^

PSN Showbiz

Pauleen, lapitin ng multo!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Lapitin pala ng multo si Pauleen Luna dahil may third eye ito. Nagkaroon ito noon ng multong stalker na lagi niyang nakikita sa iba’t ibang bahagi ng bahay. Feeling niya ay lagi itong nakasunod sa kanya.

Natutuwa nga siya dahil hindi naibigay sa kanya ang role ng White Lady dahil baka kapaag ginampanan niya ito ay magkasakit na naman siya at maospital.

Noon kasing mag-guest si Pauleen sa Nginiig kung saan ginampanan ang babaeng sinapian ng bad spirit ay nagkasakit ito.

Sa kabilang banda, handa na ang pamilya ni Pauleen sa debut nito na gaganapin sa darating na November 10. Meron 18 candles at 18 treasures pero walang 18 roses dahil ayaw ng daddy nitong maging first dance niya dahil napakamahiyain nito.
Bagong Crush Ng Bayan
May bagong myembro na super gwapo ang Star Magic na unang inilunsad bilang isa sa mga miyembro ng Star Circle Batch 13. Nakilala si AJ Perez sa Milo commercial na naging daan sa pagpasok niya sa showbiz. Thirteen years old lang ito pero matangkad (5’7") at di mapagkakamalang trese anyos lang. Grade VII si AJ sa La Salle kung saan isa rin siyang varsity player.

May kaya ang kanyang magulang na parehong matagumpay na negosyante pero hindi siya spoiled.

Isang matinee idol material si AJ na ang puhunan ay di lang ang kagwapuhan kundi mayroon ding talento sa pag-arte lalo na sa drama.
Victor, MTV Fashionista 2004
Isa pa ring Star Magic member si Victor Basa na unang nakilala sa Mega Young Designer Competition at nabigyan ng titulong Best Model Form sa MTV Fashionista 2004. Nakikita siya sa billboards at magazines at naging image model ng Penshoppe.

Naniniwala ito na di siya tipong artista pero nang mag-audition sa Star Magic ay nakuha agad ito. Hindi siya nagsisigarilyo at mahilig sa ice skating kung saan anim na oras ang ginugugol niya araw-araw sa Mall Of Asia.
Blind Item: Good Provider Ang Bading Na Director!
Nasa marrying age na ang magaling na aktor pero, maraming nagtataka kung bakit hindi pa ito nag-aasawa. May nakarelasyon itong sikat na aktres nun.

Balitang may karelasyon itong mayamang bading na director na very good provider. Kahit madalang ang pelikula ng aktor ay living in style pa rin siya dahil sa kanyang gay benefactor.

vuukle comment

BAGONG CRUSH NG BAYAN

BEST MODEL FORM

BLIND ITEM

FASHIONISTA

GOOD PROVIDER ANG BADING NA DIRECTOR

LA SALLE

MALL OF ASIA

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with