^

PSN Showbiz

Lumusot si Captain Barbell!

- Veronica R. Samio -
Happy ang isang GMA exec na nakausap ko sa naging resulta ng early telecasts ng Captain Barbell.

"Nag-worry ako although alam kong maganda ang pagkakagawa ng serye dahil napaka-mahal nito, sa mga special effects lang malaking pera na ang kinakain nito. Kaya happy ako na nakalipad ng mataas ang Pinoy superhero. I’m sure maski si Ms. Annabelle, happy for Richard (Gutierrez, gumaganap ng title role).

Samantala, happy ang mga viewers sa bagong kapareha ni Richard na si Rhian Denise Ramos. Lahat sila ay nagkakaisa na parang ang gaan- gaang nitong dalhin at gayong napaka-ganda ay hindi threat sa lovelife ni Richard. Kaya walang problema si Richard, ang gf nito, ang kanyang mommy at, maging si Rhian na naramdaman ang pagtanggap sa kanya ng mga TV viewers at maging ng mga kasamahan niya sa series.
* * *
Nakakatuwa namang sa kabila ng kasikatan ni Sheryn Regis ay nakatuntong pa rin siya sa lupa.

"Hindi ko pa ramdam na sikat na ako. Hindi ko iniisip na kilala na ako ng lahat ng tao," sabi niya.

Hindi batid ng marami pero, host si Sheryn ng Visayan leg ng Little Big Star ng ABS CBN. Ang mananalo rito ay ipadadala sa Maynila para makipag-compete. Meron din itong Mindanao leg na ang host naman ay si Nikki Bacolod na taga-Iligan. Nakuha si Sheryn na mag-host dahil isa siyang Cebuana.

May bagong single si Sheryn, ang "May Nagmamahal", theme song ng programang Nagmamahal Kapamilya hosted by Bernadette Sembrano. Nasa loob ito ng album niyang "What I do Best".
* * *
>Ewan ko pero naiyak ako sa katatawa sa panonood ng Manay Po ng Regal Entertainment. Magagaling ang mga artistang lumabas dito pero, stand out sina Cherry Pie Picache at Luis Alandy.

Medyo nakaramdam lang ako ng takot dahil baka wala nang matirang lalaki sa mundo dahil unti-unti na silang lumalabas, di tulad nun na mabibilang mo sila sa mga daliri ng kamay. Not that I resent it, totoong magagaling sila, marami sa kanila ang artistic pero, sana hindi nila ma-outnumber ang mga kalalakihan natin.

Lalo akong natakot nang the next evening, sa dokyu ni Vicky Morales sa I Witness ay napanood ko naman sa TV yung mga kebabata pa, wala pa silang 10 taon, na talagang baklang-bakla na.Wala nang magawa ang mga magulang nila kundi tanggapin ang kapalaran (?) ng mga bata. Mas mabuti na raw yun kesa maging addict sila o gumawa ng masama.

Ganun!!!! Di ba nila inisip na baka naman mapigilan pa na matuluyan ang pagiging bading ng kanilang mga anak? Bakit naman nung araw, may mga nagsimulang bading pero, napigilan pa at naging mga lalaki? Dahil marami sa kanila ang tanggap na dalawa lamang ang kasarian ng tao, babae o lalaki, ang ikatlo ay isang abnormality. Patawad mga kafatid, ayaw ko lang mabura ang lahi ng mga lalaki sa lupa!! Kayo rin, di kayo mabubuhay nang walang lalaki sa mundo!!
* * *
Sa pinaka-latest survey, nakakuha ang Captain Barbell ng ratings na 41.2 kumpara sa kalaban nitong nakakuha lang ng 25.4.

Pero di ba dapat magdiwang ang nasabing serye, ang dapat nilang gawin ay masustena ang interes ng mga manonood at kung tatanggap sila ng suhestyon, dapat huwag puro aksyon, lagyan din nila ito ng drama para maging balanse at di lamang ang mga bata ang mabigyan nila ng kasiyahan kundi maging ang katulad kong nanay na mahilig sa drama.

Sana rin makaisip ang mga writers ng ibang anggulo sa istorya para mailayo ito sa istorya ni Superman.

BERNADETTE SEMBRANO

CAPTAIN BARBELL

CHERRY PIE PICACHE

I WITNESS

KAYA

LITTLE BIG STAR

LUIS ALANDY

SHERYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with