Love na may episode title na Bestfriends under the direction of Khryss Adalia.

Nakaka-intriga ang istorya ng Bestfriends dahil istorya ng bakla’t tomboy na gagampanan ni Ciara Sotto ang isang lesbian na madly in love kay Valerie.
* * *
Pinagkukuwentuhan sa isang umpukan ang isang actor na mahilig palang maglagay ng foam sa kanyang pantalon para tumambok ang puwet nito.

Isang kaibigan ng isang tv host/actress ang bumabangka sa kwentuhan. Nung nagsasama pa raw sila (tv host actress at ex-husband/actor) ginagawa ng aktor ang ganitong pandaraya para tumambok ang puwet niya

"Wala kasi siyang puwet, sobrang flat at nahihiya siya, e, at that time ay hindi pa uso ang pagpapalagay ng collagen sa butt.

Ang ganda-ganda na nga raw ngayon ng butt ng actor, parang walang naging asawa’t mga anak na pawang dalagita na.
* * *
Ayaw ipabanggit ng katoto ang kanyang pangalan dahil ka-join siya sa grupo ng reporters na pumunta ng Hongkong bilang ‘regalo’ sa kanila ni First Gentleman Mike Arroyo.

Heto ang eksaktong kwento sa amin, "Kung alam ko lang na hindi kagandahan ang pagpunta sa Hongkong, hindi na lang sana ako sumama, kasi pakiramdam ko, nagamit kaming reporters. 

"Hindi ko gusto ang inuutos sa amin ng isang katoto na tanawin naming utang na loob ang pagpunta sa HK dahil nga inilibre kami ni FG, e, teka, bakit, hindi naman namin hiningi na isama kami, nanahimik nga kami sa bahay nang bigla kaming tawagan at i-prepare ang passports dahil join daw kami sa HK.

"At ang nakakaloka, may pinapirmahan sa aming papel na attendance daw." — REGGEE BONOAN

vuukle comment

BESTFRIENDS

CIARA SOTTO

DAHIL

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HEATHER FIONA

ISANG

KHRYSS ADALIA

TIYAK

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with