^

PSN Showbiz

Erik, madaling araw kung dumalaw at magbantay sa set ni Rufa Mae

ABOUTSHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ayaw tawaging friendly date ni Erik Santos ang paglabas-labas nila ni Rufa Mae Quinto dahil sa friendship ito mauuwi. Obviously, hindi lang pakikipag-kaibigan ang kanyang habol, ito’y kahit marami ang naniniwalang imposible silang magka-inlaban.

Hindi artista si Erik pero, may shooting schedule na rin siyang tsini-check. Actually, shooting sked ito ni Rufa Mae ng Oh, My Ghost kung saan siya bumibisita at kapag may lakad, inaalam muna kung ‘di magkaka-conflict sa shooting ng dalaga para nadadalaw niya ito. Siya mismo ang nagda-drive ng kotse’t ayaw gambalain ang kapatid dahil madaling-araw siya bumibisita at nagbabantay.

Nagugulat (at natutuwa) si Erik na ngayon pa lang, tanggap ng kanyang pamilya at fans kung maging sila ni Rufa Mae. Kinikilig ang kanyang fans at ipinapaalam kung may write-up sa kanila. Ang daddy niya, laging kinukumusta si P-chi (palayaw ni Rufa Mae) at masuwerte raw siya na ang nali-link sa kanya’y pinapantasya ng marami.

Dahil malayo silang mag-guest na magkasama dahil sa magkaibang network sila naka-kontrata, wish na lang ni Erik na ma-i-guest niya si Rufa Mae sa bago niyang album for Star Records. Ang "Your Song" ng Alamid ang song ni Erik for Rufa Mae at naalala naman siya ng dalaga sa "Overjoyed" ni Stevie Wonder.
* * *
Masaya si Rachelle Ann Go sa two awards na napanalunan niya sa 1st MYX Music Awards. Siya ang nanalong Favorite Female Artist at ang song niyang "From the Start" ang napiling Favorite Mellow Video. Komposisyon ito ni Vehnee Saturno at kasama sa kanyang self-titled album from Viva Records. 

Nasa abroad ang boyfriend ni Rachelle na si Christian Bautista nang siya’y manalo kaya, sa phone na lang siya nito nabati. Four months na ang relasyon ng dalawa and up to now, hindi pa rin matukoy ng dalaga ang eksaktong petsa na sinagot niya ang bf. Sana ‘di nila pag-awayan na everytime tinatanong si Rachelle ay nag-iisip ng malalim.
* * *
Hindi kami ang unang nagsabi kay Katarina Perez na may hawig siya kay Snooky Serna at dahil ‘di pa niya nakikita ang actress, gusto niya itong ma-meet ng personal. Hindi nito nasakyan ang hirit ng press na mukha lang nito ang gayahin niya at ‘wag ang pagka-pagong.

Kasama sa cast ng White Lady si Katarina, her first sa Regal at kahit hindi siya ang bida, masaya siya sa kanyang role at exposure. Sa 13 shooting days, nine days siya kasama at mahaba ang kanyang participation as Eva na nang-aaway kay Angelica Panganiban.

ANGELICA PANGANIBAN

CHRISTIAN BAUTISTA

ERIK

ERIK SANTOS

FAVORITE FEMALE ARTIST

FAVORITE MELLOW VIDEO

NIYA

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with