^

PSN Showbiz

Isa pang ayaw ng kissing scene!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa presscon ng White Lady ay sinabi ni Katarina Perez na hindi niya kayang rumampa sa maraming tao na naka-bathing suit. Ito ay nang may nagsabing pwede siyang mag-join sa Bb. Pilipinas. Kahit sa pelikula ay hindi pa rin siya handang makipag-kissing scene kahit smack lang. Pero ayaw niyang magsalita ng tapos dahil baka pumayag rin ito basta’t dampi lang sa labi.
Nagpapa-Derma Si Franzen
Kasama rin pala sa White Lady si Franzen Fajardo (ng PBB) na artista na ang dating.

"Tumaba lang po ako at isang beses sa isang buwan ay nagpapa-derma ako. Pag di nga ako nakaporma ay nakikilala ako ng mga tao pero, kapag nakaporma naman ay walang pumapansin sa akin," aniya.

Sa Quezon City na sila nakatira dahil malayo ang Valenzuela at ayaw niyang ma-late sa taping o syuting. Ang kanyang tatlong taong gulang na anak ay nag-aaral sa Christian School. Co host siya ni Catherine de Castro sa Trip Na Trip at field reporter sa Magandang Umaga Pilipinas.

Natutuwa siya dahil kumpara sa mga kasamahan niya sa Pinoy Big Brother ay hindi naman siya nababakante sa telebisyon at pelikula.
"Di Naging Mag-On Sina Daddy At Kris" — Angelo Patrimonio
Hindi kataka-taka na si Angelo James Patrimonio ay maging anak ng magaling na basketbolista na si Alvin Patrimonio. Six footer ito at sa halip na basketball ay gusto nitong makilala sa larong tennis.

Hindi man siya pinalad na makasama sa PBB Teen Edition ay napukaw naman ni Angelo ang atensyon ni Mr. M kaya siya isinama sa Star Magic.

Magkaiba ang reaksyon ng kanyang magulang sa pagpasok niya sa showbiz. "Masaya si Mommy pero si Daddy ay atubili at sinabihan akong mag-isip muna bago mag-artista. Pero pinagbigyan din niya ako. Third year high school na ito sa San Beda.

Hindi pa niya nami-meet personally si Kris Aquino na na-link sa kanyang daddy noon.

Nang tanungin ko kung naniniwala ba siyang naging mag-on ang kanyang daddy at si Kris ay bigla itong nag-react.

"Hindi po totoo yan. Sinabi ni Mommy at kahit ng daddy ko na wala silang naging relasyon noon. Kaya naniniwala po ako sa kanila," sey nito.

ALVIN PATRIMONIO

ANGELO JAMES PATRIMONIO

ANGELO PATRIMONIO

CHRISTIAN SCHOOL

DI NAGING MAG-ON SINA DADDY AT KRIS

FRANZEN FAJARDO

KATARINA PEREZ

KRIS AQUINO

WHITE LADY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with