^

PSN Showbiz

Showing ng ‘Pacquiao’ movie, na-delay

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Last May 31 pa pala sana showing ang Pacquiao The Movie pero na-delay sila dahil sa problema sa visa ng mga kasama sa shooting sa Las Vegas. Ayon sa isang staff ng movie, ilang araw ding na-pack up ang shooting. Kaya ang ending, inabot sila ng 25 shooting days.

Kinapos daw kasi sa panahon kaya sa June 21 na ito ipapalabas, two weeks ahead sa laban ni Manny Pacquiao sa Mexican boxer na si Oscar Larios sa Araneta Coliseum.

Masyado rin daw naging magastos ang pelikulang ito dahil sa rami ng extra na kailangan.

Mahal din daw kasi ang bayad sa San Juan Arena kung saan kinunan ang mga boxing matches. Kinailangan din nilang kumuha ng 1,000 extras - 800 ang class A at 200 ang class B. Class A meaning local audience and ‘yung class B, ‘yung totoong mga Amerikano na kailangan daw nilang bayaran ng P1,500 to P3,000 per head.

Kaya naman ayon sa isang staff, almost P25M ang inabot ng budget nila. Hindi pa raw padded ‘yun. "Pero pag si Mommy Rose Flaminiano (FLT Films) ang tatanungin mo, malamang sasabihin niya P100 million. Hahaha," say ng isang staff.

Pero totoo raw na malaki ang gastos kasi magkano ang per day ng mga artistang may special participation sa movie.

Plus ‘yung shooting pa sa Amerika.

Anyway, kahapon ay nagkaroon ng big presscon ang nasabing movie ni Manny Pacquiao na kasalukuyang nasa ensayo sa Wild Card Gym sa Amerika. Present sa nasabing presscon ang buong cast. Kaya lang, naloka ang mga naghintay kay Jericho Rosales who portrays the role of Pacquiao dahil pagdating nito, parang bagong gising at naka-tsinelas lang.

In fairness, maganda ang trailer ng movie at na-reinvent ni Jericho ang kanyang sarili from his Panday character.

Si Direk Joel Lamangan ang in charge sa movie under FLT Productions and Star Cinema.
* * *
Typical probinsiyana si Claire Cabiguin ng Pinoy Big Brother Edition bago siya napasok sa PBB House. Janitor sa hospital ang kanyang tatay at plain housewife ang kanyang nanay sa Malaybalay, Bukidnon. Sophomore student siya sa San Isidro College before PBB.

Pero instant celebrity siya ngayon dahil nakasama siya sa Big Four ng PBBTE - 4th placer siya na never niyang inexpect before she enter the PBB House. She got 279,390 votes.

At noon palang ganapin ang Big Night, present ang boyfriend niyang taga-Bukidnon. Fireman daw ito sa kanilang probinsiya at mas may edad sa kanya. Pero worry na raw itong baka palitan na siya ni Claire.

Pinag-iisipan pa ni Claire kung itutuloy niya ang pag-aartista.
* * *
Sad naman ang story ng grand winner sa PBBTE. Grabe pero hindi obvious sa kanyang mukha. Kung titingnan mo nga siya, parang galing siya sa masayang pamilya. Pero hindi pala. Ang mother niya ay missing at sa telepono lang niya nakakausap.

Eh paano na lang kung biglang lumabas ang mother niya ngayong sikat na siya?

"Siyempre matutuwa ako pag nakita ko ang mommy ko," sabi niya.

At kung bago siya nag-join sa PBB ay dina-down siya ng mga Tita niya, after she won, aba nagtawagan daw sa kanya at sinasabing may talent naman pala siya.

Madalas daw kasing sabihin noon ng mga Tita niya na hanggang ganda lang siya ng face, wala naman siyang talent.

Malaki ang lamang sa boto ni Kim sa second placer na si Mikee Lee dahil suportado siya ng Chinese community sa bansa. Imagine, she got 626,562 votes.
* * *
Okey lang kay Christine Bersola na isa lang ang programa niya sa ABS-CBN. "Wala kasi sa akin ang pressure. At least sa MUP, marami kami," she said nang maka-tsikahan namin sa launching ng bago nilang ini-endorse ng anak nila ni Julius na si Antonia, ang Robby Rabbit.

Kaya naman ang dami ring output ngayon ni Tintin. Bukod sa rami ng endorsement nila ni Anya dahil hindi naman puwede si Julius - dahil nga naka-specify pala sa ‘black book’ ng News and Current Affairs na hindi sila puwedeng mag-endorse. At si Christine, naka-specify na puwede dahil hindi naman hard news ang ginagawa niya sa MUP.

At bago pala siya nanganak kay Anya, nakagawa siya ng children’s book na mismong si Julius ang illustrator. Ang ganda ng book na ideal para sa mga bagets, ang Bryan Learns His Lessons na out na sa Goodwill Bookstores. Next project niya ang Basura Monster.

Bukod sa children’s book, nakapag-produced siya ng instructional video na para sa mga mommy na gustong magpapayat base sa kanyang personal experience nang manganak siya kay Anya. "Ang dami kasing nagtatanong sa akin kung paano ako pumayat. So lagi akong nagsi-share sa kanila. Hanggang naisip ko na lang na mag-produce ng CD. At least, mas marami akong mommy na matutulungan," say ni Tintin.

Available ang Trampoline video (instructional CD) sa lahat ng Toby’s na distributor ng trampoline.

Anyway, nag-top pala sa Anak TV Seal’s nationwide top of the mind survey for most wholesome and child-friendly celebrity silang mag-ina kaya naman siya ang kinuha ng Robby Rabbit. "And I want Robby Rabbit to be Antonia’s friend," say ng mommy ni Anya.

No wonder na kahit two years pa lang si Anya ay marami na itong savings na ini-invest nilang mag-asawa sa bank and properties.

At any rate, available ang Robby Rabbit na nagsi-celebrate ng kanyang 18th birthday this year sa lahat ng leading department stores nationwide.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

ANYA

CENTER

KAYA

LANG

NIYA

PERO

ROBBY RABBIT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with