Faith & co. gagastos ng tig-P150 thou para ma-represent ang Pinas sa Hollywood Olympics!
June 16, 2006 | 12:00am
Nakikisimpatiya ako sa mga kababayan nating performers na pupunta ng US sa Agosto 5-13 para makipag-compete sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood Palladium Calif., USA.
Limamput isang bansa ang lalahok sa malaking paligsahang ito na sasalihan natin sa ikalawang pagkakataon. Last year, naging mga Big Winners sina Jed Madela at Rizza Navales. Lahat ng kategoryang sinalihan nila ay napanalunan nila.
Bukod sa mahihirapan sina Faith Cuneta, Juaquin at Rommel Luna na mapantayan ang tagumpay nina Jed at Rizza, dahil pawang silang first timers sila sa ganitong paligsahan, sila pa rin ang sasagot sa lahat nilang gastusin na aabot ng P150,000 each.
Sa vocal competition sasali ang tatlo pero, bukod sa pagkanta, sasali rin ang baguhang si Rommel sa acting category. Lalaban din sa kategoryang ito si Julia Clarete.
Ipadadala rin ng GMA Artist Center sa pamumuno ni Ms. Ida Henares sina Jonalyn Viray at Brenan Espartinez para sa ibang kategorya.
Sure ako na mas matanda pa si Ellen Lising sa shop niya, ang popular na Ellens Aesthetic Center na mahirap nang bilangin sa dami ang mga branches nito pero, dahilan sa siya ang pinaka-modelo ng kanyang negosyo kung kayat marami ang naiinggit kung paano niya napapanatili ang kanyang beauty.
Pero, sa mga nakakikilala sa kanya, walang beauty secrets si Ellen. Talaga lamang pusturyosa siyat palaayos at masayahin sa buhay at ito ay rumi-rehistro sa mukha niya. Nakakapagpasaya rin sa kanya na ang negosyo niyay napalaki niya ng magisa, ganundin ang kanyang mga anak na katulong niya sa pamamahala nito.
Ngayong June 16 at 17 ay magdiriwang ang Ellens Aesthetic Center ng kanyang 27th anniversary, magbibigay sila ng hanggang 50% discount sa lahat ng services tulad ng diamond peel laser treatment, warts removal, body micro peel at permanent cosmetics.
Si Ellen ang nangangalaga sa balat nina Elizabeth Oropesa, Melanie Marquez, Daisy Reyes, Hanni Miller, Patrick Garcia, Angelina Calina (PBB finalist), Carlo Aquino, Jo Canonizado, Carlene Aguilar, Wendy Valdez, Jiro Manio, Allen Dizon, Nora Aunor, Kate Gordon, Evangeline Pascual at Stella L. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 3746665/4136357.
Nakakabuti yung parang pag-aaway-away ng mga Jukebox Queens na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente at Eva Eugenio sa TV dahilan sa dumarami ang mga shows nila. Tila nagugustuhan ng tao yung extension ng kanilang rivalry kung kaya marami ang kumukuha sa kanila para mag-show na magkakasama.
Ngayong gabi, muling magpapakitang gilas ang tatlo sa Pagcor Grand Theater ng Airport Casino Filipino Parañaque at bukas, Sabado, sa Casino Filipino-Tagaytay sa isang concert na pinamagatang Queens of the Night.
Kung gusto nyong makita kung sino sa kanilang tatlo ang pinaka-magaling, call kayo sa Live Artist Prod. Inc. (9202643/9260556), SM Ticketnet (9115555) at Ticketworld (8919999) for tickets.
Limamput isang bansa ang lalahok sa malaking paligsahang ito na sasalihan natin sa ikalawang pagkakataon. Last year, naging mga Big Winners sina Jed Madela at Rizza Navales. Lahat ng kategoryang sinalihan nila ay napanalunan nila.
Bukod sa mahihirapan sina Faith Cuneta, Juaquin at Rommel Luna na mapantayan ang tagumpay nina Jed at Rizza, dahil pawang silang first timers sila sa ganitong paligsahan, sila pa rin ang sasagot sa lahat nilang gastusin na aabot ng P150,000 each.
Sa vocal competition sasali ang tatlo pero, bukod sa pagkanta, sasali rin ang baguhang si Rommel sa acting category. Lalaban din sa kategoryang ito si Julia Clarete.
Ipadadala rin ng GMA Artist Center sa pamumuno ni Ms. Ida Henares sina Jonalyn Viray at Brenan Espartinez para sa ibang kategorya.
Pero, sa mga nakakikilala sa kanya, walang beauty secrets si Ellen. Talaga lamang pusturyosa siyat palaayos at masayahin sa buhay at ito ay rumi-rehistro sa mukha niya. Nakakapagpasaya rin sa kanya na ang negosyo niyay napalaki niya ng magisa, ganundin ang kanyang mga anak na katulong niya sa pamamahala nito.
Ngayong June 16 at 17 ay magdiriwang ang Ellens Aesthetic Center ng kanyang 27th anniversary, magbibigay sila ng hanggang 50% discount sa lahat ng services tulad ng diamond peel laser treatment, warts removal, body micro peel at permanent cosmetics.
Si Ellen ang nangangalaga sa balat nina Elizabeth Oropesa, Melanie Marquez, Daisy Reyes, Hanni Miller, Patrick Garcia, Angelina Calina (PBB finalist), Carlo Aquino, Jo Canonizado, Carlene Aguilar, Wendy Valdez, Jiro Manio, Allen Dizon, Nora Aunor, Kate Gordon, Evangeline Pascual at Stella L. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 3746665/4136357.
Ngayong gabi, muling magpapakitang gilas ang tatlo sa Pagcor Grand Theater ng Airport Casino Filipino Parañaque at bukas, Sabado, sa Casino Filipino-Tagaytay sa isang concert na pinamagatang Queens of the Night.
Kung gusto nyong makita kung sino sa kanilang tatlo ang pinaka-magaling, call kayo sa Live Artist Prod. Inc. (9202643/9260556), SM Ticketnet (9115555) at Ticketworld (8919999) for tickets.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended