Kailangan ng blood transfusion once a month
June 19, 2006 | 12:00am
Gian Carlo is in the cast of White Lady. Aminado ang mga taga-Regal Entertainment na inspired by the ghost that haunts Balete Drive to this day ang kanilang pelikula, pero wala raw kinalaman ang istorya sa multo ng Balete.
Kwento ito ng mga kabataang mag-aaral ng Liberal Arts sa UP-Los Baños, Laguna, isang kasamahang babae ang misteryosong namatay and out to revenge her death, lumitaw ang isang White Lady (Angelica Panganiban).
Kakaibang mga aksidente ang sunud-sunod na naganap sa campus, na pawang unsolved crime sa pagtataka ng karamihan. Out to revenge her death, inisa-isa ni White Lady ang mga may kinalaman sa kanyang pagkamatay, hanggang sa matagpuan niya ang tunay na salarin.
Bagaman at pinagsamang mga talento mula sa dalawang network ang nasa cast, wala namang namagitang tensyon, naging maganda ang kanilang samahan, while filming the movie mostly on location sa UPLB campus, National Center for Arts. Mt. Makiling in Los Baños and Pagsanjan, Laguna.
"Love interes po ako rito ni Pauleen, triangle po kami nina JC. Nauna siyang nagkaroon ng involvement kay JC, pero towards the end, nagbalik din po siya sa akin. First movie ko po ito at talagang nag-a-adjust ako dahil malaking kaibahan po pala ang pagsu-shoot ng pelikula, sobrang tagal kaysa sa pagte-taping ng isang television show," sabi ni Gian.
Paano mo tinanggap ang pagkatalo sa StarStruck? "Wala naman po sa akin yun. I was hoping/expecting to win, aaminin ko po. Pero nag-usap na rin kami beforehand ni Marky, na sanay walang mabago sa friendship namin kahit sino ang manalo.
"Ngayon ko nga po na-realize, kung ako ang nanalo, hindi ko kakayanin yung pressure kay Marky ngayon. Tiyak na mahihirapan ako dahil sa sakit ko, kailangan kong mag-ingat lagi.
"Two hundred thousand cash po ang nakuha ko, plus a 3-year managerial contract. Right after StarStruck, may talent fee na po lahat yung guestings namin, plus the bookings."
Hindi naging maliwanag sa amin kung anong klaseng sakit meron itong si Gian. Inamin lang niya na kailangan niya ng blood transfusion at least once-a-month. Na hindi siya pwedeng masugatan dahil magtutuloy-tuloy ang pagdugo, mahirap daw itong maampat. Na lifetime na raw ang sakit na yun and to this day, wala pa raw natutuklasang tamang gamot para sa sakit niya, ingat lang lagi ang sinasabi ng doctor. BEN DELA CRUZ

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am