^

PSN Showbiz

Nagbabakasyon lang, naging singer na!

-
Nagbabakasyon dito sa Pilipinas ang balikbayang si Raina Lee kasama ang kanyang mga magulang na sina Mr. & Mrs. Reynaldo Villanueva nang matuklasan ng batikang kompositor at Director Pablo Vergara.

Narinig ni Direk Pablo si Raina nang mahilingang umawit sa isang pagtitipon. Impressed agad ang composer/musical arranger/director sa dalagang mula sa California, USA.

Kaka-graduate lang ni Raina Lee sa University of San Francisco ng Bachelor of Science, major in Sports Medicine. Bilang regalo sa kanyang graduation binigyan siya ng vacation trip to the Philippine ng kanyang magulang.

Sa nasabing party ay agad kinausap ni Direk Pablo ang 20-anyos na dalaga. Nalaman ni Direk na ang kanyang kinantang "Don’t You Wanna" na may R&B flavor ay sariling katha ni Raina.

Inalok ng recording si Raina ni Direk at sa sosyalang ‘yon, nagsara na ang kanilang usapan.

Noong Biyernes ay bumalik muna si Raina sa San Francisco upang muling mag-enroll sa kanyang masteral degree in physical therapy.

Habang nasa Amerika si Raina, panay na rin ang ensayo niya doon dahil alam na niya ang ilang kanta na kasama sa album.

"American citizen nga ako, pero sa puso naman ay Pinoy na Pinoy," sabi ni Raina.

Nahasa sa pagkanta si Raina Lee habang tinatapos ang kanyang college degree sa pagiging front act ng mga sikat na Pinoy singers na nagkakaroon ng concert sa San Francisco. Madalas din siyang makumbida sa mga kasalan, birthday at anniversary ng mga Pinoy communities doon.

Pagbalik ni Raina sa ating bansa sa unang linggo ng Hulyo, nakatakda na niyang umpisahan ang vocal dubbing ng kanyang album.

Ang tantya ni Direk Pablo, matatapos ang recording sa buwan ng Agosto. Kaya malamang na sa Oktubre ay may album launching na si Raina Lee. — Ernie Pecho

BACHELOR OF SCIENCE

DIRECTOR PABLO VERGARA

DIREK

DIREK PABLO

ERNIE PECHO

KANYANG

PINOY

RAINA

RAINA LEE

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with