Jericho, di na magri-renew ng kontrata sa ABS-CBN!
June 17, 2006 | 12:00am
Hindi diretsahang inamin ni Jericho Rosales na hindi na siya magre-renew ng kontrata niya sa Star Magic, pero base sa tono ng pananalita niya gusto muna niyang magpahinga ng ilang buwan dahil burned out na siya ay, iisa ang ibig sabihin, hindi na siya babalik pa sa poder ni Mr. Johnny Manahan.
Ang kumpirmadong inamin ng actor ay si Angeli Pangilinan ng Genesis na ang manager niya when it comes to his music career, kasama na ang Jeans Band na siya rin ang vocalist at siya rin ang nag-compose ng mga kanta sa debut album nila na nakatakdang i-launch next month.
"Sa music palang ang hahawakan ng Genesis, nagustuhan ko kasi maganda yung takbo ng career ngayon ni Gary V., so more or less, ganun ang gusto kong path ng music career ko.
"Sa movie at television projects as of now, ako palang ang nakikipag-negotiate, so far wala pang problema, lahat naman okey, lahat ng endorsements ko, nag-renew naman and I have a new clothing line endorsement na makikita ninyo sa Edsa ang billboard, hopefully next month din ang launching," pahayag ni Echo alyas Manny Pacquiao.
And speaking of Manny, maski na raw milyones ang kinikita nito sa pagbo-boksing ay hindi raw pinangarap ni Echo na maging isang boksingero dahil hindi raw niya kaya ang pressured at hirap na dinaranas ni Manny.
"Grabe, hindi ko gugustuhin dahil nakakalog ang utak ko, baka hindi ko kayanin ang laban, kaya bilib ako sa mga boksingero natin, ang lalakas ng loob nila, kaya kung anuman ang tinatamasa ngayon ni Manny, he deserves it at dapat suportahan natin ang mga boksingero natin na nakikipaglaban para sa bansa natin," mahabang esplika ni Jericho.
May naninira sa loveteam nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo dahil itinawag sa amin na hiwalay na raw ang dalawa dahil sa pagiging babaero ng una.
At ang culprit sa hiwalayan ay isang staff daw ng programang At Home Ka Dito na nilalandi raw ng actor hanggang sa bumigay ito. Hindi lang daw ito maamin nina Roxanne at Joross dahil may mga projects na masasagasaan.
Tinawagan namin ang manager ni Joross na katotong Jun Reyes kung ano ang tunay na score ng magka-loveteam in reel and real life.
"Naku, ate, its not true, heto nga sweet na sweet ang dalawa, baka may naninira lang kasi gustong agawin si Joross kay Roxanne.
Tanda pa ba ninyo ang boy band na Jeremiah? Ang kumanta ng "Nanghihinayang," "Oh Babe," "Bakit Ka Iiyak" at "Basta Ikaw" ay totally disbanded na pala. All the while akala namin ay nagpapahinga lang dahil ang huling balita namin sa isang common friend ay naghahanda sila for a new album at iba na ang packaging nila.
Marahil ay hindi sila nagkasundu-sundo kayat natuluyan na talaga silang magkawatak-watak.
Among the five members ay si Froilan "Froi" Calixto ang unang nag-revive ng career bilang solo performer na lang thru the help of his ever loyal supporter na si Ms Arlene Butterworth na siyang nag-produce ng CD Lite album niyang "Sabihin Mo" na released naman ng Concorde Records.
At sa pagbabalik ni Froi ay kakaiba na ang tunog niya, di tulad nung nasa Jeremiah siya na R n B at cover songs ang style nila, ngayon ay alternative/ pop/acoustic na at pawang originals ang laman ng CD lite album niya tulad ng carrier song na "Sabihin Mo," "Salamat Kaibigan," "Bathala" at may kasama pang music video. REGGEE BONOAN
Ang kumpirmadong inamin ng actor ay si Angeli Pangilinan ng Genesis na ang manager niya when it comes to his music career, kasama na ang Jeans Band na siya rin ang vocalist at siya rin ang nag-compose ng mga kanta sa debut album nila na nakatakdang i-launch next month.
"Sa music palang ang hahawakan ng Genesis, nagustuhan ko kasi maganda yung takbo ng career ngayon ni Gary V., so more or less, ganun ang gusto kong path ng music career ko.
"Sa movie at television projects as of now, ako palang ang nakikipag-negotiate, so far wala pang problema, lahat naman okey, lahat ng endorsements ko, nag-renew naman and I have a new clothing line endorsement na makikita ninyo sa Edsa ang billboard, hopefully next month din ang launching," pahayag ni Echo alyas Manny Pacquiao.
And speaking of Manny, maski na raw milyones ang kinikita nito sa pagbo-boksing ay hindi raw pinangarap ni Echo na maging isang boksingero dahil hindi raw niya kaya ang pressured at hirap na dinaranas ni Manny.
"Grabe, hindi ko gugustuhin dahil nakakalog ang utak ko, baka hindi ko kayanin ang laban, kaya bilib ako sa mga boksingero natin, ang lalakas ng loob nila, kaya kung anuman ang tinatamasa ngayon ni Manny, he deserves it at dapat suportahan natin ang mga boksingero natin na nakikipaglaban para sa bansa natin," mahabang esplika ni Jericho.
At ang culprit sa hiwalayan ay isang staff daw ng programang At Home Ka Dito na nilalandi raw ng actor hanggang sa bumigay ito. Hindi lang daw ito maamin nina Roxanne at Joross dahil may mga projects na masasagasaan.
Tinawagan namin ang manager ni Joross na katotong Jun Reyes kung ano ang tunay na score ng magka-loveteam in reel and real life.
"Naku, ate, its not true, heto nga sweet na sweet ang dalawa, baka may naninira lang kasi gustong agawin si Joross kay Roxanne.
Marahil ay hindi sila nagkasundu-sundo kayat natuluyan na talaga silang magkawatak-watak.
Among the five members ay si Froilan "Froi" Calixto ang unang nag-revive ng career bilang solo performer na lang thru the help of his ever loyal supporter na si Ms Arlene Butterworth na siyang nag-produce ng CD Lite album niyang "Sabihin Mo" na released naman ng Concorde Records.
At sa pagbabalik ni Froi ay kakaiba na ang tunog niya, di tulad nung nasa Jeremiah siya na R n B at cover songs ang style nila, ngayon ay alternative/ pop/acoustic na at pawang originals ang laman ng CD lite album niya tulad ng carrier song na "Sabihin Mo," "Salamat Kaibigan," "Bathala" at may kasama pang music video. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended