Hindi press release ang panliligaw ni Gov. Mark kay Tanya
June 6, 2006 | 12:00am
Tapos na ang Apoy Sa Dibdib ng Samar kung saan natapos na rin ang panliligaw ni Gov. Mark Lapid kay Cristine Reyes na kapareha nito sa pelikula.
Ngayon naman ay si Tanya Garcia ang leading lady ng gobernador sa Batas Militar na iri-release ng Solar Entertainment. Balitang nililigawan nito ang magandang aktres. May nagsasabing hiwalay na si Tanya sa kanyang boyfriend kaya nali-link ngayon ito kay Gov. Mark.
Tanong tuloy ng ilang kapatid sa hanapbuhay ay kung hindi kaya pang-promo lang at gimik ang panliligaw na ginagawa ni Mark sa dalaga? Pero may nakapuna na talagang na-in love sa aktres ang aktor at sweet na sweet ang dalawa.
Palabas na ang Batas Militar sa Hulyo 12.
Loveless ngayon si Nancy Castiglione matapos ang pakikipagrelasyon kina Bullet Jalosjos at Paolo Contis. Inamin nito na malapit lang na kaibigan si John Prats. Hindi siya interesadong tumanggap ng manliligaw sa kasalukuyan.
Mahilig sa aso si Nancy at ang atensyon ngayon ay nasa dalawang aso, isang Chihuahua na nagngangalang Muyak na hinango sa karakter nito sa Encantadia at Cocker Spaniel na si Sophia. Gusto niyang magkaroon ng Labrador dahil para sa kanya, mabait at maamo ang ganitong klase ng aso.
Pahinga muna ngayon si Nancy sa pelikula pero may gagawin itong bagong TV series at hosting jobs. Isa itong TV show sa Studio 23. Pangarap nitong maka-penetrate sa Hollywood balang araw.
Naitanong namin kay Sonny (isa sa mga prodyusers) ng bagong variety show sa Channel 13 kung bakit naisipan nilang magprodyus ng TV show at kung mahaba ba ang kanilang pisi para di matulad sa kilala naming TV produ na makaraan ang tatlong araw ay nagsara na dahil sa kakulangan ng pondo.
Sey ni Sonny, "First time naming magprodyus ng TV show at may marketing arm naman kami para tumulong na makakuha ng sponsors o advertisers. Nasa likod pa rin namin si Malou Choa Fagar na alam na ang pasikut-sikot sa telebisyon. Mahaba naman ang aming pisi kaya tatagal pa ang aming show," paliwanag nito.
Host ng show si Teri Onor at mapapanood na ito sa June 10.
Ayon sa aming kaibigang sina Felix Bautista Jr. at Daisy Sabangan, program manager ng Corporate Image Dimension na ibang pamamaraan ang ginagawa nila para sa matagumpay na family planning. Hindi ito yung mga contraceptives kundi pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa birth spacing.
Kaya naman, mayroon silang radio campaign tungkol sa tamang pag-aagwat ng pagbubuntis na tinawag nilang "Gladys, buntis ka na naman?"
Umaasa sila na magkakaron din ng seminar tungkol sa birth spacing kung saan kukuha sila ng celebrity spokesperson na magaganda ang agwat ng edad ng mga anak at nag-practice ng birth spacing.
Magaling na manager at marunong magdisiplina sa kanyang mga alaga ang pamosong talent manager. Kaso di na nakayanan ang problema ng kanyang alaga na isang sikat na aktres dahil balitang tsinugi na sa telefantasya.
Hindi na raw ito nakakasipot sa taping kaya binitiwan na ng manager. Kung totoo man ito, nanghihinayang kami sa magandang aktres dahil nabuhay na sana ang nananamlay niyang career.
Ngayon naman ay si Tanya Garcia ang leading lady ng gobernador sa Batas Militar na iri-release ng Solar Entertainment. Balitang nililigawan nito ang magandang aktres. May nagsasabing hiwalay na si Tanya sa kanyang boyfriend kaya nali-link ngayon ito kay Gov. Mark.
Tanong tuloy ng ilang kapatid sa hanapbuhay ay kung hindi kaya pang-promo lang at gimik ang panliligaw na ginagawa ni Mark sa dalaga? Pero may nakapuna na talagang na-in love sa aktres ang aktor at sweet na sweet ang dalawa.
Palabas na ang Batas Militar sa Hulyo 12.
Mahilig sa aso si Nancy at ang atensyon ngayon ay nasa dalawang aso, isang Chihuahua na nagngangalang Muyak na hinango sa karakter nito sa Encantadia at Cocker Spaniel na si Sophia. Gusto niyang magkaroon ng Labrador dahil para sa kanya, mabait at maamo ang ganitong klase ng aso.
Pahinga muna ngayon si Nancy sa pelikula pero may gagawin itong bagong TV series at hosting jobs. Isa itong TV show sa Studio 23. Pangarap nitong maka-penetrate sa Hollywood balang araw.
Sey ni Sonny, "First time naming magprodyus ng TV show at may marketing arm naman kami para tumulong na makakuha ng sponsors o advertisers. Nasa likod pa rin namin si Malou Choa Fagar na alam na ang pasikut-sikot sa telebisyon. Mahaba naman ang aming pisi kaya tatagal pa ang aming show," paliwanag nito.
Host ng show si Teri Onor at mapapanood na ito sa June 10.
Kaya naman, mayroon silang radio campaign tungkol sa tamang pag-aagwat ng pagbubuntis na tinawag nilang "Gladys, buntis ka na naman?"
Umaasa sila na magkakaron din ng seminar tungkol sa birth spacing kung saan kukuha sila ng celebrity spokesperson na magaganda ang agwat ng edad ng mga anak at nag-practice ng birth spacing.
Hindi na raw ito nakakasipot sa taping kaya binitiwan na ng manager. Kung totoo man ito, nanghihinayang kami sa magandang aktres dahil nabuhay na sana ang nananamlay niyang career.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended