^

PSN Showbiz

Boldie, walang career pero suportado ng Japanese bf!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Madalas sinasabi nila na kung ano ang ipinakikita ng isang artista sa pelikula, yon naman ang dapat niyang iwasang gawin sa tv. Kasi libre sa tv, papaano mo pa sila maaasahang magbayad para mapanood sa sine ang ginagawa mo sa TV?

Kaya nga nang pumasok sa telebisyon si Sen. Bong Revilla at gumawa ng sitcom, sinasabi maging ng mga kritiko na tama ang kanyang desisyon. Comedy naman yon eh, samantalang ang mga pelikulang ginagawa niya ay action. Totoong magagamit ang kanyang popularidad bilang isang aktor para mapalakas ang kanyang tv show, pero naroroon pa rin naman ang pananabik ng mga tao sa kanyang pagiging isang action star, kaya nanonood pa rin sila ng kanyang mga pelikula.

Pero sinira niya ang rule. Gumawa siya ng isang pelikulang comedy-love story, ang Kapag Tumibok Ang Puso. Ano ang inaasahan niya, samantalang may sitcom siya sa TV?

Simple lang naman ang sagot diyan ni Senador Bong, naniniwala siya na sa panahong ito, ang kailangan ng mga tao ay relief. Mahirap ang buhay at hindi mo naman masasabing makakatagpo sila ng kaginhawahan agad-agad.Maski bang kahit na dalawang oras lang ay matuwa ang tao at makalimutan muna nila ang hirap ng buhay.

Ito ang dahilan kung bakit ginawa niya ang Kapag Tumibok Ang Puso. Mas sigurado nga naman siya. Milyong piso ang bibilangin niyang tubo kung gagawa na lang siya ng isang action movie, pero hindi lang naman ang kumita ang talagang gusto niya eh, kundi iyong makapagbigay siya ng kasiyahan kahit na papaano sa kanyang mga kababayang alam niyang hirap sa buhay.
* * *
Naroroon kami sa launching ng self titled album ng grupong Go Girls. Na-impress kami nang kumanta sila ng live. Hindi nagagawa iyon ng ibang girl groups. Kasi nga, karamihan naman sa kanila ay hindi talaga sila kundi mga ghost singers lang ang kumakanta. Hindi naman singers ang karamihan sa mga iyan eh, pa-sexy lang.

Pero napatunayan ng Go Girls na oo nga at sexy sila, pero ang inilalaban talaga nila ay ang kanilang talents. Hindi ba mas ok naman sila sa ginagawa nilang yon?
* * *
Suwerte naman pala ang isang female bold star at hindi siya pinabayaan ng kanyang boyfriend na Japanese. Hindi maitatanggi ng bold star na nakilala niya ang Japanese sa pamamagitan ng isang showbiz pimp. Nag-date lang sila minsan, pero nagustuhan siya ng Japanese at niligawan siya. Hindi siya legal wife pero, hindi naman siya pinabayaan ng Japanese, lalo ngayong wala siyang career.

BONG REVILLA

GO GIRLS

ISANG

KAPAG TUMIBOK ANG PUSO

NAMAN

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with