Apo ni Gloria, crush si Heart!
June 3, 2006 | 12:00am
Ka-birthday pala ni Ara Mina ang mga teen actors na sina John Wayne Sace (17) at Christopher Gutierrez (14) na ang kaarawan ay nung nakaraang May 9.
Hindi ikinakaila ng kahawig ni Patrick Garcia na si John Wayne na si Maja Salvador ang kanyang inspirasyon ngayon at mag-MU (as in mutual understanding) na umano sila. Gustung-gusto ng award-winning teener sa kanyang partner sa teleseryeng Sa Piling Mo ang pagiging mabait at thoughtful nito. Masaya siya dahil madalas niya itong kasama sa taping ng Sa Piling Mo.
Ngayong pasukan ay incoming third year high school na si John sa Distance Learning Center ng ABS-CBN. Nag-iipon ngayon si John dahil gusto niyang makabili ng sarili niyang condo unit. Ang una niyang investment ay ang kanyang sasakyan.
Kapu-fourteen pa lamang ni Christopher Gutierrez (Balbin) nung nakaraang May 9. Si Chris ang kaisa-isang anak ni Maritess Gutierrez at kaisa-isang apo ng veteran-award-winning actress na si Gloria Romero.
Hindi ikinakaila ni Chris na isa siyang lolas boy. Spoiled umano siya sa kanyang lola lalo na pagdating sa pagkain.
Tatlong taong gulang lamang si Chris nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Ang kanyang amang si Gordon Balbin ay naka-base ngayon sa Seattle, Washington. Huling nakita ni Chris ang kanyang ama nung nakaraang taon nang magtungo silang mag-ina sa Amerika. Kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang ay constant pa rin naman ang kanyang communication sa kanyang ama.
Sa nakaraang birthday ni Chris ay niregaluhan siya ng kanyang lola ng isang computer set at acoustic at electric guitar naman ang bigay sa kanya ng kanyang mommy.
Isang taon na si Chris sa Star Magic pero wala pa siyang TV at movie project liban sa ilang TV guesting. Hindi ba siya nababagot at walang gaanong nangyayari sa kanyang career?
"God has plans for everybody. It will come," simple niyang tugon.
Inamin sa amin ni Chris na crush niya ang kasintahan ni Jericho Rosales na si Heart Evangelista.
Si Chris ay 1st year high school student sa La Salle - Greenhills kung saan din siya nagtapos ng elementary.
Wala kaming kaalam-alam na ang komedyanteng ex-PBBTE housemate na si Bam (Charles Jerome Bonifacio Romana) ay nakababatang kapatid ng aktres at Star Magic talent na si Dimples Romana. Nalaman na lamang namin ito kay Bam mismo in the course of our interview sa kanya. Kaya pala naroon din si Dimples kasama ang one-year-old daughter nitong si Christiana Amanda Lorraine (Cal).
Ayon kay Bam, ang akala umano ng iba ay ginamit niya ang kapatid niyang si Dimples para makapasok siya sa PBB. Kung tutuusin, wala raw alam si Dimples nang siyay sumali dahil nagsimula lamang umano ito sa biruan. Nagkataon naman na pinalad siyang makapasok kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Dimples nang kanyang malaman.
Hindi ikinakaila ng 16-year-old na si Bam na na-inlab umano siya sa kanyang ex-co housemate na si Nina (Mary Clare Jose) nung silay nasa loob pa ng PBB House.
"Ang sarap ng pakiramdam nung nasa loob kami ng Bahay ni Kuya. Para kaming magkakapatid," bulalas ni Bam na gustong tapusin ang kanyang pag-aaral ng nursing pero gusto niya ring maging political analyst balang araw.
[email protected]
Hindi ikinakaila ng kahawig ni Patrick Garcia na si John Wayne na si Maja Salvador ang kanyang inspirasyon ngayon at mag-MU (as in mutual understanding) na umano sila. Gustung-gusto ng award-winning teener sa kanyang partner sa teleseryeng Sa Piling Mo ang pagiging mabait at thoughtful nito. Masaya siya dahil madalas niya itong kasama sa taping ng Sa Piling Mo.
Ngayong pasukan ay incoming third year high school na si John sa Distance Learning Center ng ABS-CBN. Nag-iipon ngayon si John dahil gusto niyang makabili ng sarili niyang condo unit. Ang una niyang investment ay ang kanyang sasakyan.
Hindi ikinakaila ni Chris na isa siyang lolas boy. Spoiled umano siya sa kanyang lola lalo na pagdating sa pagkain.
Tatlong taong gulang lamang si Chris nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Ang kanyang amang si Gordon Balbin ay naka-base ngayon sa Seattle, Washington. Huling nakita ni Chris ang kanyang ama nung nakaraang taon nang magtungo silang mag-ina sa Amerika. Kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang ay constant pa rin naman ang kanyang communication sa kanyang ama.
Sa nakaraang birthday ni Chris ay niregaluhan siya ng kanyang lola ng isang computer set at acoustic at electric guitar naman ang bigay sa kanya ng kanyang mommy.
Isang taon na si Chris sa Star Magic pero wala pa siyang TV at movie project liban sa ilang TV guesting. Hindi ba siya nababagot at walang gaanong nangyayari sa kanyang career?
"God has plans for everybody. It will come," simple niyang tugon.
Inamin sa amin ni Chris na crush niya ang kasintahan ni Jericho Rosales na si Heart Evangelista.
Si Chris ay 1st year high school student sa La Salle - Greenhills kung saan din siya nagtapos ng elementary.
Ayon kay Bam, ang akala umano ng iba ay ginamit niya ang kapatid niyang si Dimples para makapasok siya sa PBB. Kung tutuusin, wala raw alam si Dimples nang siyay sumali dahil nagsimula lamang umano ito sa biruan. Nagkataon naman na pinalad siyang makapasok kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Dimples nang kanyang malaman.
Hindi ikinakaila ng 16-year-old na si Bam na na-inlab umano siya sa kanyang ex-co housemate na si Nina (Mary Clare Jose) nung silay nasa loob pa ng PBB House.
"Ang sarap ng pakiramdam nung nasa loob kami ng Bahay ni Kuya. Para kaming magkakapatid," bulalas ni Bam na gustong tapusin ang kanyang pag-aaral ng nursing pero gusto niya ring maging political analyst balang araw.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended