Troy Montero, nagdi-direk ng music video!
June 23, 2006 | 12:00am
Bilib na talaga kami kay Boy Abunda dahil mas sikat talaga siya kaysa sa mga alaga niya, isipin mo, mas marami siyang tv programs, at product endorsements kumpara sa sangkaterba niyang talents sa Backroom, Inc.
Marahil kung gugustuhin lang niyang maging singer ay tiyak na kakumpetensiya pa siya nina Erik Santos, Ariel Rivera, Calvin Millado, Frenchie Dy, Dessa, Kim Flores, K Brosas at iba pang alaga niyang singers. At kung type din niyang pasukin ang pag-arte, e, malamang na kalaban niya sina Rufa Mae Quinto, Aiai delas Alas, Keanna Reeves, Dominic Ochoa at iba pang artistang alaga rin niya, at ang panghuli, hindi rin naman siya kayang talunin o pantayan ng mga alagang sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzales sa hosting no!
Anyway, latest we heard na ini-endorse at partner rin si Boy ay ang Lakeshore na matatagpuan sa Mexico, Pampanga.
Isang world class residential, commercial at recreational development na project ng Central Country Estate Development na ayon mismo sa staff ni Boy na si Mary Ann ay maganda ang lugar dahil para itong paraiso dahil sa manmade lakeshore nitong suitable sa mahihilig sa non-motorized sports tulad ng boating, kayaking at sailing. May lugar din para sa picnic, fountain parks, jogging trail, artificial white sand beach, pool at kasya ang 1,000 katao sa clubhouse.
Sabagay, kailangan talagang mas sikat at kilala ang manager para mas may edge sa mga talent niya na kukunin para sa projects.
Dahil wala namang offer ngayon kay Troy Montero bilang artista o singer ay nagpasya na lang itong mag-aral ng filmmaking at ngayon daw ay nagdi-direk na siya ng music videos.
Mga kaibigang director ng manager niyang si Dondon Monteverde ang nagturo raw kay Troy sa pagdi-direk at one of these days ay ilo-launch ang boyfriend ni Aubrey Miles as one of the newest directors in music videos.
Nagtataka lang kami dahil maski pala sino ay puwede nang filmmakers ngayon kapag nabigyan ng chance tulad nina Zoren Legaspi na nag-aral kay direk Peque Gallaga sa Bacolod City, Niño Muhlach na kasalukuyang may tinatapos ng digital film, Dingdong Dantes na for a while ay naging tv director pero mas gustong umarte kaya iniwan na ang pagiging direktor at ngayon nga ay si Troy na dating dance partner lang ni Charlene Gonzales sa Keep On Dancing.
Kung ia-analisa ay pawang mga hindi na hot property ang mga nabanggit at ang directing ang napili nilang daan para muling umingay ang pangalan nila, ang tanong, magtagumpay kaya sila sa napili nilang field?
Hindi kaya malaking insulto rin ito sa mga award winning directors na nag-aral ng ilang taon sa filmmaking sa ibang bansa para lang makamit ang gusto nila sa buhay?
Kumbaga sa apat na taong kurso sa kolehiyo plus masteral degree para maging mahusay na director ay parang vocational course naman ang istilo ng pag-aaral nina Zoren, Troy, Dingdong, Niño at iba pang nag-aaral din ng pagka-director na ilang buwan lang tinapos.
Supposedly, may pa-presscon si Christian Esteban last Tuesday pero sa hindi malamang dahilan ay bigla itong na-cancel.
Hindi kami invited sa nabanggit na event, pero may nag-tsika sa amin na kinakailangan daw gawin ito ng kampo ng Starstruck Avenger 1 dahil nasisira na ang pangalan ng binata at tila binabaligtad ang pangyayari.
Nasulat namin na tsinugi si Christian sa Lovely Day dahil may attitude problem ito, kabaligtaran naman ng tsikang nakarating sa amin na si Christian na raw ang hindi nag-renew ng kontrata niya dahil nga hindi raw siya tina-trato ng maayos sa set.
Binalikan namin ang staff na katsika namin sa Lovely Day at ang sabi sa amin ay, "Yeah we heard, they have plans na magpa-interview sa press, funny nga kasi babaligtarin nila ang isyu, e, di magpa-interview sila hanggat gusto nila.
"Ganito lang yan, kung talagang walang problema kay Christian, bakit hindi na siya ni-renew pa ng Artist Center o bakit management decision na tsugihin siya? At bakit nagkakalat ng maling balita ang kampo niya, they kept on texting some members of the media, e, nakakarating naman sa amin."
As of now ay wala kaming alam na show pa ni Christian sa GMA 7 at kailangan din sigurong magpalabas ng official statement ang Artist Center tungkol sa isyung ito ng binata. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended