Jay, aminadong nanakit ng babae
June 12, 2006 | 12:00am
Kasama si Jay Manalo sa pelikulang Pacquiao The Movie kung saan ginagampanan nito ang papel ni Emong na kaibigang boksingero ni Manny. Siya ang nagturo ng boksing sa kaibigan pero bilang si Emong ay di naging maganda ang buhay nito.
Bukod sa Pacquiao, sinimulan na ni Jay ang isang indie film at nakapagsyuting na ng tatlong araw pero, di natuloy dahil sa kakapusan sa budget ng prodyuser.
Sa interview, tinanong namin ang actor kung nanakit na ba ito ng babae sa tunay na buhay.
"Nakasampal na ako ng babae dahil na-provoke ako at hiniya kaya nagawa ko ito pero, kaming dalawa lang ang magkasama at walang nakakakitang ibang tao," aniya.
May negosyo si Jay kung saan kasosyo ito sa isang restoran.
Wala siyang ginagawang pelikula ngayon kaya after ng Pacquiao The Movie ay lagi lang nasa bahay ang aktor. Kahit may album nang nagawa ang grupo nilang Barako Boys ay di na nasundan ang kanilang album kaya nakatengga rin ang singing career nito.
Nagtataka kami kung bakit naging punong abala sa presentation ng PBB Reunion si Joy Cancio kung saan siya ang choreographer sa production numbers.
Hindi kaya ito pagbabadya na lilipat na sa Dos ang kanyang mga alagang Sexbomb Dancers? Paano na ang Daisy Siete na nasa Channel 7? Tanong ng mga kapatid sa hanapbuhay.
Suportado ng GMA si Rea Nakpil ng StarStruck 3 dahil sa kalipunan ng mga kabataang artista na kabilang sa batch na ito ay isa siya sa mabibigyan ng project.
Katunayan, kasama siya sa bagong youth oriented show titled Posh sa QTV-11 kaya excited na ito. Makakasama niya rito sina Gian Carlos, Iwa Moto at iba pa.
Kahapon ay guest din ang magandang young actress sa Gigsters ng SOP.
Idol niya si Angel Locsin dahil nababaitan siya sa aktres. Gusto rin niyang tularan ang idolong aktres pag-dating sa pagpupundar ng mga kabuhayan.
Gusto pang mahasa sa pag-arte ni Rea kaya nag-undergo ito ng acting workshop sa PETA.
Balik kay Zsazsa Padilla ang proyektong ZsaZsa Zaturnnah na entry ng Regal Entertainment sa darating na Metro Manila Film Festival. Pinalitan nito si Rufa Mae Quinto na siya ring bida sa Short Time.
Pinalitan naman ni Rustom Padilla si Ogie Alcasid sa papel na Ada. Pumayag lang ito dahil ang bida ay si Zsazsa.
Ngangako ang seksing aktres na magbabago na siya nang manalo sa isang reality show at gustong bumawi sa kanyang career na nangulimlim na. Nagbalik-sigla naman dahil magaling ang kanyang manager at naisasalba ang career. Pero balitang gusto na siyang bitiwan ng manager dahil unpropesyonal na ito at laging late sa mga commitment.
Higit sa lahat, nawalan na ito ng respeto sa manager kung saan mag-isa raw rumaraket nang di ipinaaalam sa taong humahawak ng kanyang career.
Bukod sa Pacquiao, sinimulan na ni Jay ang isang indie film at nakapagsyuting na ng tatlong araw pero, di natuloy dahil sa kakapusan sa budget ng prodyuser.
Sa interview, tinanong namin ang actor kung nanakit na ba ito ng babae sa tunay na buhay.
"Nakasampal na ako ng babae dahil na-provoke ako at hiniya kaya nagawa ko ito pero, kaming dalawa lang ang magkasama at walang nakakakitang ibang tao," aniya.
May negosyo si Jay kung saan kasosyo ito sa isang restoran.
Wala siyang ginagawang pelikula ngayon kaya after ng Pacquiao The Movie ay lagi lang nasa bahay ang aktor. Kahit may album nang nagawa ang grupo nilang Barako Boys ay di na nasundan ang kanilang album kaya nakatengga rin ang singing career nito.
Hindi kaya ito pagbabadya na lilipat na sa Dos ang kanyang mga alagang Sexbomb Dancers? Paano na ang Daisy Siete na nasa Channel 7? Tanong ng mga kapatid sa hanapbuhay.
Katunayan, kasama siya sa bagong youth oriented show titled Posh sa QTV-11 kaya excited na ito. Makakasama niya rito sina Gian Carlos, Iwa Moto at iba pa.
Kahapon ay guest din ang magandang young actress sa Gigsters ng SOP.
Idol niya si Angel Locsin dahil nababaitan siya sa aktres. Gusto rin niyang tularan ang idolong aktres pag-dating sa pagpupundar ng mga kabuhayan.
Gusto pang mahasa sa pag-arte ni Rea kaya nag-undergo ito ng acting workshop sa PETA.
Pinalitan naman ni Rustom Padilla si Ogie Alcasid sa papel na Ada. Pumayag lang ito dahil ang bida ay si Zsazsa.
Higit sa lahat, nawalan na ito ng respeto sa manager kung saan mag-isa raw rumaraket nang di ipinaaalam sa taong humahawak ng kanyang career.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am