^

PSN Showbiz

Natatandaan n’yo pa ba si Rudy Genaskey?

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Magdiriwang ng unang taon anibersaryo ang development oriented public affairs TV show ng NBN-4 ngayong Linggo, 10-11 ng gabi.

Masayang-masaya ang mga hosts ng palabas na sina Undersecretary Robert T. Rivera at Nikka Cleofe Alejar, habang binabalita sa amin ang tungkol sa magaganap na special edition ng show. Sabi pa ni Usec Rivera, sa loob ng isang taon ay nakapaghatid sila ng mahahalagang impormasyon sa mga tao, sa pamamagitan na rin ng personal na pahayag ng mga special guests nila mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at ng private sector.

Ngayong Linggo, mapapanood din ang mga musical numbers nina Rudy Genaskey na galing pa sa Las Vegas; Hari ng Kundiman na si Danilo Santos, keyboard artist Martin Avila at ang dance number ng Generation X.

Kabilang sa mga special guests sina Cesar Montano, Press Secretary Ignacio Bunye, Executive Secretary Eduardo Ermita, Solar Entertainment CEO Wilson Tieng at Nayong Pilipino Director, Atty. Charito Planas.

Ang TV host/civic leader na si Marissa del Mar ay nakausap din namin, na paghahanda para sa kanyang pagdalaw sa show ngayong Linggo.

Pati na ang singer/composer/painter na si Heber Bartolome ay dadalo sa nasabing anibersaryo.
* * *
Nakakwentuhan ko minsan si Rudy Genaskey nang nagbalik-bayan siya from Las Vegas, Nevada.

Madalas siyang mag-show para sa mga Pinoy doon, at abala rin siya sa sairling negosyo.

Sa Agosto 19 (Sabado) may isang concert si Genaskey with the wife of his grandson, Isabel Granada. Ang venue ng show ay ang Casino Filipino sa Clark, Pampanga.

Narinig kong kumanta ngayon si Rudy at higit na naging powerful ang kanyang boses habang nagka-edad, dahil kung tutuusin ay singing grandfather na siya.
* * *
Si Heber Bartolome naman na lead singer at composer ng dating Banyuhay ay abala sa kanyang pagpipinta. Kailan lang ay nagkaroon siya ng one-man painting exhibit sa SM Megamall Megatrade Hall.

Pawang mga National Artists ang sumali sa opening ng kanyang paitning show na ikinatuwa naman ni Heber, na binabansagan ngayon na Artista ng Bayan.

Bago matapos ang 2006, magkakaroon ng exhibit sa iba’t ibang bansa sa Europa.

CASINO FILIPINO

CESAR MONTANO

CHARITO PLANAS

DANILO SANTOS

EDUARDO ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY

GENERATION X

LAS VEGAS

RUDY GENASKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with