SS3 Avengers, babad sa bars kasama ang Baywalk Bodies
June 20, 2006 | 12:00am
"Minadali nang tapusin ang Season 11 ng Daisy Siete para maumpisahan na kaagad itong Season 12. Hopefully sa bagong season, makabawi na kami sa ratings game. Kaya nga light drama na itong Season 12 para hindi mag-suffer uli sa ratings," esplika ni Joy Cancio, producer ng teleserye nang tawagan kami kahapon (Lunes).
Maganda raw ang kwento ng Season 12 at magagaling din ang mga artista niya rito tulad nina Romnick Sarmenta at ang pagbabalik ni Jordan Herrera sa telebisyon mula sa direksyon ni Pat Perez at sa panulat naman ng nagbabalik na si Suzette Doctolero.
May nagpadala ng mensahe sa amin na hindi namin knows ang numero at ang mensahe ay, StarStruck batch 3 Vivo Ouano, Jeric Rizalado at Gian Carlos lagi naming nakikitang nakatambay sa mga bars at inaabot ng madaling araw at nakikipag-flirt sa mga babaeng tumatambay din."
Very alarming ang text message na ito dahil kasalukuyang gumagawa palang ng mga pangalan ang mga nabanggit at wholesome ang packaging sa kanila ng GMA Artist Center at GMA 7.
Tiyempong katsika namin ang manager ni Vivo na si John Fontanilla at inamin nga niyang lumalabas ang alaga niya at kasama nga sina Jeric at Gian.
"Alam ko, magkakabarkada nga sila at lumalabas sila, pero hindi ko alam na nagpupunta sila sa bars. Naku, nakakaloka yan.
"Sige, tatanungin ko si Vivo, kaya lang, aamin kaya sa akin? Career lang niya kasi ang pinakikialaman ko, hindi ang personal life, pero dapat ko rin sigurong malaman kasi hindi maganda yang isyu," pahayag ng katotong John.
Samantala, may nagtsika naman sa amin na mga miyembro raw ng Baywalk Bodies ang nakikitang ka-chika ng tatlong StarStruck batch 3.
Susme, ano bang mayroon ang Baywalk Bodies at parati na lang silang nali-link sa mga taga-StarStruck?
Mukhang ipinapauso yata ngayon ng ABS-CBN na pagsamahin sa isang soap drama ang reel and real life sweethearts tulad nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa, Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Jericho Rosales at Heart Evangelista.
Pare-parehong may mga gagawing soap drama ang tatlong pares, pero sa kaso ni Echo ay hindi raw niya tatanggapin ang offer dahil gusto raw muna niyang magpahinga sa kanyang acting career.
"I have nothing against the soap, pero katatapos lang ng Panday at gusto kong magpahinga muna," katwiran ng binata alyas Manny Pacquiao sa Pacquiao The Movie.
Pero sina Diet at Tintin ay okey na at nag-story conference na sila few weeks ago pa, samantalang yung kina Ryan at Juday ay nasa 80% na at hindi palang nagi-storycon dahil hindi pa tapos ang Sa Piling Mo na kasama naman ng aktres si Piolo Pascual.
Nakakataka lang, bakit may press release na ang Piolo at Claudine Barretto soap drama, bakit kina Ryan at Budaday ay wala pang ipinalalabas?
Dahil sa pagiging mahadera ng magulang ng isang struggling actor na produkto ng isang reality program ay pinatsugi ito sa regular program niya na maganda pa naman ang ratings at exposure ng struggling actor.
Ilang buwan na raw ang ipinagtitiis ng buong staff and crew kasama na ang ibang guest artists ng programa sa struggling actor kayat inakyat na raw nila ang problema during the management meeting at kaagad sinabi ng bossing na tanggalin na nga ang pasaway na struggling actor na may impluwensiya rin ng magulang.
At ngayong tsinugi na, hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo ng staff and crew ng nabanggit na programa dahil sinisiraan naman daw sila ng magulang ng actor at para hindi mahalata, may inuutusang tao para sirain ang programa.
Ending, bukelya ang modus operandi ng mag-ina at ng taong inutusan, hindi lang namin sure kung anong move ang gagawin ng network sa struggling actor kung kukunin pa siya sa ibang programa nito. REGGEE BONOAN
Maganda raw ang kwento ng Season 12 at magagaling din ang mga artista niya rito tulad nina Romnick Sarmenta at ang pagbabalik ni Jordan Herrera sa telebisyon mula sa direksyon ni Pat Perez at sa panulat naman ng nagbabalik na si Suzette Doctolero.
Very alarming ang text message na ito dahil kasalukuyang gumagawa palang ng mga pangalan ang mga nabanggit at wholesome ang packaging sa kanila ng GMA Artist Center at GMA 7.
Tiyempong katsika namin ang manager ni Vivo na si John Fontanilla at inamin nga niyang lumalabas ang alaga niya at kasama nga sina Jeric at Gian.
"Alam ko, magkakabarkada nga sila at lumalabas sila, pero hindi ko alam na nagpupunta sila sa bars. Naku, nakakaloka yan.
"Sige, tatanungin ko si Vivo, kaya lang, aamin kaya sa akin? Career lang niya kasi ang pinakikialaman ko, hindi ang personal life, pero dapat ko rin sigurong malaman kasi hindi maganda yang isyu," pahayag ng katotong John.
Samantala, may nagtsika naman sa amin na mga miyembro raw ng Baywalk Bodies ang nakikitang ka-chika ng tatlong StarStruck batch 3.
Susme, ano bang mayroon ang Baywalk Bodies at parati na lang silang nali-link sa mga taga-StarStruck?
Pare-parehong may mga gagawing soap drama ang tatlong pares, pero sa kaso ni Echo ay hindi raw niya tatanggapin ang offer dahil gusto raw muna niyang magpahinga sa kanyang acting career.
"I have nothing against the soap, pero katatapos lang ng Panday at gusto kong magpahinga muna," katwiran ng binata alyas Manny Pacquiao sa Pacquiao The Movie.
Pero sina Diet at Tintin ay okey na at nag-story conference na sila few weeks ago pa, samantalang yung kina Ryan at Juday ay nasa 80% na at hindi palang nagi-storycon dahil hindi pa tapos ang Sa Piling Mo na kasama naman ng aktres si Piolo Pascual.
Nakakataka lang, bakit may press release na ang Piolo at Claudine Barretto soap drama, bakit kina Ryan at Budaday ay wala pang ipinalalabas?
Ilang buwan na raw ang ipinagtitiis ng buong staff and crew kasama na ang ibang guest artists ng programa sa struggling actor kayat inakyat na raw nila ang problema during the management meeting at kaagad sinabi ng bossing na tanggalin na nga ang pasaway na struggling actor na may impluwensiya rin ng magulang.
At ngayong tsinugi na, hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo ng staff and crew ng nabanggit na programa dahil sinisiraan naman daw sila ng magulang ng actor at para hindi mahalata, may inuutusang tao para sirain ang programa.
Ending, bukelya ang modus operandi ng mag-ina at ng taong inutusan, hindi lang namin sure kung anong move ang gagawin ng network sa struggling actor kung kukunin pa siya sa ibang programa nito. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am