^

PSN Showbiz

Sa sobrang pagdi-dyeta, Marvin, anorexic na!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Maraming nakapansin sa shooting ng Oh My Ghost ang sobrang payat ni Marvin Agustin. Alam naman natin sa showbiz, kapag medyo ’di normal ang itsura ng isang artista marami ang espekulasyon.

Sabi ng iba, mukhang anorexic na ang actor. Bukod sa payat talaga siya, humpak na ang kanyang pisngi.

Kaya naman pala, masyadong seryoso si Marvin sa kanyang diet. Kadalasan, soup and crackers lang ang kinakain niya. Inobliga niya pa ang caterer sa shooting na brown rice lang ang kanyang kanin. Kaya naman naghahatid ng pagkain sa shooting, nagluluto pa ng bukod na red or brown rice para kay Marvin.

Kapag kainan naman, halos kalahati lang ang nauubos niya sa one cup ng brown rice.

Sa mga shooting breaks, nag-iisa lang si Marvin sa kanyang kuwartong aircon doon sa location ng Oh My Ghost sa may La Loma, Quezon City. Ang sabi pa si Marvin mismo ang nagbabayad ng upa ng kwarto para mabigyan siya ng air-conditioning unit at maging comfortable during shooting breaks.

Sa Oh My Ghost, si Rufa Mae Quinto ang lumalabas ng title role. Isa siyang rape victim at ang kanyang mga rapists ay sina Paolo Contis at Uma Khoumy.

Namatay si Rufa Mae at naging isang multong nagpapakita, halos sa malaking bahagi ng pelikulang dinirek ni Tony Y. Reyes.
* * *
Inilabas na ang DVD at VCD ng multi-award winning film na Brokeback Mountain ng Viva Video. Ang direktor ng pelikula tungkol sa dalawang cowboys na nagkaroon ng homosexual relation na si Ang Lee ay nagkamit ng Best Director Award mula sa Oscars, Golden Globe at Independent Spirit Awards.

Ang Brokeback Mountain ang siyang tinanghal na Best Film sa 2005 Venice Film Festival.

Bida sina Heath Ledger as Ennis at Jake Gyllenhaul as Jack. Ang madramang istorya ng Brokeback Mountain ay naganap noong ’60s. Ang lahat ng kanilang ligaya’t lungkot sa maraming taon at kung paano tumagal ang kanilang relasyon ay matibay na patunay sa isang dakilang pag-ibig.

Kung nais ninyong ulit-uliting panoorin ang Brokeback Mountain sa inyong mga bahay, bumili ng DVD o VCD nito sa mga Viva Video outlets.
* * *
Isang pabling na aktor ang gustong muling buhayin ang kanyang panliligaw sa isang sexy actress/singer.

Sabi nga ng actress, hindi man lang naka-first base ang panliligaw sa kanya ng chickboy noon.

"Paano ko naman siya papatulan alam kong lima kaming sabay-sabay na gusto niyang makuha that time," natatawang sabi ni sexy. "Lalo pa ngayong hindi niya ako makukuha. Baka mayaman pa ako sa kanya at ang gusto o ’yong tototohanin ako at marami talagang pera."

Hindi na tuloy nakaporma ang chickboy at pinagtawanan na lamang siya ng mga kapwa artistang nakarinig sa mga sinabi ni sexy.

vuukle comment

ANG LEE

BEST DIRECTOR AWARD

BEST FILM

BROKEBACK MOUNTAIN

GOLDEN GLOBE

HEATH LEDGER

MARVIN

OH MY GHOST

VIVA VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with