^

PSN Showbiz

Aga may sariling aviary sa Batangas

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
For the first time, ipinakita ni Aga Muhlach ang mga alaga niyang ibon sa kanyang ipinatayong aviary sa Batangas. Grabe, mga one of a kind ang mga parrot na alaga niya sa kanilang property sa Mataas Na Kahoy.

Iisa ang species pero different varieties ang mga alagang ibon ng actor. Bago niya na-develop ang aviary sa Batangas, sa kanilang bahay sa Alabang nakatira ang mga ibon.

Mamahalin ang iba at kailangang may permit ang bawat bird.

Kasama sa variety ang Macaws Parrot, Hyacinth, Ringneck Parakeets, Queen of Bavaria, Golden Conure at marami pang iba.

May kanya-kanya ring names ang mga nasabing ibon.

Kaya naman everytime na walang work sila Aga at Charlene, diretso na sila sa Mataas na Kahoy.

At kung sa ibang aviary hindi puwedeng pumasok ang bisita sa cage dahil nagwawala ang mga ibon, sa aviary ni Aga, nakapasok kami. Mababait kasi sila at hindi mga nagwawala although kailangan silang bigyan ng pagkain ni Aga bago lumapit sa kanya.

Actually pagpasok sa cage, may kasunod si Aga na nag-aalaga ng mga ibon na may dalang food like walnuts, vegetables, apple, whole wheat bread (combination ng kalabasa, sitaw at kung anu-ano pa). Napi-feel nila na si Aga kasi habang hawak niya ang walnut talagang pumupunta sa braso niya.

Ang walnut, parang mani lang kung kagatin ng mga ibon.

Sosyal ang ibon dahil bukod sa walnut, pinakakain din sila ng almonds at whole wheat bread.

Bibihira sa bansa ang may sariling aviary dahil mahirap mag-alaga ng mga ibon dahil sa pagkain pa lang, mahal na. Magastos in other words.

Si Aga na ang nagpalaki sa karamihan sa mga ibong ‘yun. Kaya naman kilalang-kilala na siya. Plano raw ni Aga na ibenta ang iba once na mangitlog na ang mga ito.

May sariling nag-aalaga sa mga ito at ang care taker ay si Kuya Ernie na sa tabi lang ng mga aviary nakatira.

Ang gaganda ng color ng parrot, grabe may combination ng yellow and blue, may white and pink, yellow, green, blue at marami pang iba.

Hindi lahat ng ibon ay binili ni Aga. Marami rito ay regalo sa kanya ng mga kaibigan dahil everytime na may magtatanong sa kanya kung anong gusto niyang regalo, ibon parati ang kanyang sinasabi.

Isang part lang ng property ang nasabing aviary ni Aga.

At kung meron siyang aviary, si Charlene naman ay may nursery. Sayang at di namin napuntahan. Pero nalilibang si Charlene sa pagtatanim. Wala siyang pakialam kung mainit, basta nagtatanim siya. Ang ganda na nga no’ng lugar at before the year ends, tapos na rin ang pinatatayo nilang bahay doon.

Ayaw muna nilang pakunan ng photos ang ibang part ng nasabing property na facing Taal Volcano and Taal Lake. Pero ang ganda talaga. Very relaxing ang lugar.

Malaki na ang investment ng mag-asawa sa nasabing property. Ongoing ang construction at ang galing ng architect nila, si Architect Rolly Mercado na sobrang impressive din ang bahay na malapit sa property ni Aga. ‘Yun mga tipong nababasa ko lang sa Architectural Digest ang hitsura.

May spa at once na matapos ang house na ipinagagawa nila Aga at Charlene, parang naka-float sa fish fond ang house.

Year 2001 nang mabili nila ang nasabing property na parang bundok-bundok pa. The first time we went there, bare pa ang lugar. Pero ngayon, sus, hindi mo sasabihin na dating feeling bundok ka.

May itinayo silang view deck na ang makikita mo lang ay ang Taal Volcano and Taal Lake.

May bunga na rin ang ibang fruit trees like lanzones at ang dami na ring flowers.

Para ka actually na nasa paraiso sa ganda ng lugar at ‘di mo aakalain na may gano’ng property na ang mag-asawang Aga at Charlene.

Parating kasama ng mag-asawa na nagpupunta doon ang kambal na sina Atasha and Andres. Enjoy do’n ang kambal. Si Andres na five years old na, kasama namin the whole time na naglibot sa aviary. Walang pagod ‘yung bagets.

Actually, sandali lang naman kami do’n. Go kami last Thursday nina Ian Fariñas at Tita Ethel Ramos ng madaling araw at pagdating ng hapon ay nasa Manila na kami. Sandali lang naman kasi ang biyahe lalo na at nasa Alabang lang nakatira sila Aga.

Adjusted na ang mag-anak sa buhay sa probinsiya at sila ang personal na nag-asikaso sa amin. Ang sarap ng food na inihanda nila na native ng Batangas.

Look n’yo ang mga photos.

vuukle comment

AGA

AGA MUHLACH

ALABANG

ARCHITECT ROLLY MERCADO

AVIARY

BATANGAS

CHARLENE

IBON

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with