^

PSN Showbiz

Regine, madalas makalaban ni Jose Manalo sa mga singing contest!

- Veronica R. Samio -
"Madalas naman akong talo nun. Paano ba naman, ang lakas-lakas ng loob ko noon samantalang kapag kasali si Regine (Velasquez), marami ang nag-aayawan na!" kwento ni Jose Manalo sa launching ng kanilang debut CD ni Wally Bayola, ang "Jose & Wally Try Mo Lang", mula sa Sony BMG Music Entertainment.

Aapat lamang ang kinanta nilang dalawa mula sa CD pero, sapat na yun para malaman ng mga dumalong press na kakaiba ang album ng naturingang TV’s Dynamic Duo.

Unang kaibhan ng CD ay 15 ang kantang taglay nito, hindi tinipid. At hindi man sina Jose at Wally ang nag-kompos ng mga nasabing awitin, sa kanilang dalawa nagmula ang mga ideya para rito. Gusto ko yong "Kring Song" (Palikero version) na bagaman at tongue-twister ay talaga namang napapasayaw ako sa music nito. Okay din yung "Kalabit Penge", ang revival song na "Multong Bakla" at "Ayusin Mo Ang Buhay Mo".

May kantang novelty, pang-bata, pang-sayaw, may revival at serious songs sa album. Yung huling binanggit, kahit novelty, magagandang love songs.

Jose & Wally started their tandem sa Eat Bulaga. Bago ito, pareho silang produkto ng The Library, isang sing-along bar ni Andrew de Real. Pagkatapos ay naging PA/floor director si Jose ng Eat Bulaga.

Si Wally naman ay dating myembro ng grupong Quatro Cantos, isang quartet ng mga stand-up at sing-along comic ng The Library. Kasama rin sa grupo si Teri Onor.

Nang magbigay ng audition ang EB para sa mga bagong komedyante, nag-audition at nakapasa siya. Dito na nagsimula ang tandem nila ni Jose. At ngayon ay recording artists na sila.

Mapapanood sila sa Zirkoh Greenhills (June 13), Ever Gotesco Commonwealth (June 17), SM San Lazaro (June 25), Klownz Quezon Ave. (June 27), SM Valenzuela (June 30) Ever Gotesco Ortigas (July 1), Klownz Araneta (July 4) at SM North Edsa (July 21).
* * *
Thirty nine years old na si Mon Confiado pero, single na single pa rin siya. At ngayon lamang siya talagang nag-e-enjoy ng kanyang buhay. Lalo’t super busy siya sa paghahanda para sa 10th anniversary ng 22nd Comedy Bar sa Marcos Highway.

Renovated na ito matapos masunog nung Pebrero. Sila ng kapatid niyang si Kai ang magkasosyo rito.

Magkakaro’n ng grand opening ang 22nd Comedy Bar sa June 30. Magsasama-sama ang mga produkto ng nasabing comedy bar na sina Chokoleit, Gladys Guevarra, K Brosas, Tuesday Vargas, Ate Gay, Anton Diva, Jinky Oda at marami pang iba. Panauhin din ang bandang Bamboo at mga kasamahang artista ni Mon.

Bukod sa Marcos Highway, meron ding branches ang 22nd Comedy Bar sa Las Piñas at Cebu. May plano rin na magtayo ng branch sa Davao.

Sa kabila ng kaabalahan ni Mon, tumatanggap pa rin siya ng pelikula at TV guestings. Napanood siya sa Panday at Manay Po. Kasama rin siya sa ipalalabas na Sukob ng Star Cinema starring Kris Aquino and Claudine Barretto at ang movie na Pacquiao with Jericho Rosales at Bea Alonzo.
* * *
E-mail: veronica@philstar,net.ph

ANTON DIVA

ATE GAY

AYUSIN MO ANG BUHAY MO

BEA ALONZO

COMEDY BA

COMEDY BAR

DYNAMIC DUO

EAT BULAGA

MARCOS HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with