^

PSN Showbiz

Nakakaantok ang bagong TV show ni Kris!

-
Naggagalaiti sa galit ang isang tv reporter habang ikinukwento sa amin ang pambabastos sa kanya ng grupong Orange and Lemons na nominado sa Awit Awards na gaganapin ngayong gabi sa Casino Filipino Theater.

Nominado ang baguhang banda sa kategoryang Song of the Year, ang awitin nilang "Hanggang Kailan" na ost sa isang shampoo commercial. Nakikilala ang Orange and Lemons dahil sila ang kumanta ng ost ng 1st season ng Pinoy Big Brother.

At dahil baguhan nga ay sabik silang in-interbyuhin ng tv reporter kung ano ang pakiramdam nila at kaagad silang napansin sa Awit Awards.

"Okey naman ang sagot nila na napansin sila at natutuwa sila, pero nung banggitin ko na ang term na "Na-penetrate" na nila ang isang prestihiyosong awards, tulad nga ng Awit ay bigla silang nagtawanan dahil nga hindi naman daw sila baguhan para hindi nila ma-penetrate ang Awit Awards.

"Hindi ko na sila pinansin nung una, kaya lang all throughout the interview, nagtatawanan sila, para akong tanga sa ginawa nila," detalyadong kwento sa amin ng katotong tv reporter.
* * *
Mismong mga executive ng ABS-CBN ang nagsabi na talagang nakakaantok at boring ang bagong game show ni Kris Aquino na Kapamilya: Deal or No Deal dahil wala raw siyang emosyon, feeling daw ni Tetay ay Pilipinas, Game K N B? ang hino-host pa rin niya.

"Dala-dala pa rin niya yung facial expression niya sa PGNB sa Deal or No Deal, walang puso, di tulad sa ibang bansa, kitang-kita mo ‘yung contestants at ‘yung host na concerned sa contestants.

At heto pa ang eksaktong sabi sa amin, "Dinadaan na lang niya sa magagandang gown na gawa ni Pepsi Herrera para hindi mapansin yung tsaka niyang pagho-host. 
* * *
Dumating na ng bansa si Vina Morales kasama ang magulang na sina Daddy Ike at Mommy Deanne Magdayao galing ng Amerika kung saan nagkaroon ng series of shows ang singer/actress kasama ang R n B Prince na si Jay-R.

Tinanong namin si Mommy Deanne tungkol sa tsikang hindi raw napuno ang limang venue kung saan nag-show ang anak niya.

"Totoong hindi talaga napuno, nasa 70% lang ang tao, sabi rin naman sa amin ng producer na wala na raw nakakapuno ngayon ng venue, maski raw sino ang dalhin mong Pinoy performers doon, hindi na talaga napupuno, pero yung sa Los Angeles, nasa 90% ang tao. Sa tingin ko, hindi naman nalugi ang producer kasi marami naman silang sponsors," kuwento ni Mommy Deanne sa amin.

May binanggit ngang singers si Mommy Deanne na katatapos lang ang shows sa States na talagang nalugi dahil wala pa raw sa 40% ang tao bukod pa sa mahal ang talent fees kaya binati pa raw ‘yung producer ni Vina sa States kasi mas kumita pa siya considering hot property ngayon yung mga dinala niyang performers.

By November ay sa Hawaii naman nakatakdang mag-concert si Vina, pero bago ‘yun ay ang 2nd major concert niya sa Araneta Coliseum sa August 18 na may titulong Show Girl ang pagkakaabalahan ni Vina. — REGGEE BONOAN

ARANETA COLISEUM

AWIT AWARDS

B PRINCE

BY NOVEMBER

CASINO FILIPINO THEATER

MOMMY DEANNE

NO DEAL

ORANGE AND LEMONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with