^

PSN Showbiz

Tintin, nagbibigay ng libreng bahay!

RATED A - Aster Amoyo -
Malaki ang potential na tanghaling malaking star balang araw si Kim Yap Chui, PBBTE Big Winner dahil bukod sa bata, maganda ito at very talented.

Ngayong siya ang nakapag-uwi ng P1M, plus condo at iba pang mga papremyo, tiyak na may titirahan na sila ng kanyang mommy at hindi na siya magdi-dyip papasok ng school.

Parang Cinderella rin ang kwento ng buhay ni Kim. Ang kanyang ama ay may pangalawang pamilya. Nakikita lamang niya ang kanyang ama tuwing Pasko at New Year. Kung dati-rati’y may sarili silang bahay at sasakyan, ngayon ay nakikitira na lamang sila sa kanyang maternal grandma at sumasakay siya ng jeep papasok ng school.

Isa sa mga dahilan kung bakit siya sumali sa PBBTE ay para makatulong sa kanyang pamilya.
* * *
Tulad ng marami sa ating mga kilalang showbiz personalities, si Tintin Bersola Babao ay produkto rin ng isang broken family. Sixteen years old pa lamang siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. 

Aminado si Tintin na apektado siya gayundin ang kanyang ina at mga kapatid. Magmula nang sila’y iwan ng kanilang ama ay maraming hirap ang kanilang pinagdaanan kaya napilitan si Tintin na maging working student pagpasok niya ng college. 

Dapat sana’y sa Ateneo siya mag-aaral ng kolehiyo pero hindi nila kaya ang tuition fee kaya sa UP siya nag-enrol.  Dahil sa kakulangan ng pera, 25 beses silang nagpalipat-lipat ng tirahan pero hindi ito naging sagabal kay Tintin sa kanyang pag-aaral. 

Sa halip ay pinagbuti niya ito at nagtapos siyang cum laude sa UP. Ipinangako ni Tintin sa kanyang sarili na magsusumikap siya para makatulong sa kanyang pamilya.  Nagtapos siya ng Film & Audio Visual Communication kaya siya nag-practicum sa OctoArts Films.

Hindi ikinakaila ni Tintin na talagang sumama ang kanilang loob sa kanilang ama pero nang magtungo sila ng Holy Land kasama ang kanyang ina noong taong 2000 ay nakuha nilang patawarin ang kanilang ama. Kaya nang siya’y ikasal nung 2003 ay dumalo ang kanyang ama sa napakahalagang okasyon ng kanyang buhay.

Dahil sa patuloy na pagganda ng career ni Tintin, nabigyan niya ng magkahiwalay na bahay ang kanyang ina at ama.  Ang kanyang inaasam noon na pag-aaral sa Ateneo ay naibigay niya sa kanyang bunsong kapatid na si Niño.

"I’m so blessed," aniya.

"Binigyan Niya ako ng magandang trabaho, napakabait at responsible husband, a healthy and beautiful baby and I’m surrounded with love hindi lamang ng family ko kundi maging ng mga kaibigan ko," pahayag ni Tintin.

Dahil sa patuloy na blessings na dumarating kay Tintin at sa kanyang pamilya, ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulong siya sa Gawad Kalinga sa pamamagitan ng pagbibigay at pagpapagawa ng bahay na puwedeng pakinabangan ng isang pamilya na walang masilungan. 

Nung kaarawan niya nung isang taon, October 30, nagpagawa si Tintin ng isang bahay na maaaring tuluyan ng 16 katao. Ito’y matatagpuan sa Sitio Ruby sa may Fairview, Quezon City. Ipinangako ni Tintin na gagawin niya ito taun-taon bilang birthday gift niya sa mga nangangailangan.

Bukod sa pagiging host ni Tintin ng Magandang Umaga Bayan, isa rin siyang in-demand product endorser ganoon din ang baby nila ni Julius na si Antonia.  Nakakadalawang kontrata na silang mag-ina sa EQ Dry Diaper. 

Nariyan pa ang Aqua Soft, Nestle Infant Nutrition at ang pinakabago, ang Robby Rabbit product line na kinabibilangan ng mga gamit pambata tulad ng bags, shoes, slippers, plastic wares - lunchboxes, tumblers, juicers, canisters, mugs, headgears - hats, sports caps, towels hankies, stationeries at iba pang collectible items.

Kinukuha si Tintin na product endorser dahil sa kanyang wholesome image. Sayang nga lamang at hindi pinapayagan ang mga news anchors ng ABS-CBN na tumanggap ng product endorsements, disin sana’y pati si Julius ay kasama.

AMA

AQUA SOFT

DAHIL

KANYANG

NIYA

SIYA

TINTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with