^

PSN Showbiz

Rochelle, sinusulot kay Joy Cancio!

-
Hindi na napilit ni Joy Cancio ang alagang si Rochelle Pangilinan na magpa-kalbo para sa role niyang may cancer sa Season 11 ng Daisy Siete kaya’t gagawan na lang ng paraan para palabasing kinalbo ang singer/dancer/actress.

Say ng manager ng Sexbomb, "Ayoko namang pilitin kasi baka sa huli, e, ako pa ang masisi, hayaan na lang natin basta ipinaliwanag ko na ang lahat para rin sa career niya kasi nga balak ko na siyang gawing seryosong aktres, eventually doon na papunta ang career ni Rochelle kasi alam kong gusto na niyang maging solo aktres at hindi ko naman ‘yun ipagkakait sa kanya."

At alam naman daw ito ng ibang myembro ng Sexbomb na darating ang araw na hindi na nila makakasama pa si Rochelle as a singer at dancer, "Pero kung kukunin pa rin si Rochelle, join pa rin siya, pero ang packaging ko sa kanya, actress na talaga," dagdag pa ni Joy.

Samantala, gaano katotoo na tila nagbabalak na raw umalis si Rochelle sa grupo ng Sexbomb dahil may isang sikat na talent manager na gusto siyang i-manage at pinangakuang bibigyan kaagad ng magagandang tv projects at pelikula?

"Nagulat si Joy sa tanong namin dahil wala naman daw siyang alam at walang sinasabi sa kanya si Rochelle.

"Wala namang nababanggit sa akin si Rochelle, ewan ko, sige tatanungin ko siya, hindi ko alam ‘yan, huh?" kunot noong sagot ni Joy.

Samantala, klinaro ni Joy na hindi siya na-pirate ng ABS-CBN tulad ng nasulat dahil siya ang stage director sa nakaraang big night ng Pinoy Big Brother Teen Edition na ginawa sa Aliw Theater.

"Tinanong lang ako kung puwede kong hawakan ‘yung grand finals ng PBBTE, e, kasi marami rin naman akong kaibigan sa Dos, so pumayag ako, tapos nangailangan din ng dancers, isinama ko ang Dance Focus kasi sila lang ‘yung walang exclusive contract sa GMA 7 at ganun din ako, hindi rin naman ako naka-kontrata as talent sa GMA kaya puwede akong tumanggap ng trabaho sa ibang network.

"Ang hindi lang talaga puwedeng lumabas sa Dos ay ang Sexbomb kasi sa GMA 7 talaga sila. Kinukuha nga sila ng Dos mag-guest, hindi ko pinayagan kasi sa GMA ang loyalty nila dahil maganda ang trato sa kanila ro’n.

"Kaya instead of Sexbomb, ang Dance Focus ang ibinigay ko at so far, may guestings na ang Dance Focus sa ASAP 06," esplika ng manager ng dalawang grupo ng dancers.

To date ay nakahanda na ang Season 12 ng Daisy Siete na eere na sa July 24 at light drama na raw ito, hindi katulad ng Season 11 na heavy at tanggap niyang bumaba talaga ang ratings nila na kung hindi kami nagkakamali ang lowest rating ay umabot na sa 15.4%.

"Pareho na kami ng Wowowee, nasa kinse na." natawang sambit ni Joy.
* * *
So, sumasakay na rin sa gimmick si Piolo Pascual sa tsismis na may relasyon kuno sila ni Rica Peralejo dahil sa nakaraang interviews sa kanya para sa digital film nila ni Yul Servo ay inamin niyang seryoso na siyang ituloy ang anumang nababalita sa kanila ng aktres na kasama niya sa teleseryeng Sa Piling Mo.

Nagsimula raw silang maging close ni Rica sa taping nga ng SPM, sa ASAP 06 at sa nakaraang shows nila kasama si Sam Milby sa Oakland, California.

At maraming fans ang nagtatanong kung bakit si Rica ang nire-request ni Piolo na makasama sa mga shows niya abroad imbes na ang ka-loveteam niyang si Judy Ann Santos? At si Juday ay si Ryan Agoncillo naman ang kasamang mag-show sa San Francisco sa August instead na si Piolo?

So, may emotional involvement na ba between Piolo and Rica or Piolo at Juday na nagseselos ang huli kay Ryan?

Samantala, may wedding scenes sina Piolo at Rica sa SPM at may kasabihan na hindi sila magkakatuluyan kapag nakunan silang ikinakasal, so paano na ang sinasabi ni Piolo na gusto niya si Rica sa tunay na buhay?

Simula bukas, Lunes mapapanood sa Sa Piling Mo ang nabanggit na wedding scene nina Piolo at Rica.

Sa June 12 na ang last taping day ng SPM pero hanggang September pa ang airing nito.

At by July ay uumpisahan na ang taping ng Walang Kapalit na bagong soap drama naman nina Piolo at Claudine Barretto directed by Wenn Deramas. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALIW THEATER

DAISY SIETE

DANCE FOCUS

PIOLO

RICA

SA PILING MO

SAMANTALA

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with