^

PSN Showbiz

Ang daming Pinoy workers sa Hongkong Disneyland

RATED A - Aster Amoyo -
Nung nakaraang Sabado ng umaga, June 10 ay nakasabay namin sa flight patungong Hongkong si Gov. Luis ‘Chavit’ Singson ng Vigan.  Patungo umano siya ng China for a business trip.  Nung Lunes (June 12) naman ng gabi ay same flight kami nina LJ Moreno at ng kanyang boyfriend na nagngangalang Jimmy pabalik ng Maynila.  Naiwan naman sa Hongkong sina Douglas Quijano, Anjo Yllana at dalawa nitong anak na nagbabalak sanang mamasyal ng Disneyland pero nag-uulan doon.  Maging sina LJ at Jimmy na balak ding magtungo ng Disneyland ay hindi na rin tumuloy.

Na-cut short man ang aming pamamasyal sa Disneyland nung linggo dahil sa ulan, natuwa naman kami para sa ating mga kababayan na  nabigyan ng trabaho sa Disneyland.  Ang iba sa kanila ay kasama sa  ensemble habang ang iba naman ay mga empleyado ng theme park. 

Kahit hindi maganda ang panahon nung Lunes ay pinilit pa rin naming makarating ng The Peak sa pamamagitan ng Peak Tram kung saan kitang-kita ang buong Hongkong.

Maraming magagandang lugar pa sana ang gusto naming puntahan pero hindi nakiayon ang panahon kaya nagtiyaga na lamang kaming mamasyal sa mga shopping centers. 

Sa Disneyland ay nakilala namin ang isang Pinoy  na si Glen Ferrer na nagtatrabaho sa Disneyland Hotel. Nangako ito sa amin na sa susunod naming pagbisita sa Hongkong Disneyland ay hindi na raw kami kailangang magbayad para sa entrance ticket basta ipaalam lamang namin sa kanya ng mas maaga. 
* * *
Tiyak na magiging kaabang-abang ang mga natitirang episodes ng Sa Piling Mo na tinatampukan nina Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Rica Peralejo at Albert Martinez na ang unang season ay magtatapos ngayong Biyernes. Matuloy kaya ang kasal nina Adrian (Piolo) at Nicole (Rica) sa kabila na mas matimbang ang pagmamahal ni Adrian kay Jennifer (Judy Ann)? 

Ang wedding episode ay tiyak na mangyayari ngayong Biyernes pero hindi nga lamang sigurado kung sino kina Jennifer at Nicole ang mas pipiliin ni Adrian.  Kung si Nicole ang pipiliin ni Adrian, paano na lamang si Jennifer?     

Samantala, ang ikalawang season ng Sa Piling Mo ay magsisimula sa Lunes, June 19 na sisimulan ng isang wedding scene.  Kaninong kasal kaya ito?  Abangan!
* * *
[email protected]

vuukle comment

ADRIAN

ALBERT MARTINEZ

ANJO YLLANA

BIYERNES

DISNEYLAND

DISNEYLAND HOTEL

JENNIFER

SA PILING MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with